Si Booba

371 48 60
                                    

One afternoon

PA System ....

"Calling the attention of all the class representatives for 3rd year and 2nd year classes. There will be a meeting tomorrow with the 1st year, 4th year  Class Representatives and Student Council at around 12noon please be guided. Attendance is a must!"

Narining ko na announcement while eating cookies sa classroom. 

"Dahly pahinge naman oh!" pangungulit ni LJ magkatabi kami nakaupo, beside him will be Faith then si Dulce ang next to her. 

Oh di bah bongga set up namin!

Recess time nun and itong si LJ tinatamad pumunta sa canteen to buy food kaya ayun nangungulit sa akin! 

"Sige na please!" puppy eyes na si LJ, gutom na talaga siguro ang loko. I gave him 3 cookies. "Oh ayan ha, I LOVE YOU!"

"I LOVE YOU TOO!" pabirong thank you ni LJ. Kung may nakarinig na di alam kung ano kami, for sure alam niyo na ang iisipin.

Hahaixt! sino kaya dadalo sa meeting bukas I'm excited...

___________________________________________________

Early ako pumasok kinabukasan, of course may meeting nga di bah?  pero concious din ako since this will be the first time I'm wearing our uniform, natapos na rin itong tahiin and well, di man ako sing-sexy tignan ni Jena, according to my dada bagay at cute naman daw ang epek nito sa akin.

Cute lang! yun na lang ba talaga ang level ng beauty ko? Tsk tsk how encouraging my father dear!

White collared blouse na may parang built in belt na effect para daw ma emphasize ang waist with matching green ribbon ang accessory ng blouse, paired with a dark green pleated skirt.  Cute nga yung uniform in fairness. I completed the get up with a wedge style black school shoes with straps at black head band na may cute white polka dotted na ribbon sa side. 

Happy ako though sa outcome ng itsura ko, concious yet happy. When I arrived sa school, nakita ko agad si LJ, lumapit naman ito when he saw me. Di ata maipinta mukha nito.

"Oh! bakit parang nasagasaan ng stampede of horses yang mukha mo?" concerned kong tanong.

"Grabe ka naman makadescribe dyan, stampede of horses talaga?" Nakasimangot pa rin ito.

"Why nga? may dalaw ka ngayon noh?" pabiro kong tanong sa kanya at napahagikhik pa talaga ako ha.

"Dalaw ka dyan, Si JN kasi ayaw sumali sa meeting, ako na naman malilintikan kay Ms. Gruba."

Nakalimutan ko  Class President nga pala si JN, dapat kasali nga siya. First meeting pa naman ito. 

"Ako na bahala!" I told LJ, matawagan nga, pinag-usapan na namin ito na ayusin niya academics niya! Yamot ako na kinuha phone ko.

"Kung mapilit mo ipajoin yun good luck sa iyo! Sa canteen na ako maghihintay sa iyo ha, lunch muna ako." Nakasimangot pa rin na umalis si LJ papuntang canteen.

I dialled JN's number, buti sumagot agad, I hate pa naman pag pinaghihintay ako when calling. "Hoy JN! di ba meeting ngayon? At bakit wala ang kaluluwa mo dito? Pinag-usapan na natin to ha! No buts, pero pero ka pa diyan. Get your ass here in 5 mins or makakatikim ka ng salswela de kamao na si listo el de gato!" ratatat ko sa phone na parang armalite. Binaba ko na yung phone ng biglang.

"Felengera nga talaga! Akala mo kung sinong maganda." Nilingon ko kung sino nasa likuran ko na nakakaimbyerna ang words of wisdom, pumalakpak talaga tenga ko PLAK PLAK PLAK!

Si Lalaine ang nakita ko with her alalays, Misty at Bella. Nakatingin siya sa akin pataas taas noo pa at kilay. She looked at me from top to toe na parang Johnsons baby bath, as if measuring me. Minamaliit ba ako ng kumag na to? Di ko na lang siya pinansin nagsimula na ako maglakad papuntang canteen when hinila niya ako bigla.

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin