Kabanata 34

65.2K 2.5K 298
                                    

Win You Over




Samakatuwid ay isang araw pa ulit akong nanatili sa unit ni Colton. I can't possibly leave him alone when he got sick because of me. Naniningkit ang mata sa 'kin ni Rafa nang magpahatid ako ng prutas kinabukasan.

"Parang wala ka namang lagnat," mapanuring sabi niya bago iabot ang dala. Hindi ako makatingin nang deretso sa kanya.

Totoong wala na 'kong sakit dahil hindi na ako ang maysakit ngayon. Inaasahan kong aalis na 'ko paggising ko ngayong umaga. Ngunit nang maabutang inaapoy ng lagnat si Colton sa guest room ay halos takasan ng kulay ang mukha ko.

Hindi ko na hinayaan pang magtagal si Rafa. Her suspicious gaze disturbs me!

Halos buong araw ay tulog lang si Colton. We didn't have much interactions. Ginigising ko lang siya tuwing oras na para kumain o uminom ng gamot.

"Thirty-seven point two," I checked his temperature for the last time that night. His fever has come down to normal.

He licked his lip and nodded. Kahit magaling na ay medyo mapungay pa rin ang mga mata niya. Natural na 'ata iyon.

"I'm feeling okay now..." garalgal na wika niya. Nagulat pa ko nang alisin niya ang pagkakatalukbong ng comforter at akmang babangon. "I'll drive you home so you can rest comfortably..."

"What? 'Wag na. Baka mabinat ka pa," napalunok ako saka nag-iwas ng tingin. "Bukas ng umaga na lang ako uuwi... It's late, anyway."

Hirap akong matulog ng gabing iyon. Kahit sa'n ako bumaling ay ang pamilyar na bango niya ang naaamoy ko. His manly scent was all over his bed.

Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari. Mula sa paghingi niya ng tawad noong isang gabi hanggang sa halik kahapon.Hindi ako makapaniwala gayong nito lamang mga nagdaang gabi ay iniiyakan ko pa ang ideya na maligaya na siya sa piling ng iba. Pero ang mga tapat na mata niya ay sapat na para ilantad ang katotohanan.

Halos alas-dos na nang tuluyan akong dalawin ng antok. Nagulat pa 'ko nang magising nang maaga dahil sa amoy ng nilulutong pagkain. Tiningnan ko ang oras sa sariling telepono at nakitang 7:30 pa lang ng umaga.

Pumunta muna ako sa banyo ng silid para ayusin ang sarili. I washed my face and used the same spare toothbrush I used here last night.

Paglabas ko sa silid ay natanaw ko agad ang nakatalikod na pigura ni Colton. Humarap din naman siya habang inilalapag na ang mga pagkain sa lamesa.

"Good morning..." paos na bati niya.

Nakita kong pumasada ang tingin niya sa suot ko. Bumagsak din tuloy roon ang tingin ko. Pinili ko ang puting T-shirt at boxer shorts mula sa closet niya kagabi. Pagbalik ko ng tingin sa kanya ay nakaiwas na siya ng tingin at namumula ang tainga.

Halos mapanganga ako dahil ngayon ko na lang ulit nakita iyon.

Damn, I didn't even realize I missed that too.

"Let's eat breakfast." Ipinaghila niya ako ng upuan habang hindi pa rin makatingin.

Marami siyang inihanda at napagtanto kong maaga talaga siyang gumising para dito. Siya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Feel free to add some if you want more..."

Namula ang pisngi ko. Ang dami na nga ng inilagay niya!

We started to eat in silence but I could feel him stealing glances from time to time.

"Do you have any appointments for today?" tanong niya.

I paused for a while to think about it.

"We just have to sign contracts with my new endorsement after lunch," I said in a small voice.

I saw him nodding. Nag-volunteer ako sa pagliligpit pero sabi niya ay siya na lang daw para makapaghanda na ako.

I took a shower at namomroblema pa kung ano'ng susuotin ko, ngunit paglabas ay nakapatong na sa kama ang damit ko noong nakaraan na mukhang pina-laundry niya dahil malinis at mabango.

We weren't talking very much until we reached his car and he started driving.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko nang maipit kami sa traffic.

He bit his lip while his eyes are fixed on the road. "Much better now..."

Tumango ako.

Hindi ko na tinanong kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira nang makitang tuloy-tuloy lang siya sa pagda-drive at hindi na hiningi pa ang direksyon.

Nang makarating at huminto ang kotse sa basement ng building ay hindi ko alam kung bakit bumagal ang kilos ko. Nakalas ko na't lahat ang seatbelt ngunit nanatili akong nakaupo. Tila may hinihintay na kung ano.

Tumikhim siya.

"About the kiss..."

My breathing hitched.

"I'm sorry..." Tila may gumuhong kung ano sa 'kin. "I shouldn't have done that so rashly... I know we should take things slow..."

Tamad na umikot ang mata ko paharap sa bintana. I leaned on the car seat. I don't even know what I am feeling grumpy for.

"It's fine.." matabang na wika ko. "Ako nga dapat ang mag-sorry dahil nagkasakit ka pa dahil sa 'kin."

I was even the one who initiated the deed! Halos mapapikit ako nang maalala iyon! Gusto kong sabunutan ang sarili. What was I even thinking?

My thoughts were interrupted when I heard him heave a light sigh.

"It's totally worth it, Nayeli... Ngunit pakiramdam ko'y wala pa 'kong karapatan."

Umangat sa kanya ang tingin ko. My lips parted as I stared at him.

His eyes blinked tenderly as he gave me a small smile.

"Let me make it up to you first, Nayeli...I promise to win you over again."

My heart fluttered more than I ever thought possible.












Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon