Confrontations Part 6 - Cyrus and his Secret

139 17 15
                                    

JN's POV

 Each day that passes by, lalo akong natatakot sa mga realizations ko... but I can't help it, ayaw ko rin naman lumayo... 

Mas dumalas na ata na hinahanap ko siya among the crowd... Naiinis ako sa tuwing may naririnig ako na usapan among guys na nagpapacute sa kanya...

Shucks pre! magugustuhan kayo ako nun? , Ano kaya gusto niya sa isang lalaki no? , balita ko break na sila ni Jason....

Mga ambisyoso! Wag niyo ng pangarapin si Dahly... di kayo deserving... ako nga na gwapo, magaling magluto, 2nd  closest friend niya... di ko nga siya maabot kayo pa? THE FUDGE!


These past few weeks, ang dami ng admirer ni Dahly, after nalaman ng buong school na si LJ at Jena na, ayun parang lumipat ang spotlight sa kanya... parang naging flavor of the month siya bigla... 

She has been receiving a lot of love letters... may flowers, may iba na lumalapit talaga sa kanya... Gusto tuloy silang sipain, ang lakas ng apog niyong manligaw sa kanya.

Hahay Dahly,you're so out of reach... I will never be the guy that you want... hanggang brother mo lang talaga ako...

If I remember it correctly... Kung magkaka BF siya it will be like Dennis Kurama, loka loka talaga, ibinase ba naman sa anime yung dream guy niya... 

But I guess yun talaga gusto niya, kaya siguro she fell for Jason... Matalino- CHECK, Gwapo - CHECK, Achiever - CHECK, Clever - CHECK, very Kurama like - CHECK....

Ano panama ko dun? He is everything she wants... I could never be at par with him... Ni di ko nga kayang ayusin sarili ko for her... I'm just too broken for her....

Nakita ko siyang lumabas ng room niya, she seems so pre-occupied sa binabasa niya... ganito siya when she is so busy... di nga niya napansin yung mga lalaking nagpapacute sa kanya as she walked down the hall... mukhang papunta siya sa tindahan nila auntie... Makapunta na rin... baka may umaaligid again na mkakapal ang mukha....

Pagdating ko dun, si Cyrus lang ang nakita ko na kasama niya... ewan kung bakit nainsecure ako bigla, siguro dahil Cyrus is like Jason in a way... Matalino din siya, mysterious, tahimik lang pero if nagsalita na, may sense yung sinasabi niya....Ano ba JN pati bestfriend mo, kinucompare mo sarili mo

They look happy together... 

"JN, andyan ka pala" napansin ako ni Dahly and she ran to me, muntik pa ngang madapa, buti na lang nasalo ko... Hahay!

Mag ingat ka nga" I rolled my eyes habang pinagalitan ko siya... She just smiled... Bakit ba ako nagkagusto sa abnormal na ito?

"Halika na nga, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya... Tumango lang siya at ipinakita niya sa akin ang half eaten bananacue niya... 

"You should eat more, pumapayat ka na, konti nga lang" biro ko sa kanya... isang hampas sa braso ang natamo ko sa brong iyon....

"Don't over work yourself" sinabi ko sa kanya habang ipinatong ko yung kamay ko sa ulo niya at ginulo yung hair niya... 

Hanggang kailan kaya kami ganito? How I wish I could keep you forever...

Biglang nag ring phone niya... it was a text message kasi nakita kong binasa niya yun.... 

"JN, Cyrus mauna na ako sa inyo, may emergency meetiing yung school paper team..." See you later guys. She hugged me then left....

These are the moments that I so cherish sa aming dalawa... I'm so pathetic, di ko man lang masabi sa kanya.

Lumapit ako kay Cyrus.... 

"Bro kumusta" yun ang bati sa akin ni Cy Cy, nahawa na ako sa tawag ni Dahly sa kanya...

"Ok lang bro..." sagot ko sa kanya... Tinignan ko siya... knowing him... parang may gusto siyang sabihin sa akin... nakikita ko sa itsura niya...

"JN could we talk?" tanong niya sa akin...

Tumango lang ako... he motioned for me to follow... 

Sinundan ko siya, pumunta kami sa likod ng tindahan ni Auntie...

Medyo naninibago ako, Cyrus was never like this before, seryoso siguro itong pag-uusapan namin...

Wait? di kaya? pareng Cy Cy di tayo talo, naman, you are my bestfriend pero ... 

"May gusto ka ba kay Dahly?" bigla niyang tanong sa akin...

Shit! akala ko ano na, "Bakit mo naitanong?" sagot ko sa kanya...

"Kasi gusto ko siya" seryoso niyang sagot sa akin...

Nagulat ako sa sagot niya, alam ko straight forward si Cyrus, but I wasn't expecting this... 

Lalong nagiging malabo na maging kami ni Dahly, Cyrus would be better for her... At isa pa miminsan lang magkagusto sa isang babae si Cyrus... Masyado kasing pihikan si Cy Cy... 

"Bakit naman ako magkakagusto kay Dahly? we are just friends Cyrus..." pilit kong sagot sa kanya... pero bakit parang tinutusok ng barbecue stick yung puso ko?


"Sigurado ka?" tanong ulit ni Cyrus

Kinapa ko damdamin ko... Hindi totoo yun Cyrus, mahal ko siya... Yun ang gusto kong sabihin sa kanya, gusto kong ipaalam sa kanya yun... bestfriend ko siya, I so wanted to tell him this... sa lahat ng tao siya makakaintindi sa akin pero....

 pero di ako bagay sa kanya... I love you both... mas bagay ka sa kanya... She deserves someone like you... Ano ba ako compared to you? 

Hindi ako matalino, hindi ako ang kurama na pinapangarap niya.... Lecheng anime yun!

"Oo, sigurado ako, bakit naman ako magkakagusto sa bilbiling yun? you know my type of girls Cyrus..." sagot ko sa kanya, pero di ako makatingin ng direct sa kanya... I opted to cover my face with a hanky... I can't let him see...

"Dahly and I are close friens, she is important to me yun lang..." pahabol ko sa kanya...

"Ok, sabi mo eh!" Cyrus smiled, he felt relieved... "Pwede ko ba siyang ligawan?" tanong niya sa akin...

Anak ng tokwa... ang sakit naman marinig yung tanong na iyan, "Bakit sa akin ka nagtatanong? ako ba si Dahly?" medyo inis kong sagot sa kanya.... 

"I just want to ask your permission too, alam ko how important she is to you, at alam ko ikaw rin ang makakatulong sa akin to make her fall for me..."

Shit! at gagawin pa akong bridge... grabe torture to ah, masokista na ata ako, pinapahirapan ko sarili ko...    

"Walang problema yun bro,  basta ikaw..." at nagmanly hug kami... I could see his happiness... 

I feel hollow inside... ano ba itong napasok ko?

Kakayanin ko kaya ang magpanggap for their sake?

__________________________________________________________________

Pasensya sa lame UD, medyo may sakit ang author... biglang naging samurai x ang mukha dahil sa kalmot ng pusa... ayon may lagnat .... Hope you still like it though... Till next *UD

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now