The Plan, the clean-up and the rain.

251 26 19
                                    

Everyone was there sa tindahan ni tita... Well except for a few friends like Cyrus, Rosie, Cheenee and Oscar ... pero andun si Jena representative nila hehe

I was still pissed off! feeling ko nga may lumalabas pa na usok sa ilong at ears ko... At least I was able to share my speech sa kanya, lahat ng nakatagong galit, sakit at inis sa mundo nailabas ko na! Chos! ang OA!

Tita pabili ng gulaman, bananacue at ng bonggang bonggang mangga... Nagbayad na ako at sumalampak sa tabi ni LJ at Jena...  

Nagsmile lang si LJ sa akin but I could see his disappointment... "Did Jena tell you everything?" di ko alam kung bakit ang taray ko ngayon, pati si LJ tinatarayan ko na, may dalaw lang siguro ako... 

Tumango lang si LJ at bumuntong hininga... "Sorry Jay, I need to burst your bubble I don't want you to live in a lie, saka damage control na rin baka umabot pa ito sa parents niyo, malaking probs yun!" sinabi ko sa kanya yun sa pinakamahinang paraan na alam ko.

Bumuntong hininga lang ulit si LJ at nakita ko na lang na binatukan siya ni Jena... "Last ka na lang ha ang OA ng pabuntong hininga mo dyan, pinag-usapan na natin to!" ratatat ni Jena,

nainis ata talaga kay LJ kasi parang may usok na lumalabas sa ilong niya... aheheheh ang sweet, these past few days naging close na sila... Fine, if LJ will be the peanut butter Jena will be the jelly... este mali, if he will be the needle sewing thread sa heart ni Jena, you have my blessings friend... usap tayo maya!

"Oh kay aga aga umuusok na ilong mo, sino bah ang umaway sa yo at balatan natin parang saging?" May lahing katipunera yata talaga tong si Faith pero touched ako friend. I sooo love you na talaga!

"Wala!" sagot ko na lang habang tinutusok tusok yung mangga... "Hoy Dahly maawa ka sa mangga, ayan oh, namutla na sa takot dyan tinutusok tusok mo pa, sino ba kasi yung pinuputok ng butsi mo? Hay naku salamat na lang at hindi ako ang mangga...?" Cheerful na puna ni Dulce, hay kami na talaga ang barkada ng mga abnormal! 

"Wala sabi eh ang kukulit niyo! Sige kulitin niyo pa ako at haha..." biglang naputol ang dapat kong sasabihin, may tumakip kasi sa mata ko... WAAAAAAAAHHHH Sino naman ang antipatikong naglakas ng loob na takpan mga mata ko...  Then it hit me... ang perfume na ito... iisang tao lang ang may ganun na amoy among sa mga kakilala ko... "JN?" 

"Ang bilis nahulaan ah, KJ mo naman...: si JN nga yun, lilingon na sana ako sa kanya, pero bumungad sa akin ang isang very cute na pink baboy na may dalang rose... Ang cute cute talaga parang ang sarap kagatin... rarrrr

"Para sa iyo... ang aga kong gumising para mabili lang yan..." seryoso mukha niya ng ibinigay niya sa akin yun.

Thank you yun lang nasabi ko... 

"AYEEEEEEEE! SOOOO KILIIIIG" hiyaw naman ng mga tao sa palibot namin, I forgot na andun din pala ang tropa! Hinampas ko tuloy si JN ng baboy and said, "ikaw kasi may pa stuffed toy stuffed toy ka pa! para saan to? "

"Para sa iyo, bakit di ba pwedeng bigyan kita niyan... mas gusto mo yung puppy dun sa room mo?"

Parang batang nagtatampo ang itsura ni JN nung sinabi niya yun, umupo na siya sa tabi ko at nagtakip na ng panyo sa face niya... 

"Di naman sa ganun, naninibago lang ako... wag ka na magalit dyan" naglambing na ako sa kanya... "Oi smile na please..." at nagsmile naman siya... buti naman kasi pag di ka pa nagsmile babatukan na kita!

"Dahly, of course bibigyan ka niya ng gift, gusto lang niya ipadama sa iyo kung ganun siya kasaya at pumayag ka na..."

Aray ko po, Kevs please wag... ito na simula na ng round two of pretend! Nagdasal na lang ako silently na hindi bibigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ni Kevs...

Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Where stories live. Discover now