Alay lakad

259 39 35
                                    

Naiwan muna si Dulce at Candy sa tindahan since they have to help their parent pa. 

So yun nagbabush na kami sa kanila. Pero may pilyong idea akong naisip!

Nakita ko kasi na  may dala dalang 2 bag si Faith, so what I did is, "Faith akin na yang mga bag mo" nabigla naman si Petra yet, binigay niya sa akin, pagkabigay niya, I gave it to Kevin naman.

"Oh ayan! dalhin mo, kawawa naman yung friend ko na sobrang nabibigatan diyan."

Wala ng nagawa si Kevin, kahit nashock, kinuha pa rin niya yung bag. "Oi wag na lang, ako nah!" akmang babawiiin ni Faith sa kanya yung bag, yet instead of nabawi, nahawakan niya tuloy kamay ni Kevin, para naman silang napaso at iniwas ang mga kamay nila. AWKWARD! written all over both their faces. 1st phase ng plan successful! Napatawa ako sa sarili ko.... yung evil laugh talaga ha.

"Dahly naman eh! Kaya ko naman yun" yamot na sumbat ni Faith. 

"Ok lang naman!" Mahina na sagot ni Kevin, at kinuha niya na rin ang backpack ni Faith. Nagulat naman si Faith sa ginawa nito... "Ah eh t t thank you." After that bumalik na ulit sa pagiging emotero itong si Kevin. Hay naku! at least may progress. 

"AWKWARD! OMG! kinikilig ako.... pigilan nyo ako, pigilan nyo ako." Ayan tuloy batok inabot ko from my sis. "Magtino ka nga! sigaw pa niya. Hahay !"

We walked na, start na ng alay lakad going kina LJ. On the way, parang nagconnect connect naman ang utak namin nila JN, sis at LJ since we kept a safe distance away from Faith and Kevin, pinauna kasi namin sila. They were just silent, naglalakad a meter away beside each other. Oh di ba super improvement. PUSH NYO PA YAN!

As usual pag ganitong lumalakad lakad kami, I put on my earphones pero sa isang ear lang, para the other ear free to listen to anyone. I even offered the other earpiece kay JN tinanggap naman niya.

So kinikilig talaga ako kina Faith di ko namalayan I was singing with the music na.... "Sometimes I run, sometimes I hide, sometimes I'm scared of you but all I really want is to hold you tight la la la." 

Pinagtitinginan na pala ako ng mga kumag. Napansin ko na rin na bigla silang natigilan saglit. Nahiya naman ako I forgot wala pala ako sa banyo, napa face palm ako.

"Ah eh! background music hehe...." Nagsmile lang sila, then they were shaking tsaka boom ayun bumuhakhak na. Si Faith at Kevin nga di namalayan that they are so close to each other nah, "talaga bang ganun kapangit boses ko that you guys have to laugh and you call yourselves my friends!!!"

"Tama na nga! napahiya na nga ako ang supportive niyo pa!" sumbat ko sa kanila.

"Di naman sa pangit boses mo. Pleasant nga sa ears eh, I didn't know you could sing?!" Tanong na parang compliment ni JN. 

"Eh bakit kayo natawa?" Inis pa rin ako.

"Wala lang, tensed na tensed kasi atmosphere kanina ng bigla ka na lang kumanta dyan." Sabi naman ni Faith na nagpipigil pa rin ng tawa. 

"Tama si Faith! Nagulat nga ako eh" sabat naman ni Kevin. 

Aba aba, something good came out of this naman, keri na ni Kevin sabihin name ni petra ayeeeeeee! Sige patatawarin ko na lang yung pagtawa niyo. 

Pabarrow nga ng phone mo, tanong ni JN sabay lahad ng kamay niya. 

Ibinigay ko naman sa kanya, nag scroll scroll siya then finally, he picked a song tsaka binalik yung phone ko sa akin. 

"Yan kantahin mo yan!" It was a song from Gwyneth Paltrow, Crusin!

"Oi ayaw ko nga, pinagtawanan niyo na ako!" pa pout pout pa ako. 

"I'll sing with you"  seryoso na face ni JN at may pa wink wink pa. 

"Sige na nga!" nagduet kami ni JN, pero di masyado malakas boses ko ha, hiya talaga me kanina. Ano ba yun!

Malapit na kami kina LJ, hmmn time na para sa phase two, evil laugh ulit, biglang... 

"Aray! ouchie ouchie...." nadapa ako, di ko namalayan yung stone sa daan. HU HU HU may sugat ata ako, ang hapdiiiiiiiii! 

May gasgas nga ang right knee ko, naman!

May biglang bumuhat naman sa akin, Si JN who was nakasimangot as of the moment, he seem pissed off, pero worried naman yung mga mata niya. 

"Ikaw talaga! mag-ingat ka nga paano na lang kong ikaw lang mag-isa?"

"E di ko nakita yun eh!" tinuro turo ko pa yung bato, naiiyak na ako, ang legs ko, ang beautiful legs ko na ala Mariah Carey, short version lang!

Wala pa naman itong insurance waaaaaahhhhhh!

"Kevs, I think ikaw na maghatid kay Faith!" Sabi ni  JN while carrying me papunta sa house nila. "Malapit lang naman house niyo sa kanila di bah?" at nag wink ang bruho, parang alam ko na ito!

Natigilan si Kevin, pero tumango na rin. Bakit may magagawa pa ba siya? alangan naman noh mag alay lakad pa ako, hapdi na nga ng tuhod ko. Palihim akong ngumiti at di na rin ako sobrang imbyerns sa pagkakadapa, may blessing naman in disguise ito. HA HA HA (evil laugh).

Si Faith naman tumingin kay LJ, asking for help. "Ai guys, may bibilhin lang ako sandali, pwede mo ako samahan Jena?" Yun ang nakuha niyang sagot kay LJ.

Tumango naman yung sis ko, gets ata ang sitwasyon, naks! talino talaga ng sis ko. So off they went....

"HOY SALAS IBALIK MO NG BUO KAPATID KO HA!" sigaw ko sa kanya, naku bigla ko ng nakalimutan si LJ nga pala ang kasama ni Jena....." OFF LIMITS YAN!" pahabol ko pa.

I looked back kina Faith at Kevin, they seem uncomfortable sa sitwasyon yet may magagawa bah sila?

I'm really so happy sa takbo ng mga pangyayari, except sa pagkadapa ko ha!

"See ya bukas sa school Faith and Kevin!" may pa wave wave pa ako sa kanila while carry ni JN. 

Tumango lang si JN sa kanila then yun, we went inside their house na.

___________________________________________

I hope you are enjoying hehehe

I'm not very good with kilig moments pasensya... 

Thank you sa mga nagtitiyagang basahin ang story na to... 

I'm so touched na talaga sa inyo.... huhuhu I'll do my best na mag-update daily

Happy reading!

Sa tingin niyo ano kaya ang susunod na mangyayari between Faith and Kevs? 

              

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now