Oscars...

248 28 22
                                    

Been wondering kaninong POV ko ba isusulat ang chap nato, after careful debate I opted for Oscar, bakeeet? feel ko lang mga bruhang to! Basta Sana ako na lang si Dahly, sarap sabunutan ng bruha!

Oscar's POV...

Break time na namin, nagkaayaan na pumunta sa tindahan nila Candy, childhood friend nila ako ni Dulce so close na nga ako sa kanila.

As usual makulit pa rin si Rosie at Cheenee, nakisabay na rin si Candy, pero si Jena, parang after I said crush ko ate niya, ang lalim ng iniisip. Di kaya niya nagustuhan? nagalit ba? 

Nagluto si auntie ng buttered banana, hindi tinda ha, niluto niya talaga for us. Pinagsaluhan na namin yung banana, masamang tumanggi sa grasya. Di pa rin kumikibo si Jena, kinuha ko na yung gitara ni Dulce at humarap sa kanya...

Sorry na, kung nagalit ka
Di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako laman lang yun ng puso..


Nagulat naman si Jena at nahampas tuloy ako ng wala sa oras, di naman masakit slight lang, sanay na ako sa kabrutalan nito, after all matagal na rin kaming classmates...

"ULOL! binago mo pa yung lyrics, bakit ba may pakanta kanta ka pa ng sorry diyan?" Inirapan ako ni Jena, hala mas lalo atang nagalit.

"Eh kasi naman ikaw Jena, nasabi lang niya na crush niya ate mo, nagbago na timpla ng mukha mo ayan tuloy, nag-aalala baka ayaw mo sa kanya for your ate o kaya nagalit."

Straight to the point na sabi ni Candy habang ngumunguya ng buttered banana.

Bigla naman sumingit si Dulce, "Hoy Oscar may crush ka kay Dahly dong?" tumango lang ako, at tumili naman si Dulce, "nay narinig niyo yun?" may crush na si Oscar natin.

Tinignan ko ulit si Jena, this time she was smiling, amused na amused siya sa reaction ni Dulce. 

"Hindi ka galit?" tinanong ko si Jena, scary naman, tinignan niya lang ako... "Oscar di ko naman hawak puso mo at wala akong karapatan magalit o makialam sinong crush mo that is so impossible, worried lang ako. "

Worried? bakit siya worried, "Jena di ko lolokohin ate mo oi..." "I know" bigla niyang putol niya sa sasabihin ko... "Oscar I'm happy na si ate crush mo, di ako worried sa kanya, sa iyo ako worried.  Like you, di ko rin hawak puso niya. Mahirap ispelingin si ate Oscar, para siyang isang puzzle na akala mo mabubuo mo na pero, in the bigger picture, ang dami pang kulang na puzzle pieces. If you want to court her go ahead... just brace yourself. Wag ka lang masyadong umasa, hindi naman sa dinidiscourage kita, I just want you to be ready... you are one of my best buddies here sa school, ayaw ko rin masaktan ka."

Yun ang sinabi sa akin ni Jena, alam ko naman eh na suntok sa buwan na magustuhan rin ako ni Dahly, well at least I'll try di ba at si Jena na rin may sabi it is ok if I'll court her. 

Sa totoo lang I realized na interesado ako kay Dahly first day of school pa lang. She was standing near sa staircase looking so helpless, ang cute nga niyang tignan she looks so out of place, parang bata na nawawala at napunta sa High School instead sa Elementary.

She is so peculiar... She just stood there for 5 minutes, nakatingin sa hagdan, lalapitan ko na sana siya, pero too late, lumapit na si Lemuel Salas, tsk tsk ang bilis talaga ng lalaking ito sa girls. Nakita ko na umakyat na siya at pumasok sa classroom nila Lemuel, 3rd year din pala siya! 

Ever since then, I would try to look for her sa crowd. Minsan nga nakikita ko siya kasama si James. What I did not know is sabay pala sila umuuwi, si Candy na rin ang nagsabi nito sa akin, oblivious na interesado ako kay Dahly. Sila ba? Isang tanong na di ko kayang itanong kay Candy o Jena. Gusto ko na sanang lapitan siya at magpakilala, pero natakot ako, ano ba panlaban ko sa Salas brothers? 

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now