29

874 40 7
                                    


"Nanak, ito iyong mga damit na gagamitin mo para sa Pageant at anong sport attire ang gusto mo dito"sabi ni Peace, sabay lahad ng apat na pares na mga damit..

"Itong cowboy, I think it suits you" sabay pakita ng isang, short skirt na aabot ata sa singit, brown ang kulay nito na leathered at isang sports bra na caramel din with brown hat..

Mabilis ko itong inilingan, napanguso ito bago ipinakita ang pangalawa..

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang, parang panty nalang ata ang itim na shorts short habang ang taas naman ay fitted croptop na long sleeves, may hati sa taas ng dibdib..

"Pang racing attire ito, it will be good to you nanak, lalo pat malaki ang hinaharap mo.. this is my ate's racing uniform kapag nag r-racing car ito, pero ng makapag asawa dina nito naiisuot ano, gusto mo?" Kumikinang niyang mga mata..

Mabilis ko itong inilingan..

"Hinding hindi ako magsusuot niyan Peace! Jusko maryosep! Talaga bang sinusuot payan sa public!?"

Bumuga ito ng hangin bago napakamot sa anit, itinabi nito iyon bago ipinakita ang pangatlo..

Nagulat ako ng makitang one peace swimwear iyon, kulay asul naman ang kulay..

"Ito, sport parin naman ito ah! At tiyaka.. isang beses kulang nagamit paano, masyado atang nag hangad ang ate ko sa dibdib ko!" Nakanguso nito sabay sulyap sa dibdib nitong di ganun kalakihan at nakabusangot na humarap muli sakin..

Napangiwi ako ng maisip na susuutin kuyan sa itaas ng stage habang rumarampa sa mga ka school mate..

"A-ano.. P-Peace" nag aalinlangan kong pagtanggi..

Bumuntong hininga muli ito na parang sumusuko na sa pag alok sakin ng susuutin..

Tumango lang ito bago tamad na tinaas ang pang huling damit..
At ganun nalang panlalaki ng mga mata ko..

"Ayan!"

Lumiwanag din ang muka ni Peace..
Isang pink na leggings at maliit na taylor skirt iyon habang sando na pink din ang itaas..

"Right! This is my tennis outfit, bakit ngayon kulang naisip.. hahahahaha.."

At doon napag desisyunan na naming iyon na ang susuotin..

Ng matapos ay mabilis naman akong pumunta sa library para manghiram ng mga libro..
Wala kaming guro kanina kaya, mabilis na pinakita nasakin ni Peace ang dinala niyang mga damit para daw makapili at maisukat kona.. at ng matapos naman ay ito nga at nagmamadali akong dumiretso sa library.. dahil palapit na ng palapit ang Quizbee at ang Science exhibit..

Tahimik kong nilibot ang loob ng library namin at nag iipon ng librong pwedeng iuwi..

Habang nagtitingin ako ng mga title ay nahinto ako sa isang sulok ng marinig ko ang mga bulungan sa kung saan..

"Tsk. Akala munga kung sinong reyna.. ampon naman!" Mahina ngunit mariin na mariin nitong binitawan ang mga salitang iyon..

"Oo, sinabi mupa, alam mo ba nung nilapitan kulang si White akala mo kung sino maka bakod bwisit!" Anang anya pa ng isang babae..

"Tsk.. gustong gusto mo ngang lapitan kaso ang mga mata nito ay makakapatay na" sabi pa..

"Haha.. hayaan mo na ellin ang balita ko kasi kela Rina mamaya ay kokomprotahin nila si Violet, ewan konalang ang mangyayari tsk" sabi pa ng babae..

Para akong nanigas sa kinatatayuan ng marinig ang mga ito..

Kinakabahan para kay violet, dahil hindi matinong babae si Rina.. kung mataray man si Violet puwes mapanakit naman si Rina!

"Ssh! Ashley wag kang maingay at baka may makarinig sayo!!" Si Ellin

Pupuntahan kona sana ang mga ito ng bigla nalamang ako nakaramdam ng hilo..
Nabitawan ko ang hawak ng mga libro at napaluhod pa sa sahig, itinukod ang mga kamay bilang suporta..

"Nanak!?" May sumigaw sa kung saan at naramdan konalang ang unti unting paglapit ng mga tao saakin..

May humawak sa likod ko at marahang hinagod iyon..

"Nanak okay kalang?" Bulong ng isang babae..

Hindi ako nakasagot dahil andoon padin ang pagdidilim ng mga mata ko..

"Tulungan niyo kami!" Sigaw na ng babaeng katabi ko..

Ngunit ang huli ko nalamang naramdaman ay ang unti unting pagbagsak ng mga talukap ng mga mata ko.








"She's fine mr. Narcosmo, napagod at kulang ito sa kain kaya siguro ito'y nawalan ng malay" rinig ko kung saan..

Dahan dahang binuksan ko ang mga mata at nakita ang nurse na kausap si..








Nathaniel..

Lihim akong nalungkot ng hindi si Janus ang Narcosmo na tinutukoy  ng nurse..

Mabilis na ipinilig ang ulo at bumuntong hininga..

"Natalia are you okay?" May pag aalalang tanong sakin  ni Nathaniel..

Tipid akong ngumiti dito bago dahan dahang tumango..
Napalinga ako ng tingin sa loob ng clinic lalo na sa labas ng bintana ng makitang kinakain na ng kahel ang ulap..

"Ilang oras akong tulog?" Tanong ko dito..

"30 minutes before the last subject Natalia, four hours din" ito..

Tumango ako at inisip kung bakit ako nawalan ng malay..
Sabagay kulang na kulang ang tulog at madalas na akong nalilipasan ng pagkain..

"Your cousin was so worried Natalia, buti nalang wala ang huling guro namin kaya maaga kami nakauwi, umalis lang saglit si ms. Saltan para bumili ng kakainin mo pagkagising, at si kuya naman ay dumalaw din, nag aalala din ito ang kaso ay busy sa council"

Gulat akong napatitig dito ng banggitin nito ang kuya, pero mukang wala itong kamuwang muwang sa mga sinasabi kaya napapakibit balikat nalang ako..


Ng may maalala..

"Nathan si Violet?" Kinakabahan kong tanong..

Busy itong nagbabasa ng kung ano mang psychological iyon..

"Si Violet? Hhmm... ewan ko din, pero ang paalam niya ay may katatagpuan daw ito.." ito

Nanlalaki ang mga mata kong napatitig dito at napabangon sa kinahihigaan, natatarantang lumapit si nathan sakina at hindi alam ang gagawin kung saan ako hahawakin..

"Saan!? Sino? Nasabi ba sayo!?" Sunod sunod kong tanong..

Natigil ito at bahagyang itinagilid pa ang ulo, iniisip ata kung sino ang kasama ni Violet..


"I can't remember but it was started in letter R? It sounds like mermaids? I think.... Ro-"

"Rina!" Takot gulat kong sagot sa kanya..

Napapitik ito ng mga daliri at masayang tumango..

"Right! Si Rina nga!! Haha.. it's really sound like mermaid hahaha" nakuha pang magbiro nito habang ako natataranta ng napatayo..

"W-wait! Where are you going natalia!?" Nagtataka at natatarantang tanong nito..

Hinaharang pa ang katawan para mapigilan ako..
Takot ko itong hinawakan sa balikat..

"Please, humanap ka ng guro! Kahit sino kahit guard! Kaylangan nating mahanap si Violet!"

At nilagpasan pa ito pero mabilis na nakasunod sakin si Nathan..

"W-why?" Gulong gulong tanong nito..

Napahilamos ako ng mga palad saaking muka bago umiling.

"Nanganganib si Violet!"

Iyon lamang at nagtatakbo na ako kung saan..

Sa hindi ko alam!

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon