Kabanata 2

94.9K 4.2K 1K
                                    

Save it



The golden-pink sunrise hues of dawn was staring right into my eyes. Wow. That's the only word in my mind right now. I feltlike my eyes were being blessed by such a beautiful view as I walked on my bare feet, feeling the softness of the white sand on my skin. My heart was full of warmth and... I don't know, tila yakap ako ng mundo at ipinararamdam sa 'kin kung gaano ako ka-welcome para mabuhay. It's...wonderful.

I couldn't help but admire everything on my way. The seagulls soared above the surf, the sun reflected and gleamed while people came from miles around to stroll upon the beach. The trees, the skies, the busy people, everything. So these are what I've been missing my whole life. What a shame, I've just been out here appreciating my surroundings for just about three hours, yet it seemed to me that the world looks like a lovely place to live in.

Pinakiramdaman ko ang sarili, waiting to feel a sense of regret and sadness but my heart felt...full. I knew my decision of running away from home might be a bit selfish, thinking na mag-aalala si Kuya. He would probably panic and look for me. But despite anything, this choice would be the best for all of us. I couldn't keep myself living there, torturing my father mentally. Aminin ko man o hindi, my mere existence is despised by my father. He wouldn't be at peace hangga't naroon ako. Kahit sila ni Kuya ay nagkakairingan nang dahil sa 'kin.

I sighed remembering Kuya Zeno and the letter I left him. Alam kong walang kasiguraduhan ang desisyon kong ito. Ngunit isa lang ang tiyak ko. Someday, I'll meet Kuya Zeno again. By that moment, everything else is fine and I've already proven something about myself.

Nang matauhan at matapos damhin ang paligid ay sinimulan ko nang bilisan ang lakad. This would be such a long day. Minsan nga, iniisip ko, makaka-survive kaya ako knowing that I've been locked up for years? Well, I hope so. I need to.

Sa totoo lang, I've been eyeing this chance for a long time. I mean, I know I just couldn't keep living the life I used to have. And now, while trying to figure out what I specifically want to become, kailangan ko munang kumita ng pera. Tama. Siguro naman, kahit wala akong pormal na pinag-aralan ay matatanggap ako sa trabahong hindi kailangan ng degree.

Kailangan ko rin gumawa ng paraan para may matuluyan at makain. Nagdala ako ng mga de-lata at biscuit galing sa bahay, pero alam kong hindi iyon sobrang magtatagal kaya kailangan kong magsipag. Natawa ako nang maalala ang mga binaong pagkain galing sa bahay. Sorry, Kuya, Papa.

Ilang hingang malalim ang ibinubuga ko bago maipon ang lakas ng loob sa bawat nilalapitan kong mga kainan o establisiyemento sa tabing-dagat para magtanong kung kailangan ba nila ng trabahante. Buong buhay ko, sina Kuya at Papa lamang ang mga taong nakapapalitan ko ng salita. Ngunit simula ngayon, kailangan ko nang masanay kumausap ng iba.

"Pasensya ka na, Ineng, wala kaming hiring ngayon,eh. Maganda ka pa naman, sayang 'yan kung dito ka lang sa karinderya magtatrabaho." Bigo pa rin ako sa pang-apat na subok.

Sinilip ko ang oras sa lumang cellphone ni Kuya.Hindi niya na 'to ginagamit at minabuti kong dalhin na lang din muna nang makita ko sa kuwarto niya, bago nag-iwan ng sulat kanina dahil alam kong kakailanganin ko 'to. Ipinaalam ko naman sa kanya 'to sa liham pati na ang ilang pagkaing dinala ko. I know Kuya would understand me one day.

Mas tumulin ang bawat hakbang ko habang nasa telepono ang mga mata. Bagsak pa rin sa screen ang tingin ko nang maramdaman ang pagsagi ng braso ko sa isang pigura.

"Shit," dinig ko, tila abala rin sa phone ang nagmamay-ari ng tinig habang patuloy lang sa paglakad.

Na-distract ako nang maramdaman ang pagkalas ng bracelet sa kanang kamay. Regalo sa 'kin ni Kuya 'yon last Christmas. Sinundan ko ng tingin ang nakatalikod na lalaking naglalakad pa rin.Sa pilak niyang relo ay napansin kong kumawit at tila na-magnet ang bracelet ko. Putol na.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon