Kabanata 30

64.6K 3K 1.5K
                                    

Cute




Napapikit ako nang mariin saka dumilat ulit. Tiningnan ko ang screen ng cellphone para makita kung namamalikmata lang ako pero hindi.

Kier Dominic:
I'll pick you up at 3p.m.

Gano'n pa rin ang nakalagay rito. Napapikit ulit ako nang mariin bago hinampas ang noo.  Tamad pa rin akong nakahigasa kama habang inaalala ang nangyari kahapon.

Ngayon ay kinukwestyon ko na ang mga desisyon ko sa buhay. Una sa lahat, bakit naman oo agad ako nang oo? Wala man lang niha niho. Hindi ko man lang tinanong kung saan pupunta o ano'ng gagawin. May pa-sure, Kier, sure, Kier agad akong nalalaman!

Napaka-kaladkarin mo naman, Nari!

Pero higit sa lahat, ang tanong ko talaga ay bakit naman ako biglang babanatan ng gano'ng tanong ni Kier? Napabuntonghininga na lang ako bago pinilit ang sariling tumayo. Now is not the time to ponder my thoughts or be lazy.

Sinubukan kong madaliin ang pagkilos pero nagulat pa rin ako nang paglabas ko sa CR matapos maligo ay alas-dos na sa orasan.

Kasalukuyan akong naglalagay ng manipis na makeup nang halos mapatalon ako sa pag-vibrate ng telepono.

Sinilip ko iyon at agad lumitaw ang isang text.

Kier Dominic:
I'm already here but you may take your time.

Nanlaki ang mga mata ko ro'n at halos mataranta na sa pagliligpit ng gamit. Chineck ko ang relo at nakitang sakto lang naman ang oras. 'Pag businessman talaga, laging accurate at on time!

May kakaibang kaba akong nararamdaman habang nasa elevator at pababa na sa ground floor ng condominium.

Nang makarating ay agad kong iginala ang tingin para hanapin si Kier na hindi naman naging mahirap dahil napansin kong napalilingon ang ibang dumadaansa nakasandal na lalaki sa kanyang sasakyan.

Akala ko noon ay immune na ako sa charms ng mga lalaki dahil sa linya ng trabaho ko, pero iba pa rin talaga ang pagiging matipuno ni Kier. Lalaking-lalaki. Nakaka-starstruck din na makita siyang nakasuot ng mga branded na damit na iba sa dati niyang nakasanayan.

Mula sa pagtitig sa sahig ay umangat ang tingin niya sa akin at umayos ng tayo. I felt myself blush thinking that he might have caught me checking him out.

"H-Hello," sabi ko na parang nahihiyang teenager. Gaga lang?

He also seemed to not know what to say kaya't pinagbuksan niya na lang ako ng pinto.

"Uh, pa'no mo pala nalaman ang address ko?" I curiously asked.

"Rafa," simpleng sabi niya while his grip on the steering wheel tightened.

Tahimik kaming dalawa. Wala pa kong maisip na puwedeng sabihin. Parang mas okay pa 'yong una naming pagkikita muli sa opisina niya. Hindi awkward.

"I'm sorry..." he suddenly said. "This is my first time doing stuff like this so I don't know exactly what to say..." Napatingin naman ako sa kanya at napansin ko ang bahagyang pagpula ng pisngi niya. "I'm afraid to open my mouth thinking that I might suck up," he then added.

Napangiti naman ako. "Ayos lang 'no. Hmm, sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko para may mapag-usapan.

He flashed a soft smile.

"To an amusement park."

My heart skipped a beat for two reasons. One, I've never been there, although I've always wanted to. Two, maraming tao, I don't have my cover-up things with me.

Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon