48

964 44 13
                                    

"Mama"

Natigagal ako sa kinatatayuan at mabilis na pinakiramdaman ang kapaligiran lalo pa at hindi pamilyar saakin ang lugar..

Nasa isang malawak na lupain ako na napapaligiran ng mga masasagana't maberdeng mga puno..

At isang magandang ilog naman di kalayuan saakin..

Ngunit ang tanong, paano ako nakarating dito..

'Mama..'

Nanubig ang mga mata ko sa takot dahil ramdam ko ang lungkot sa boses ng bata.. inilibot kong muli ang paningin sa pagbabasakaling makita ang nag mamay ari ng tinig na iyon..

Hanggang sa madako ang mga mata ko sa kabilang panig ng ilog..

May isang batang mahaba ang buhok at nakasuot na mapusyaw na bistida habang bahahyang hinahangin paangat ang tela sa baba nito..

May hawak itong isang laruang oso..

Ng makilala ang taong iyon ay mabilis nagsipag patakan ang mga luha ko..

"Dalia" nanghihinang tawag ko sa pangalan ng anak..

Ano ito? Bakit nandoon ang anak ko? Teka pananaginip ba ito?

Nagsimula akong maglakad patungo sana sa kinatatayuan ng anak ko ng bigla nalamang..

"Aumbre"

May magsalita sa likuran ko..

"JANUS!?"

Kagimbal gimbal ang itsura ng binata ng hinarap ko ito, punobng dugo ang buong katawan ni Janus habang ang kamay ay nakahawak sa kanyang dibdib ng may tarak ng kutsilyo..

Pagod na ngumiti ang binata bago tumango at tiyaka bumigay sa kinatatayuan..

"HINDI!!"

Habol ang hininga habang hawak ang kumot ng mahigpit ng magising ako sa masalimuot na bangungot na iyon..

Napapapunas sa malalaking tagaktak ng pawis at pilit na iniitindi ang naging panaginip..

Ano ang ibig sabihin na iyon?

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon