Observing emotions!

252 39 33
                                    

JENA's POV

Hay nako abnormal talaga! Yet I'm happy to see her doing well. Kinabahan pa naman ako nung malaman ko we would not be seeing much of each other kasi, different yung class sched namin. Uwian ko na, yun pa ang time na papasok pa siya sa school. I feel relieved she survived her first week without much fuss. She blended well, di tulad ng elementary pa kami. She is the eldest sa aming dalawa pero buntot ng buntot naman sa akin, scared to be out of her comfort zone. 

Di naman sa mahiyain si Ate, kapal nga ng mukha niyan, oblivious sa takbo ng mundo. It just takes time lang talaga na makapagblend siya sa surroundings niya. Not the adaptive type kung baga. It took her 3 months to have her very own circle of friends dun sa dating school, since nga buntot ng buntot sa akin! Ang friends nya ay yung mga friends ko. Tsk tsk tsk, iba kasi yung takbo ng utak niya. Yet kahit abnormal nga ate ko, love ko pa rin yan. I'm so proud of her that in just a few weeks, she has her very own circle of friends, without my help. 

I just put on my earphones, nakinig sa Lily Allen playlist ko, yet I let my eye wander. Ito ako observant, silent, may pagka strikta at masungit in a way. Quite the opposite ni Dahly. Kaya siguro few lang ang friends ko. 

Nakiramdam naman ako, I looked at Dulce and Candy first, sila yung typical siblings na close and expressive kita naman sa harutan nilang dalawa. We seldom do this ni Dahly, hindi naman sa hindi kami close, napilitan lang talaga akong magmature earlier than expected, eh kasi naman si Dahly kaya maging kapatid mo!

I looked at my sis and JN, ang sweet ng dalawa, sinubuan lang naman siya ni JN  ng palitaw kasi nahulog yung kinakain niya kanina, di na talaga nahiya ang laki ng bunganga. I find it cute also na tinutukso tukso siya ni JN sa pagtusok tusok o pagpisil pisil nya ng bilbil nito. She hates it when pinapansin yung hatest part of her body.  If di ko pa alam ang sitwasyon, they would have passed as lovers, pero the hell! oblivious nga sa mundo si Dahly, di niya alam that those friendly gestures could be misinterpreted by stangers. Hahaixt! Bahala na, I could see naman na genuine yung care ni JN sa kanya. I could sense na like me, feeling niya dapat bantayan ang ate kong super ewan! I do see myself in him, distant yet friendly though. Matured na ang pag-iisip not like my sister at ang kolokoy niyang brother. Mag bestfriend nga naman. 

I looked at his brother, nagkukulitan sila ni Faith, Faith is pretty in her own way, akala ko suplada yet super palabiro at pilya, I think magkakasundo kami. Then my eyes finally landed on LJ, aaminin ko gwapo siya, cute, I like mga chinito kaya. Ui babae din ako, and I do admire "REAL" guys as well, di naman ako the same sa ate kong baliw na crush na crush yung anime character na si Dennis. 

Happy nga ako kanina kasi parang finally she is growing up, I saw her reaction ng makita niya si Jason Viadnes. Pero for me, mas ok ata tong si JN kaysa kay Jason, it's not that I don't like that guy, parang may part lang sa akin na ewan! I can't explain it, di lang talaga ok sa akin, yun lang. Oi don't get me wrong, di ko crush si Jason ha! Wala lang di ko lang talaga siya feel for my ate.

Now back to LJ, kanina sa meeting room ,while waiting for my ever ewan na ate. May biglang tumabi sa akin umupo, dinedma ko lang, si Candy lang kaya kilala ko dito. Biglang nag hi ito kay Candy at yun nag chikahan sila. Since curious ako sino tumabi sa akin, nilingon ko na, he was bubbly, cute and reminds me a lot of my ate. Then bumalik na ako sa sarili kong mundo, earphone on. 

"Oi pasensya ka na sa kadaldalan namin ni Candy ha!" Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita sa akin. Mahina lang ang music kaya narining ko siya. Sincere yung sinabi niya. I just replied, "ok lang."

"Oi Candy, di mo naman ako pinakilala sa friend mo! ikaw talaga, where are your manners? Ako na nga lang" and he really did introduce himself to me sabay lahad ng kamay niya. "Hi ako si Lemuel Jay Salas. and you are?"

Tinanggap ko kamay niya, "Jena" yun lang ang tipid ko na reply. I let go of his hand after that. So ito pala si LJ, ang bestfriend ni ate. I've heard a lot about him. Animated pa nga ang mga chika ni ate tungkol sa kanya. Yet natatawa lang ako everytime she reminds me na LJ is the last man on earth na hahabilinan niya sa akin, so never daw dapat ako magpadala sa pacharm charm nito. Natawa lang ako alam niya naman yung big secret ko and it would be impossible noh.

Well she never told me this guy would be this cute, cute yet not enough to be a match for him. HIM, naalala ko nanaman... Mas pinalakasan ko na lang yung music ko since di naman ako kinulit ulit ni LJ, I just want to shut off everything.

Finally, dumating na ate ko, at may kaholding hands, by instinct gusto kong lapitan ang guy at tanungin kung sino siya at bakit niya hawak hawak ang kamay ng ate ko!? How dare he!? Umandar na naman ang pagiging protective ko kay ate, habit ko na talaga to. Kasi naman itong babaeng ito, tsinatsansingan na nga ng iba nung elementary pa kami, kevs pa rin, dedma! So innocent kasi walang alam sa takbo ng utak ng iba, kasi nga naman iba takbo utak niya. She only sees the good in everyone. Maldita nga pag talagang ginalit mo nah, yet she is very slow to anger. Cariño brutal yet irresistably lovable. Pero nakakainins talaga yung pagka inosente niya at oblivious sa world to the point  that others would take advantage of her. Akala siguro niya na hindi ko alam na yung mga makulit kung suitors ginawa siyang friend para maging bridge for me. Kaya nga nunca ko pinapansin ang mga USERS na yun. 

They finally sat down, at dun pinakilala niya sa akin yung Salas brothers, gulat na gulat pa nga si LJ when she said we are sisters. Aba loko, ayaw pa maniwala! Sabagay I can't blame him. We are so opposite nga. 

Ok naman pala itong JN na kasama niya, may pag ka like me. He just nodded to acknowledge me. Nakampante naman ako. Para na rin akong nagkaroon ng eyes and ears for ate sa katauhan niya. At feel ko kinacareer na niya ang pagbabantay kay ate. 

The meeting was extremely boring. I just let my eyes wander. Napansin ko yung guy na pinakilala ni Dahly as Cyrus, na nagnanakaw ng tingin kay ate at bumubuntong hininga, then he would look at JN. JN who was covering his face with a hanky was also stealing glances sa sis ko. Hmmmn interesting...  yet mas more ata ang pagtingin tingin niya sa girl infront. If I'm not mistaken she is Patricia, I can't blame him if he is looking at her, she is intelligent and woooooow gorgeous. 

Finally, the meeting ended. While everyone was in a hurry to go out. Nagpa iwan kami, of course including me na! Alangan iwan ko ang loka loka kong ate, besides I have nothing else to do. Bigla na lang lumapit si Patricia, I sensed na na tense agad si JN, di niya lang pinahalata. She just gave a copy of the meeting results pala kay LJ. Then umalis nah, yet di naman niya alintana na napansin ko and pagsulyap niya kay JN who was stone faced ngayon. 

And then it happened, lumapit itong si Jason Viadnes with all the smiles at ang ate ko naman parang inahin na di mapaanak sa kilig. Nakanganga pa talaga OMG! ako na nahiya for her. 

Cyrus face was a bit grim. confirmed, I think he likes ate at jealous much sa Jason na ito. Yet I think ang biggest threat niya ay si JN, wala lang di ko maexplain, a hunch?! 

We finally went out at dun, napaface palm talaga ako nung sumigaw si Dahly kina Faith, AB normal talaga!...

"HOY! sisterrett kong bingi na sa pakikinig ng music dyan sa cp niya...." boses ni ate na halos pasigaw na, ang gumising sa akin sa aking pagbabalik tanaw sa mga nangyari today. 

Tinanggal ko ang earphones ko, "HA? What?"

"Uwi na tayo andito na si Faith, Dulce, Cyrus at Kevin." Sabay turo niya sa isang guy near JN. "Maglalakad lang tayo ha para mas fun!" Excited na bulalas ng ate ko.

Tumango na lang ako and went with them...  

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon