come undone...

159 24 16
                                    

Nakarating na kami ni Oscar sa bahay nila JN, JN was waiting for me outside, napansin ko rin na nandoon ang pamilya ko... 

"Hey what's happening here?" nagtataka kong tanong. 

Nakita kong namumugto ang mga mata ni mama at namumula rin ang eyes ni Jena, si Dad naman di ko matantiya yung mood niya... parang ang distant.

"Pasok ka muna Dahly" may ngiting sinabi si JN sa akin habang hinawakan niya kamay ko...

"Oscar, baka gusto mong tumuloy muna" tinanong naman niya si Oscar... 

"Ai pre, gusto ko sana kaya lang may mga kailangan pa akong asikasuhin sa bahay eh! Mauna na po ako" nagpaalam siya sa parents ni JN, parents ko at kina LJ at Jena...

"Dahly mauna na ako... James" tumingin siya kay JN... "please alagaan mo si Dahly... make her smile always." Sinabi yun ni Oscar kay JN with a smile... Tumango lang si JN at nag manly hug sila, pagkatapos umalis na si Oscar...

JN let me sit down beside him... Naupo na rin si mama at dada... si Jena at si LJ nakaupo adjacent us... Sa left namin parents ko, sa right parents ni JN, nagserve pa nga ng juice si tita sa parents ko... Wait ano ba to? namamanhikan? bakit baliktad, di ba dapat family ng guy pumupunta sa bahay ng girl??

Wait, bakit mamanhikan? at bakit itong si JN ang OA makahawak sa kamay ko... yung isang kamay niya nakapulupot naman sa hips ko... wait? ano bang meron?

I looked at them... pero bakit ganito yung mga expression nila... parang biyernes santo? Di maganda feeling ko nito...

"D d dahly, anak" si papa na ang nagsalita, wag kang mabibigla, 

"Dad..." , wag ka ng magasalita please, parang ayaw kong makinig... tinignan lang ako ni Dad, I could see hurt sa mata niya, para bang may nang iwan sa kanya... Ano ba, what is wrong?...


"Dahly, wala na si lolo mo..." finally dad said it...

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, pinagsasaksak for a million times at pinatay ng paulit ulit sa narinig ko. My world crumbled... di tinatanggap ng brain ko ang mga naririnig ko...

"NOOOOOOO! Your lying..." napasigaw ako, "it's not a funny joke dad..." Galit ako, di ako makahinga, I feel suffocated... di ka na namalayan na umiiyak na ako... nagwawala ako... buti na lang at mas hinigpitan ni JN ang paghawak sa kamay ko... he also hugged me to the point na napasubsob na ang mukha ko sa dibdib niya...

"NO NO NO that is not true..." paulit ulit kong sigaw habang na nginginig ako, ilang beses ko pang hinampas hamapas si JN na para bang siya ang may kasalanan... lahat sila nakatingin sa akin... si Mama napaiyak na rin, pati si Jena, si LJ naman niyakap niya si Jena who was crying silently...

This is not true, panaginip lang ito... di ko alam kung gaano ako katagal na nagwawala... I could feel na namumugto na ang mga mata ko... everyone was just silent... hinayaan lang ako ni JN, he just hugged me...

Ng nakita nilang tumahan na ako at casual hikbi na lang... 

"Anak, alam namin na lolo's girl ka, spoiled ka sa kanya at mahal na mahal mo siya... pero we have to be strong... andito pa naman kami." Naramdaman ko na lang ang pagsqueeze ni dada sa shoulder ko.

Di ako nagsalita kasi alam ko... magwawala na naman ako if nagsalita ako...

"Mare, pare..." sa parents ni JN na nakikipag-usap si dada ngayon... "Pwede ba naming iiwan si dahly muna dito?... alam kong may competition pa siya until Saturday... di siya pwedeng sumabay sa amin... wala naman siyang makakasama sa bahay... Natatakot kami na iwan siya mag-isa, kaya kung pwede sana, patuluyin niyo muna siya dito for  5 days?"

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now