Kabanata 19

65.8K 2.7K 664
                                    

Calling card



Hindi ko maiwasang ma-excite habang tulak-tulak ang cleaning materials. Papunta ako ngayon sa office ni Colton dahil doon naman ako na-assign na maglinis.

Malaki na agad ang ngiti ko malayo pa man, ngunit nang nasa tapat na ng glass walls ng silid ay unti-unting naglaho ang kurba ng labi ko. Sa loob ay may tatlong hindi pamilyar na tao. Nakaupo sila sa sofa sa may bandang tanggapan ng bisita, habang sa kabisera naman noon ay kaharap nila si Colton.

Dahan-dahang kong itinulak ang pinto para hindi lumikha ng anumang ingay. Nang mapansin ang presensya ko ay napaayos ng upo si Colton.

Sinundan naman ng mga kaharap ang tingin niya kaya't napalingon sila sa 'kin.

Ang isa sa tatlo ay chinito at pala-kaibigan ang mukha, habang ang isa pa na nakasalaming kalbo ay natukoy kong bading. Namukhaan ko ang huli bilang iyong investor na pinuntahan namin noon. Siya iyong hindi mawala ang ngisi at parang nang-aasar.

Lumiwanag din ang mukha niya nang tila maalala ako.

"Oh, she's here!" excited pang sabi nito at lumapit sa 'kin bago naglahad ng kamay.

"Hi! I'm Kalix. Sorry I wasn't able to properly introduce myself the last time. Someone's very grumpy that time..." he said with that same smile na parang may inside joke siya.

Nag-aalangang tinanggap ko iyon. "Uhm, Nari."

Saka ko lang napansin na nasa tabi niya na pala 'yong chinito nang magsalita ito.

"Whoa," manghang anas niya habang tinititigan ako. "You didn't tell me you have such a beautiful employee, Colton!" Nakita kong pinunas niya ang palad sa shirt.

"Hi, Miss Nari, I'm single." Ngumisi ito sa akin at naglahad ng kamay.

"Perj." I heard the warning in Colton's voice, now he's standing on his feet.

Tinanggap ko na lang ang kamay ng napag-alaman kong si Perj.

Mayamaya'y natanaw ko ang bading na naglakad na rin palapit. Dahan-dahan niya 'kong tiningnan mula ulo hanggang paa at napanganga.

"Height, check!" sabi niya at sinimulang ikutan ako."Body curves, check!" Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan. Nang matapos umikot at makabalik sa harap ay hinawakan niya ang baba ko at itinagilid ang mukha. "Face, super check!"

I felt a strong hand on my wrist. Hinila ako ni Colton papunta sa likod niya at itinago.

"Colton, you've been hiding a gem all along! She's definitely going to click! She's perfect!" Dama ko ang sobra-sobrang excitement sa boses niya.

"Shut up, Ish. Whatever you're thinking, it's not going to happen." Humigpit ang hawak niya sa 'kin.

I couldn't help but be curious about what they were talking about. Nanlaki ang mga mata ng pakiwari ko'y Ish ang pangalan.

"What? Don't tell me kaya ayaw mo nang bumalik sa trabaho mo sa Maynila ay dahil gusto mo siyang itago habambuhay?" Gulat na humalakhak ito. "Let's hear it from the lady, she might be interested in my offer."

"No!" agad na sigaw ni Colton.

"Ano ba 'yon?" hindi ko na napigilang sumingit.

Lumiwanag ang mukha ni Ish. "Have you ever been scouted, Miss? I'm very much interested in recruiting you as a talent. We could offer you modeling or acting career, name it!"

Nanlaki ang mga mata ko.

Mabilis na humarap sa 'kin si Colton. He cupped my face.

"No, baby. Don't listen to them," he said, sounding desperate.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon