The Meeting

298 40 31
                                    

My sister, LJ and other people pa, were looking at us ng pumasok kami sa meeting room.

Saka na binitiwan ni JN yung kamay ko when we were seated beside LJ na. Nakangisi naman itong si LJ," Amazing! Ikaw na talaga Dahly! Himala na nag join ng meeting si JN" puri niya sa akin.

"Che! magtigil ka diyan LJ ha!" singhal ko sa kanya ng biglang,  "Ate boyfriend mo?" tanong naman ni Jena my sisterette, siya nga pala class president sa class nila. 

Nagulat na man si LJ, nagpalipat lipat ng tingin from me to Jena. Na parang di talaga makapaniwala ang loko na magkapatid kami. "Sister mo?"

"No and Yes!" yung na lang sagot ko. "No, sis di ko boyfriend and Yes LJ kapatid ko, bakit may problema?"

Taas kilay at naka thin lipped na sambit ko.

"Bagay kayo, sayang naman." Yun lang ang reply ng sis ko na talagang pretty much sa uniform niya, dalagang dalaga and like JN, nakatakip ng panyo ang face niya.

Hala at nagawa pa talagang i-match ako, sabagay sa una pa kaya ako pilit na minamatch nito sa mga cute guys na nakikipagfriends, ang di nya alam, siya gusto nila. 

"Shesh, alam mo naman siguro sino yung crush na crush ko at LJ bakit ka diyan naka sit beside my sister?" seryoso yet with a threat ko na tanong naman sa LJ na F.C as in feeling close na sa sister ko. 

"Ah eh! wala katabi kasi niya si Candy oh!" At may girl na biglang nag hi beside ni Jena. 

Si Candy ang sister ni Dulce, sa pagkaka alala ko, 1st year rep to. Sabagay wala ng ibang chair beside Candy sige, I'll accept your palusot LJ, pero binigyan ko siya ng babala, I did a 2 finger point sa eyes ko to him then parang slash na gesture sa neck ko (I'll be watching you)

Tumango naman ang bruho, salamat at naintindihan. 
"Jena, si LJ nga pala at si JN. LJ and JN meet my sister Jena. At hi Candy,si Dahly nga pala ako. "

inilahad ko kamay ko at tinanggap naman ni Candy.

Si LJ naman ayun nagsimula na magpacute sa sister ko. Inilahad niya kamay niya, yet tinignan muna ako ng sis ko, "Don't worry shesh di yan nangangagat." pabiro kong chika. Saka pa nakipaghand shake sister ko. 

I roamed my eyes around, each year level were sitting together, kami lang yata na group yung parang hinalo halo. Napansin ko bigla na may nakatingin sa akin, si Patricia, she was looking at me with hate in her eyes. Naman, my dear relax, friend ko lang ang ex mo. 

Andun din si Cyrus, nag wave ako sa kanya at nag aya na tumabi na lang sa amin ni JN, which he complied naman. 

Dumating na rin si Ms. Gruba. naka super red lipstick, leopard print na skirt na super tight fit at victorian style na white collared blouse. Ui cute heels niya, leopard print also. Para siyang walking amazona, which suits her kasi balita ko naman TIGRE yata ang reputasyon ng teacher na ito, kaya nga siya ang adviser ng SC, and we are all part of it.

"Good afternoon everyone. 3rd years and fourth years you're excused from today's classes since mahaba haba ang pag-uusapan natin. It will be our upcoming acquaintance party at yung clean up project natin SC. I would like to call, Mr. Baldoso and Salas to preside, at Ms. Lastimosa, since you are the secretary, please take over the board. "

After 3 hours and 45 minutes natapos na rin. 

Nagsilabasan na ang iilan sa amin pero yung grupo namin nagstay muna. Lumapit si Patricia sa amin at kasama niya ang isang OH MY GOD, ang gwapo niya, nag yah tigidig tigidig yung heart ko. My gosh sino ba kasi ito. Nakanganga yata ako kasi biglang tinakpan ni JN bibig ko. "Laway mo tumutulo" biro pa niya.

Binigyan ni Patricia ng copy of the meeting results si LJ, si Mr. gwapo naman lumapit sa akin at nagpakilala. "Hi I'm Jason Viadnes, 2nd year representative." inilahad niya kamay niya, ako naman na nag hahyperventilate ata, nanginginig na parang timang na nakipagshake hands sa kanya. "HI!" nagpacute pa ako sabay pa tuck in ng hair behind the ears.. 

"So, finally nakilala na kita, Ms. Dahly Mae Tiu, ang bagong Editor-in-chief namin. Ako pala Sports Editor mo. I've heard a lot about you." Nag smile siya ng pagka gwapo gwapo, nag stop yata ang pag beat ng heart ko. Wala na patay na ako. 

He was lean yet muscled, maputi siya, mas maputi pa sa akin. Sexy ng brows niya may pagka bushy pero dagdag pogi points. Aristocratic beauty niya, reminds me of Dylan Mikagami sa Flame of Recca.

"Nice meeting you!" after that umalis na sila ni Patricia. 

Matagal na silang nakaalis pero, ako parang na petrified na sa chair ko na nakanganga. Di ko na huhugasan ang kamay ko nito. I've heard about him yet di ko pa of course nakita. Siya yung pinakamatalino sa 2nd year, next to him will be Patricia. Favorite ng mga teachers, sabi nila charming siya pero mali, mali sila. Gwaaaapoooooooohhhhhh siya! Anak ni Bakekang naman oh! Di ko akalain ganito siya kagwapo, I thought nerd ang isang yun sa imahinasyon ko. 

I was stuck in a daydream, oblivious ako sa mga taong pinag-uusapan ako. 

LJ:wala na , earth calling Dahly earth calling Dahly. Naku wala na talaga.

Jena: Hay naku, wala ng pag-asa nasa dreamland na yan, maghintay na lang tayo matauhan.

Candy: Hoy Jena, ok lang ate mo?

Jena: OK lang yan, sanay na ako diyan, pagpasensyahan niyo na baka nakalimutan inumin ang gamot niya. 

Biglang may bumatok sa akin, "Hoy! tulo laway ka pa dyan oh para kang baliw, natatakot na ako sa iyo ha!" Si JN pala yun. 

Tningnan ko na lang siya na para pa ring baliw. "Ang creepy mo! snap out of it." pahabol pa niya.

Tumili ako, "Waaaaaaaah! JN nakita ko na siya oh my gaaaaaad!" Hinila hila ko pa tshirt niya. 

"Ulol, maghunusdili ka nga."  

"Eh sa kinikilig ako eh!" nakasmile pa rin ako while saying that

"Hay naku! Abnormal nga." Pabulong na sabi ni JN.

"Bahala ka, basta I found him nah!" pa dreamy effect ko pa.

"Hay naku this is a lost battle!" sabi pa ni JN after magbuntong hininga.

"We agree!" sabay pang sambit ni Jena, Candy, LJ at Cyrus. 

"Che! mga echuserang kokak bhala kayo basta ako hapeeeeeeeee"

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon