Kabanata 25

63.7K 2.6K 657
                                    

Masakit




He obviously has grudges against me.

Inasahan ko naman na pero iba pa rin pala talaga kapag harap-harapan mo nang naramdaman.

Sa huling pagkikita namin bago maghiwalay ay nagmamakaawa siya sa 'kin para huwag siyang iwan pero ngayon ay halos itaboy niya na ako dahil marahil sa pagkamuhing nadarama. Parang may pumipiga sa puso ko tuwing iniisip na kinamumuhian niya nga ako.

I was haunted by the thought that the person who used to do a lot of things for me now just probably hates me to death.

Gusto kong humingi ng tawad at magpasalamat. Kahit 'yon na lang. Kailangan ko siyang makausap.

Nang sumunod na araw ay hindi pa rin ako mapakali kaya hindi na naiwasang gumawa ng aksyon.

"Raf, ano'ng appointments ko this week?"

"Hmm? Wait," sabi niya at chineck and digital planner. "May two days na wala kayong shooting ni Kaiden para do'n sa movie, kasi may out-of-town project siya. Then, pagbalik niya ay tuloy na ulit."

"So free ako?"

Nagtaas siya ng kilay. "Yeah, as of now. Why?"

Ngumisi lamang ako saka siya dinampian ng halik sa pisngi. 'Yung may tunog pa. "Wala naman. Alis muna ako."

Nakita ko pang nanlaki ang mga mata niya bago ako tumalikod.

"Hoy, mag-disguise ka kung pupunta ka sa crowded place, ah! Wag kang gagawa ng kalokohan!" sigaw niya pa.

I chuckled when I closed the door.

Pagpasok sa sasakyan ay agad akong nag-check ng contacts. Napili kong tawagan si Perj.

"Nari?"

"Perj! Alam mo ba kung nasaan si Colton ngayon?"

"H-Huh? Ang alam ko, bumalik na siya sa The Lodge."

Napanganga ako. That's a four-hour drive from here. Tinanong ko pa siya kung sigurado siya bago nagpasalamat at ibinaba ang tawag. Halos ngatngatin ko ang kuko sa pag-iisip kung ano'ng puwede kong idahilan sa pagpunta roon nang may maalala.

"Mrs. Paz?" sabi ko pagkasagot niya ng tawag.

"Nari? Wow! Napatawag ka?" excited na tanong niya.

"Uh, tanong ko lang po kung may bago nang model ang resort?"

"Ah, nako, hindi muna kumukuha ang company dahil cut pa ang budget for promotion. Nire-rehabilitate pa rin kasi ang negosyo matapos ang...pagkalugi..." Nadinig ko ang pag-aalinlangan niya nang sabihin ito sa 'kin.

"Kung ayos lang ay willing po sana akong mag-advertise  for free," sabi ko bago pa man magbago ang isip.

"Talaga? Naku! Tiyak na matutuwa ang management!" tuwang-tuwa na sagot niya.

Nagsabi ako na pupunta na ako ngayon doon bago nagpaalam at tuluyang ibinaba ang tawag. Bahagya kong kinurot ang sarili sa isip nang mapagtantong tiyak na pagagalitan ako ni Rafa sa mga impulsive na desisyon ko.

Nagutom ako habang nasa biyahe kaya't minabuti na ring mag-drive thru. Matapos ang ilang oras ay nasilayan ko na ang pamilyar na tanawin.

My heart skipped a beat. This feels nostalgic.

Minabuti kong magsuot ng itim na shades at cap bago lumabas. Agad naman akong sinalubong ni Mrs. Paz.

"Nari! Wow, it's been so long! Mas lalo ka lang gumanda..." manghang sabi niya at niyakap ako.

Natuwa naman ako sa pagyakap niya at sinuklian din ito.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon