Brownies, Cookies at ang secret admirer

149 19 7
                                    

JN's POV

Do I really have to do this? Ito ako ngayon, katatapos lang magbake, I'm not really into baking, gawain ito ni Mama at Dahly, pero nagbake nga ako ng isang dosenang chocolate fudge brownies, Dahly's favorite... gumawa na rin ako ng heartshaped chocolate chip cookies... All for the sake of love...


Well ito yung first phase ng plan, si Oscar ang nagbigay ng idea, actually love letter yung sabi niya, pero di ko ata kaya yun... Definitely not my style... So I'll do it my own way, at isa pa, applicable kay Dahly yung saying na, the best way to a man's heart is his stomach! Lang hiya ako pa naging babae ngayon...


Nilagay ko na sa isang cute Cat cookie jar ang cookies at isang pink na rectangular cake box ang brownies... I slipped a card there... kilalang kilala ni Dahly ang sulat kamay ko so ang ginawa ko, gumupit ako ng letters galing sa diyaryo, simple lang message ko... isang malaking smiley sticker at from someone who loves you... Ang korni ko talaga, Do I really need to do this?

Tinext ko na si Shy para kunin ang mga ginawa ko... According sa plano, it will be as if it was sent via mail...

After 25 minutes dumating na siya... "Wow JN ang bango dito, So nasaan na ang love letter?" tanong ni Shy sa akin.

"I did not write any" sagot ko sa kanya which got her confused...

"Eh ano ibibigay mo sa kanya?" Iniabot ko sa kanya ang cake box at cookie jar... "I have my own style..."  Nahihiya kong sabi.

"OMG, JN ang sweet, and you are blushing... kilala mo talaga si Dahly, this would work out for her... nice plan JN..."

"She love sweets, besides ayaw ko ng gaya gaya, di ko rin kaya yung love letter, it's not like me..." sabi ko sa kanya... 

Ngumiti lang si Shy at kinuha na niya ang binake ko... "Don't worry maaasahan mong this will be sent with love..." at nag wink sa akin si Shy then she left...

Adik na nga talaga siguro ako, certified abnormal... I'm not myself lately...  When it comes to Dahly, nag-iiba ako, nagagawa ko kung ano man ang di ko kayang gawin before... Naghanda na ako papunta ng school, I received a text from shy saying, mission accomplished...

I smiled, pasipol sipol pa akong pumunta sa school. Nadatnan ko ang buong tropa sa tindahan ni auntie,  tinutukso nila si Dahly na as of now ang pula pula ng mukha... nagtago sa likod ni Cy Cy si Dahly... Nag hi lang ako sa kanilang lahat at bumili ng bananacue... Ng biglang may kumalabit sa likod ko... Paglingon ko it was her... Namumula pa rin siya, pero may inabot siya na scented purple envelope sa akin... Tinanggap ko yung envelope then she left without saying a word to me... Narinig ko na lang siyang nagpaalam sa tropa.

"Mauna na ako sa inyo guys, I still have work to do..." sinabi niya yun habang kinuha niya ang isang paperbag at cake box... I think she liked it...

Ng nakalayo na si Dahly,ako naman ang napagdiskitahan ng tropa... 

"AYEEEE JN ang sweet, may pa brownies at cookies ka pang nalalaman..." panunukso ni Candy habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.

"At super mysterious effect pa,todo effort ka sa card ha... pahabol pa ni Faith...

"Ayun kilig na kilig ang bruha ata ang bruha super pamumula" sabi pa ni Dulce...

Che! Tigilan niyo nga ako... Pero nagustuhan naman siguro niya di ba?"  tanong ko sa kanila...

"OO!" chorus nilang lahat... "kung nakita mo lang yung reaction niya kanina paghatid ni Shysie..." sabi ni Jena...

Mabuti naman" bumuntong hininga ako, "I thought she would not like it..." 

Naalala ko ang purple envelope... "Ano to?" tinanong ko sila... 

Nag face palm sila lahat... "Si kuya na nagsalita, you don't know?" 

"Hindi, kaya nga nagtatanong eh!" inis kong sagot sa kanya...

"What do you remember na pwedeng maging okasyon this Saturday?  tanong ni Jena sa akin...

Napaisip ako bigla, then it hit me... It was her birthday... Birthday ni Dahly this Saturday? Shit wala pa akong regalo. 

"Invited ang buong school JN... it will be a beach party, hawaiian ang theme... So what will you get her?" tanong ni Kevs sa akin.

"I don't know... yun lang ang sagot ko" kasi di ko naman talaga alam kung ano ibibigay sa kanya... She has almost every material thing... or not all, pero afford niya bilhin

"Why don't you date her" suggestion ni Cy Cy... 

"Ayaw ko nga masyadong nakakahiya, beside baka mag walk out lang yun... let's take it slow guys please..." sabi ko sa kanila.

"Hmmmn, Sige song presentation lang... di ba she always want you to present in front of the school na ikaw lang... try mo yan." Suggestion ni Jena... 

"but you have to choose your song carefully, yung may message for her" suggest ulit ni Cy Cy...

"That will work, I'll have to think of it then... pero sure ako busy ako sa panahon na yan... Ako magluluto for that party sure ako..."

"How sure are you ikaw magluluto?" tanong ni kuya

"Kasi gusto ko, ako ang magluluto" I smiled as I answered him.

"Amazing! iba na talaga ang nagagawa ng power of love..." panunukso ni Candy.

"Magtigil ka nga dyan Candy!" saway ko sa kanya...

"Oi, bro before I forget, wag ka nga pala magselos if ako ang co-host niya sa pag eestima ng bisita... Nakapromise na ako sa kanya before pa kami nag break... at isa pa, di ko alam na nakabook na siya ng ticket for Manila,punta daw kami Enchanted Kingdom after her Birthday... Sasamahan ko lang siya as a friend... Don't worry, supporter mo pa rin ako... " sabi ni Cy Cy sa akin...

"Ok lang yun Cy" pero sa totoo lang, nagseselos ako... how I wish I was you, "I understand, di ikaw yung tipong bumaback out sa pangako... Panatag naman loob ko sa iyo... if ever nga hindi kami magkatuluyan, gusto ko ikaw yung makakatuluyan niya..." reply ko naman sa kanya...

Isa pa Cy, mabuti na rin yun na ikaw kasama niya... alam mo naman na maraming gustong mag da moves at mga manyak sa school na ito..." pahabol ko pa...

"JN" sabi ni Cy at pabirong nagpunas ng luha na wala naman talagang luha, while saying, "I'm so touched huhuhu"

At nagtawanan na ang tropa... "Ang OA niyo" reaction paper ni Candy...

"Of course JN, aalagaan ko siya, alam mo naman important din sa akin si Dahly, basta if you need help... andito lang ako..." sabi ni Cy Cy

"Magtigil nga kayong dalawa, baka ang ending kayo mag kainloveban mahirap na!" pabirong reaction ni Candy ulit...

At nagtawanan ang tropa...

___________________________________________

Pasensya sa lame UD readers.... malapit na talagang matapos ang story na ito... Salamuch talaga sa mga sumuporta... I can't thank you enough

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon