LPP 5 - Si Mayang at Butchik!

405 50 67
                                    

Nagtago agad ako sa likod ni LJ, much better na mauna siya kaysa naman ako di ba?

Haler! ako kaya ang girl dito as in babae po ako, mali ka dyan sa inaakala mo babae po ako ni Tuesday Vargas. Hay naku! abnormal nga talaga ako, nagawa ko pang mag plug in this life and death situation. 

Kumuha ng knife si LJ sa kusina habang nakabuntot ako. "Stay here and be quiet!" mahinang tugon ni LJ sa akin. I zipped my mouth then nodded, then he left. Hala gorabels LJ ipagtanggol mo ang bhezie mo na nangangatog to the bones. 

Lord bakit po ba kasi ako sumamasama dito? So help me God I promise magsisimba na talaga ako this Sunday peksman! sabay cross my heart.

So tahimik naman the house nakakabingi, by now dapat na reach na ni LJ yung destination niya. 
Then bigla akong natauhan...

Oh my oh my! baka final destination ni LJ yun, NOOOOOOOO! ang bata pa niya. Kakaunti na nga lang ang gwapo sa mundo at may iilan pa nga, gwapo na naghahanap din ng gwapo , malaking kawalan ito sa mundo. 

Naiyak ako ng tahimik, kahit pa naman 2 days pa kami nag get together napamahal na rin sa akin ang gagong yun.

I have to be strong ako na lang ang pwedeng magligtas sa self ko ngayon. Naghanap ako ng weapon, wala na akong makitang kutsilyo, pero may super large naman na frying pan, ito na langas if I have a choice noh, wag ng choosy Dahly . 

Ipaghihiganti kita LJ, I'll make sure bukol at sirang mukha ang makukuha ng killer na yun sa akin! kung di ko man siya mapatay. 

I strenghtened myself and sharpened my hearing for any noise. 

So tahimik talaga, I could hear my heart beat na nga, so fast nag boom badoom boom boom badoom boom baby super bass na. 

Then I heard it sa likuran ko, akmang ipapalo ko na ang frying pan yet the killer was stronger, he got hold of my hands, took away the frying pan at ginapos pa ako ng muscle bound arm nya!

This is it! napapikit na lang ako waiting for my death. Dito na lang ba talaga ako?

I will die a virgin? Di ko pa nga nadidiskubre ang gamot para cancer... Di ko pa rin natatapos yung Ghost Fighter. Dennis mahal ko I'm sorry I can't keep my promise anymore forgive me. 

Walang dumating na saksak o sakal o anything... Nakapikit pa rin ako.

I gasped... baka gusto pa nya akong i-rape. Lord I changed my mind ok lang mamatay ako na pure and innocent wag lang yun. 

Biglang may bumatok sa akin and I heard a familiar voice...

"Hoy! ano pang papikit pikit mata mo riyan?" 

I opened my eyes at ang tumumbad sa akin is an unknown face... 

Brownish eyes na medyo di natin maconsider chinito. It was twinkling as if amused sa nakikita niya. 

mas bagay yata ang beautiful na adjective sa kanya kaysa handsome. He was smiling at me, may pagka oval shape yung face niya ha at matangos din ang nose...

"Are you ok?" tanong ng unknown mala adonis na creature in front of me

Natulala lang ako at nakanganga, WOW ha dyahe ka Dahls, close your mouth baka may pumasok na langaw nakakahiya...

"Hoy tumayo ka na nga lang dyan."

I saw LJ sa pinanggalingan ng boses na yun, buhay siya mahabaging Lord! buhay ang damuhong ko na friend.

Then I realized something. My body was leaning on an angle at yung arms na nakasupport sa body ko is not LJ's kung hindi ... "Ai sorry mabigat pa naman ako." agad agad ako tumayo and fixed myself. He just smiled at me and muttered , " Ok lang, di naman."

Waaaaahhhhh ang cute niya, parang baby mukha at may dimples pa... I looked away at pinansin na si LJ.

"LJ buhay ka!" niyakap ko ng mahigpit ang gago at mangiyak-ngiyak pa ako nun ha. 

"Ah ganun at pinatay mo na pala ako" nakasmile na tugon ni LJ habang niyakap na rin niya ako.

"Natakot ka siguro ano?" tanong niya habang tumatawa.

Kinurot ko bigla tagiliran niya at ayun na pa aray ng todo ang mokong.

"Siyempre ano, ikaw kaya yung nasa kalagayan ko kanina? Di ka kaya matakot? Ang tahimik pa ng bahay, walang repsonse from you kahit man lang maladagang "EK" " bwelta ko naman na parang armalite sa bilis.

"Pasensya na nakalimutan ko kasi andito ka." pakamot kamot pa sa batok habang sumagot siya.

Binatukan ko sabay tapak sa left foot niya, nakalimutan pala ha sino kaya nag anyaya na  gumala ako dito.

"Sa tingin ko mamatay na yan siya sa mga ginagawa mo hahaha" biglang nagsalita si unknown  face sa likuran ko.

"At sino naman yan?" tanong ko kay LJ habang titig na titig ako sa lalaking no name.

"Ay si mayang nga pala" kamot ulo na pinakilala ni LJ si no name na ngayon may name na.

"Salamat Butchik pero pwede ba, never call me by that name."

Mayang siya, so si butchik ay si...,bumuhakhak ako sa tawa. "hahahaha Butchik ang cute, yan na tawag ko sayo."

Inis na tumugon si LJ, "Ah ganun! sige at mag iisip ako ng itatawag ko sayo , diyan na nga muna kayo, isasara ko lang yung pinto."

At naiwan na nga kami ni Mayang. Awkward silence as in awkward talaga, umupo na lang ako sa dining table at tumabi naman siya with a very wide smile...

WOW! ang ganda ng set of teeth niya so white and even. I'm so shy to you, mine has a slight one seat apart sa pinakaharap.

"Pasensya ka na sa kapatid ko ha loko talaga yun, ako nga pala si James Nicholson pero pwede na JN itawag mo sa akin. " he gave me his hand...

Naiilang man tinanggap ko naman, may kapatid pala si LJ na super gwapo, mas gwapo pa sa kanya ha! "Hi I'm..."

"Dahly Mae Tiu, nasabi na ni kuya ang tungkol sa iyo." putol niya sa sagot ko.

Amazing kilala na niya ako?

nakatunganga lang ako sa mga nangyayari, masyadong mabilis nahirapan ata utak ko sa pagdigest.

"Dyan ka muna ha, I'm sure gutom ka na, magluluto lang ako." Paalam naman niya as he stood up.

"marunong ka magluto?"  tanong ko sa kanya na parang hindi makapaniwala pero, naexcite ako, I love food and luto is equals to F O O D, hmmmmnnn nom nom!

"OO" sagot naman niya while he was busy clearing out the table.

"Weeeeeh di nga! " nakakunot noo kung tanong sa kanya.

Natawa na lang siya and said, "try me!"

_______________________________


Let's Play Pretend - former (pending ) Realize... (Completed and being edited)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu