Kabanata 7

75.5K 3.8K 1.2K
                                    

How thankful



To my horror, dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko.

"Po?!" 'di makapaniwalang tanong ko.

Napakamot sa ulo niya si Mrs. Paz. "'Ayun nga, hindi ka muna magse-serve sa hotel this morning. Kailangan ni Mr. Octavio ng assistant for his meeting with a new investor. Kaya sasamahan mo muna siya." At ang tinutukoy niyang Mr. Octavio ay walang iba kundi si Sir Colton.

Ang tanong ko lang naman,BAKIT AKO?

Pero siyempre, wala naman akong karapatang kuwestyunin ang desisyon ng mga boss ko kaya wala na rin akong magagawa pa.

Iniisip ko tuloy kung alam kaya ni Sir Colton na ako ang itinakda ni Mrs. Paz na kasama niya ngayon? Pero malamang naman ay hindi. Kasi sa bibig niya na nga mismo nanggaling na ayaw niyang lumalapit ako sa kanya, 'diba? Siguradong hindi siya papayag.

Hindi ko naman masabi kay Mrs. Paz na kung puwede ay ibang staff na lang ang ipadala dahil mainit ang dugo sa 'kin ni Sir Colton. Mamaya ay tanggalin niya pa 'ko sa trabaho 'pag nalaman niya ang lahat ng kapalpakan kong na-witness ni Sir.

Pinoproblema ko tuloy kung paano ako aakto sa harap niya habang inaalala ang pagtaboy niya sa 'kin no'ng huling pagkikitanamin. Iniisip ko na lang na hindi naman siguro kailangan na sobra ang interaction namin sa isa't isa para sa lakad na ito.

'Pag hindi hinihingi ang opinyon ko, hindi na lang ako magsasalita at susundin lang nang maayos ang kung ano'ng ipinagagawa niya. Tama, gano'n na lang. You got this, Nari.

Ang bilin sa 'kin ay hintayin na raw si Sir Colton sa labas kung saan nakaabang na rin ang sasakyan niya. Hindi ako mapakali habang naghihintay pero 'di naman nagtagal ay natanaw ko na rin ang paparating na si Sir Colton.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil sa suot nitong itim na shades but his mouth was sporting a straight grim line. Walang anumang bakas ng gulat nang makita na ako ang sasama sa kanya.

Dere-deretso lang ang lakad niya at dinaanan lang ako na parang hangin bago nagsalita.

"Let's go."

Tinitigan ko kung paano niya binuksan ang pinto atsaka ginaya iyon sa kabilang bahagi ng sasakyan para makapasok din.

Deretso lang ang tingin niya at hindi pa rin gumagalaw, parang may hinihintay. Nagtiim-bagang siya.

"Wear your seatbelt." Halos hindi bumuka ang bibig niya habang sinasabi iyon.

Gusto kong mag-ha? pero minabuting huwag na lang siyang kausapin hangga't maaari.

Pinroseso ko ang sinabi niya. Seatbelt? Shit, ano 'yong seatbelt? Seat ay upuan; belt ay sinturon.

Tumingin ako sa pagkakaupo niya para kumuha ng ideya. Lumiwanag ang mukha ko nang mapansin na may nakakabit sa katawan niya. Lumingon ako sa sariling upuan para hanapin din iyon. Nang makita ay agad sinubukang hilahin. Namroblema lang ako nang mahirapan akong paabutin iyon sa kabilang bahagi tulad ng sa kanya.

Narinig ko ang buntong-hininga niya at ang tunog ng pagkalas ng seatbelt niya bago siya lumapit sa 'kin at siya na mismo ang nagpulupot noon sa katawan ko.

Nahigit ko ang paghinga nang bahagyang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Ramdam kong hindi siya natutuwa sa sitwasyon dahil nakakunot ang noo niya.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon