46

880 42 17
                                    


"Si Blue? Saan?"

Nanlaki ang mga mata ko ng humiwalay ito sa yakap ko at hinarap kung nasaan si Janus..

"Oo nga si Blue, tara lapitan natin matagal nadin nuong huling kita ko sa binatang iyan hahaha napaka busy parati lalo na ata sa nalalapit na kasal nito tsk..." galak na galak na anya ng kasama..

Hinuli ni Angelo ang kamay ko at mabilis na hinatak palapit kila Janus..

Tinambol ata ang puso ko sa kaba, jusko! Hindi pa ako handang harapin ang binata!

"A-Angelo s-saglit teka!" Buong lakas kong hinatak ang kamay sa pagkakahawak ng binata, natigilan ito at nagtatakang humarap saakin..

"A-ano pwedeng ikaw nalang may dapat pa akong bibilhin, isa pa hindi ako pwedeng hapunin hahanapin ako ng anak" palusot ko sa binata..

Sumulyap muli ito sa kinatatayuan nila Janus bago humarap sakin at kibit balikat na lumapit saakin bago ako akbayan na ikinagulat ko..

"Siguro sa susunod nalamang tutal may kausap naman ito, baka fiance nito iyon" pagdadahilan pa nito bago ngumising humarap saakin..

Ngunit nagulat ako sa pahabol nitong sinabi..

"Iyon nalamang ang iisipin ko haha" kinabahan ako sa mga sinasabi ng binata, may nalalaman ba ang kaibigan?

Tinitigan ko si Angelo na nakangisi parin habang nasa unahan na ang tingin, ngunit mukang wala naman itong alam?

Hyst.. alisin mo nga iyang nasa isip mo Natalia, masyado kang aligaga at nerbyosa..







"Angelo pwedeng magtanong?" Tawag kong pansin sa binata ng nag aayos na kami ng mga helmet..

Inusenteng tumango ang binata at hinarap pa ako upang matuon saakin ang buong atensyon nito..

"H-hindi paba kasal si Janus?" Kanina pa talaga bumabagabag iyan sa isip ko..

Ng umalis kami sa La Isla Salvation ay iyan ang dahilan namin..

Hindi pwedeng makuha ni Janus ang anak ko at ilayo saakin lalo pa at ikakasal na ang binata sa  iba noo, ngunit bakit ngayon lamang ito ikakasal?..

"Hhmm.. ang usap usapan kasi noon sa grupo namin lalo nasa campus ay broken hearted daw ang binata" nakakunot pa ang mga kilay nito at waring iniisip pa nito ang nakaraan..

Habang ako ay tinatambol ang puso ko sa kaba, hindi kaya...

Hindi kaya..

Napapitik ito sa mga daliri at may tuwa sa mga matang nagsalita..

"Ay tama naalala ko na! Nabalitaang ikakasal daw si Blue pero nakansela daw, hindi namin alam ang dahilan ngunit ng matapos kumalat ang balitang iyon" biglang lumungkot ang mga mata ni Angelo bago naiiling at nagpatuloy muli sa pagsasalita..

"Naging malamig ito, hindi nadin sumasama saamin,walang kinakausap, laging mainitin ang ulo hanggang sa mag koloheyo, pero ng minsang magsalubong kami nito noong nakaraang tatlong taon, medyo nakakausap na naman ito, at iyon na nga ng malaman ang kalagayan ko mabilis akong inalok ng trabaho mataas magpasahod ang binata kaya medyo nakakaginhawa na... ay! Oo nga ano bakit ngayon ko lang naisip? Mag apply ka kaya sakanila Nanak? Lalo pa at nangangaylangan sila ng hardenera sa mga prutas nila.. mataas din ang pasahod.. pwede mong isama ang anak mo kung sakali" kwento at alok ng binata..

Ngunit ang puso ko ay parang tinarakan sa bigat at sakit..

Ano ba kasi ang pinag iisip mo Nanak! Jusko makuntento kanalang sa anak mo!

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon