Ep. 1

6.4K 86 1
                                    

Puppy love...

Tulala akong nakatanaw sa labas ng binatana..

Tumitilaok na ang mga manok ngunit heto't nakatunganga parin ako sa silid ko...

Bat parang ang bilis mag umaga?




"Nanak!!!"

Napapikit at napahawak pa ako saking dibdib dahil sa gulat,

Nako naman nanay! Papatayin mo anak mo sa gulat...

"PO!!!!?" balik na sigaw ko bago humikab..

"Ay nako, anong oras na at nakahilata kapa din diyan sa kama mo!" Nanay..

Napakamot ako ng ulo bago napipilitang tumayo..

Nag unat muna ako, bago niligpit ang higaan..

Bumababa ako ng hagdanan at naabutang nagbubunganga parin si nanay..

At ang pinsan kong dina maipinta ang muka dahil sa panenermon ni nanay..

Humikab muli ako bago pumunta sa lababo para maghilamos at mag toothbrush..

"Napaka tulog mantika nyo talagang dalawa! Imbis na maaga kayong nagigising para maaga na tatapos ang mga gawain, edi sana wala nakong iitindihin pa!"

Habang naglalagay pa ito ng sangag na kanin sa mesa..

"Kita nyo ulti mong pang umagahan ay ako padin ang nag aasikaso, samantalang kayong dalawa ayun, naglalaway pa sa mga kanya kanyang kama!" Panenermon padin ni nanay..

Tumabi sakin si leilibeth A.K.A beth pinsan kong buo sa side ng nanay ko..

Ulilang lubos na ito, at tanging nanay nya at nanay kulang ang magkapatid kaya kinupkop ni nanay..

"Ikaw talaga naty antagal mo magising, pati ako damay" bulong na reklamo ng pinsan..

Nagmumog muna ako bago dinura iyon, at tiyaka sinagot ang nakabusangot na pinsan..

"Sus... segundo lang ang pagitan ng paggising natin inday uy" bulong ko dito..

Pumalatak nalamang si beth...

"Dalian nyo at magsisimba tayo ngayong araw, aba'y linggo na linggo napakatamad nyo!" Nanay

Kumuha ako ng tuyo at itlog sa plato at nagsandok din ng sangag

Tahimik kaming kumakain ni beth ng dumating ang kapitbahay naming si ate bibi..

Ang madaldal at matalik na kaibigan ni nanay..

"Amanda! Mag kukubra ba tayo ng mga luya ngayon?" Pasok na tanong ni ate bibi..

Napainom ng tubig si nanay..

"Kain bibi, oo mamaya pagkatapos namin mag simba" sagot ni nanay..

Tumango naman si ate bibi..

"Sige, kakatapos lang namin kumain.. ganun ba? Magsisimba din nalang siguro kami nila angelo, naku ang batang yun dapat na sigurong bawasan ang kapilyuhan" ate bibi..

Lihim akong napatingin kay beth na may lihim na ngiti sa labi..

Hayst... puppy love nga naman...

"Oo pati itong mga anak ko ay ipapasabuyan ko kay padre Antonio ng holy water baka lumayas sa katawan nila yung katamaran" nanay..

Napabungisngis ako.. mabilis tumalim ang mga mata ni nanay..

At ako naman ay mabilis ng sumubo sakinakain..





















Tahimik akong nag aantay na matapos ang misa...

Nag p-peace be with you ang mga tao habang ako ay lihim na humihikab..

"Yan na bayung mga anak ni mayor? Aba'y binata't dalaga na" anya ng katabi ko...

"Oo ang haka haka dito nadaw mag aaral ang mga yan" bulong na sagot nung isang katabi ng katabi ko..

Napaismid ako, simbahan ho ito hindi palachismisan...

"Diba ang babaeng anak ng mga Narcosmo ay ampon lamang?" Aniya pa..

Doon ay napatingin ako sa gawi nila..

Mga chismosa nga naman..

"Oo, kapatid ko ang isa sa mga naging katulong nila noon ng mangyari ang pag aampon sa batang babae"













"Nay pupunta lang po ako sa baraks bertdey kasi ni rina ee, imbitado ako" paalam ni beth..

Nahinto sa pagpapaypay si nanay habang nag aantay kami kila ate bibi sa labas ng simbahan..

Tahimik naman akong nakatingin sa malayo.. pinapanood ang mga nagmamahalang sasakyan na isa isa ng umaalis..

"Ganun ba? O sya isama mo si nanak ng mapanatag akong makakauwi ka ng maaga inday" nanay..

"Sige ho" beth..

Napansin ko ang dalawang kaedadan ko sa di kalayuan, kausap nila ang yaya..

Ang maganda at maputing babae ay abala sa paghahanap ng kung sinong tao o bagay sa paligid, habang hawak ang isa ay tahimik namang nakatanaw...



Sakin?

"Uy, naty ansabi ko tara na" biglang sumulpot sa harap ko si beth..

"H-huh saan?" Takang tanong ko..

Kumunot ang noo nito..

Tumingin ito sa tinitignan ko nito na siya ding ginawa ko..

Wala na doon ang cute na batang lalaki..

"Ano ba ang tinatanaw mo diyan?" Tanong ni beth..

Kumibit balikat lamang ako..

"San tayo pupunta? San na si nanay?" Taka kong tanong...

Napailing si beth bago ako sinagot..

"Bertdey ni Rina imbitado ako kaya isasama kita" beth..

Napakunot noo ako..

Alam naman nitong mainit ang ulo ni Rina sakin tas isasama pa ako?

"Nahihibang kaba? Alam mong tigre iyang si Rina isasama mupa ako?" Taka kong tanong...

Napakamot sa ulo si beth..

"Eh.. wala akong magagawa magagalit si nanay pag dikita isinama..." sagot ni beth..

"Oh.. tara na leilibeth at natalia baka maubusan tayo ng pagkain kapag nagtagal pa tayo" nagulat nalamang kami ni beth ng sumulpot sakung saan si Angelo..

Mabilis namang namula ang pisngi ni Beth..

Na ikinabuntong hininga ko...

Puppy love nga naman...

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon