Kabanata 10

73.5K 4K 1.3K
                                    

Pure



"Can we pass by somewhere first?" tanong niya nang mapagdesisyunan naming umakyat sa rock formations.

Napatingin naman ako sa kanya at tumango.

"Sure." I smiled.

I inhaled as I felt the sea breeze. The place was so peaceful and wonderful.

I realized that we were walking toward a nipa house. Sakto namang bumukas ang pinto at may lumabas na matandang babae. Lumiit ang mga mata niya habang tinatanaw kami na papalapit.

"CJ?"

"Nana Mel..." Sir Colton called softly and smiled.

Pagkalapit ay niyakap niya ang matanda at nagmano. Nakatutuwa siyang makitang yumuko nang gano'n dahil maliit lang ang matanda. Nahihiya akong lumapit at nagmano rin.

"Aba'y mabuti at napadpad ka rito? Ang tagal na no'ng huling dalaw mo!"

Sir Colton introduced me to her and she's trying to let us in, but he refused saying that we're just dropping by briefly. Pumasok saglit si Lola Mel at sinabing pababaunan niya na lang daw kami ng makakain.

"Uh, she used to be my longtime nanny..." parang nahihiyang sabi ni Sir at kumamot pa siya saglit sa batok.

Napangiti naman ako.Iginala ko ang tingin at napansin sa gilid ng kubo ang isang matandang lalaki na may turistang kaharap. Tila may kung anong iginuguhit sa braso nito.

"That's a henna," biglang sabi ni Sir Colton nang mapansin ang tinitingnan ko.

Hindi kagaya ng tattoo na permanente, iyon daw ay nabubura naman sabi niya.

"Gusto kong subukan..." Hindi ko namalayang lumabas iyon sa bibig ko habang nakatingin pa rin do'n at namamangha sa nakikita.

Hindi ko maiwasang maging kyuryoso sa kung ano ang pakiramdam noon. Matagal bago nagsalitang muli si Sir Colton at tila nakatitig lang sa akin.

"Are you sure?" mayamaya'y tanong niya.

Tumango ako.

"Alright."

Lumapit kami roon at binati niya ang matandang lalaki na asawa pala ni Lola Mel. Napili kong magpalagay ng dream catcher sa may pupulsuhan.

Habang ginagawa iyon sa akin ay naririnig ko ang kuwentuhan ni Sir Colton at ng Nana Mel niya. Gusto niya na raw ulit mapanood sa pelikula si Sir. Hindi ko maiwasang mamangha habang nag-uusap sila dahil bihira ko lang siyang marinig mag-Tagalog. It's refreshing to see this side of him.

Tuwang-tuwa ako sa magandang kinalabasan ng henna pagkatapos.

"Your first time to have that, too?" parang hindi pa rin makapaniwalangtanong ni Sir Colton nang paalis na kami roon.

Nakangiting tumingin ako sa kanya at tumango. I brought back my eyes to it and stopped walking to cherish how it looks. Hindi pa rin makapaniwala sa magandang pagkakapinta nito sa mismong balat ko.

I could feel the ray of the sunset on my face. Sir Colton also stopped from walking. I felt his gaze on my smiling face. Naramdaman kong dahan-dahan niyang iniangat ang isang kamay. Bumaling ang tingin ko sa kanya dahil doon.

He placed his hands a few inches away from the side of my face, trying to cover it from the sunlight. His ardent stare met mine. My smile slowly vanished.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon