Kabanata 32

65.6K 2.5K 928
                                    

Drunk




Naalimpungatan ako mula sa pagtulog nang marinig ang ringtone ng cellphone. Wala sa sariling kinuha ko iyon at sinagot nang nakapikit pa ang mga mata.

"Hello?" paos pang sabi ko.

"M-Miss Nayeli? Naku, kagigising n'yo lang po ba? Sige, tatawag na lang po ulit ako mamaya. Sorry po!"

Kunot-noong napadilat ako at tiningnan ang screen. 'Yong production head na naman pala ng The Lodge. What the hell? What is it this time?

I groaned and checked the time. Lampas 10 a.m. na rin pala. Matindi ang paalala sa 'kin ni Rafa na aalis kami ng alas-onse dahil may schedule ng movie shoot ngayon. Hindi na naman ako nagising sa alarm. Paano ba nama'y hirap na hirap na naman kasi akong makatulog hanggang kaninang madaling araw. Si Colton at ang malulungkot niyang mata. Ano ba kasing nais ipahiwatig no'n?

"Late ka na namang nagising 'no?" huli sa 'kin ni Rafa habang nakatitig sa kinakain kong mixed fruits sa sasakyan.

I just smiled cutely at her at hindi na siya sinagot. My phone caught my attention when it beeped.

TL Prod Head:
Hi, Ms. Nayeli! We're wondering if you can pay us a visit today because we still need some of your inputs for the brochure.

Halos mapamura ako sa nabasa.

Nayeli Reese:
What is it? Maybe I can just send it thru e-mail.

Mabilis ang kanyang naging tugon.

TL Prod Head:
I don't think that would be a good idea, Miss Nayeli... It would be better if you come here personally.

Kunot na kunot na ang noo ko at may galit na sa bawat diin ng pagkakatipa ng ire-reply.

Nayeli Reese:
I'm quite busy these days. Just send the details to me and I'll make sure to submit it online.

May pinalidad na ang pagkakasabi ko at agad nang itinago ang cellphone.

Bukod kami ng shooting ni Kaiden ngayon kaya ako lang at ang ibang co-actors ang nandito sa set. Naging smooth naman ang takbo ng taping. Parang mas natatagalan pa nga 'pag magkasama kami ni Kaiden dahil napaparami ng takes tuwing natatawa kami o nagpipigil.

Saka ko lang ulit nahawakan ang cellphone nang papunta na kami sa isang TV station para sa live guesting. Nakita ko na naman do'n ang ilang missed calls at texts mula sa production head ng The Lodge. Tinaasan ko lang 'yon ng kilay at hindi na rin nagkaroon ng oras na tingnan pa dahil naging abala na.

Kahit madalas namang ganito ang nangyayari sa bawat araw ko ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng pagod lalo na kapag tuloy-tuloy ang trabaho.

Kaya naman nang makauwi ay agad akong lumupasay sa kama. Nagdesisyon akong umidlip kahit 7 p.m. pa lang.

I was awaken by the ringing of my phone. I answered it without even checking who it was.

"Baby..."

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok at agad na napadilat ang nanlalaking mga mata. Tiningnan ko ang caller ID at unknown number iyon.

"Who's this?" tanong ko kahit sigurado naman na kung sino iyon.

"I miss—"

Maingay ang background at may narinig akong munting gulo, dahilan kung bakit naputol ang pagsasalita ni Colton.

"Nari?" Nagsalubong ang mga kilay ko nang ibang boses na ang nagsalita roon.

"Perj?"

"Yes, Nari. Pasensya na... Colton has been making a scene. He's very drunk and keeps on talking about you. He won't let us drive him home unless he sees you. I'm really sorry for this Nari, I know it's too much to ask but we're wondering if maybe you could help us out..."

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon