Ep. 3

1.6K 45 0
                                    

SELPON

Mabilis na lumipas ang mga araw at ito nga ay kakatapos kulang mag pa enroll..

Hindi na ganun kadami ang mga studyanteng nag papa enroll..

Karamihan ay mga transferee..

Nag iisa ang skwelahan namin dito sa La Isla Salvation..

Ang haka haka ay pagmamay ari daw ito noon ng isang kastila na pinamana sa mga anak..

At sa bawat henerasyong napapasa ang titulo ay may mga pabinabagong wangis ng bayan ang nadadagdagan...

Pero isa lang ang hindi pwede madagdagan oh bawasan..

At iyon ay ang paaralan ng Salvation, dahil ang pinaka nunununuan daw nito ay naniniwala sa kasabihang dapat daw patas ang lahat..

Magkasama ang mahirap sa mayaman, mayaman sa mahirap...

Tumingala ako sa langit at pumikit...

Pero para saakin... sana hindi nalang nauso ang eskwelahan...

Masyadong pasakit sa buhay..

"Excuse me, nakaharang ka sa daan" tinig ng isang babae..

Natigil ako sa pagmumuni dahil doon..

Dahan dahang ibinaba ko ang paningin papunta sa isang..

Anghel na dilag...

"Violet" anya naman ng isang lalaki..

Sumulyap din ako doon at ganun nalamang ang gulat ko sa ikatlong pagkakataon nakita ko nanaman siya...

Mabilis akong ngumiti...

"Ikaw uli" salita ko..

Nagtatakang tumingin sakin yung Violet..

Habang ang katabi nitong binata ay tumango lamang..

Napaka amo ng wangis ng binatang ito.. daig pa ang isang babae..

"Hi" mahinhin pa ang boses!

"White do you know her?" Bulong na tanong naman nung Violet...

Ngumiti lang yung white..

"How?" Gulat na tanong nung Violet..

Sabay tingin sakin.. hinead to foot pa ako..

Pero ipinag sawalang bahala ko lamang iyon..

"Oo nga pala... Natalia pero nanak tawag nila sakin.. kaya feel free to call me nanak.. friends" sabay lahad ko ng kamay sa harap ni white..

Tumitig ang dalawa doon..

Aabutin nasana ni White iyon ng...

Mabilis na hinawakan ni violet ang kamay ni White sabay hatak palagpas sakin..

"Blue!!! Where did you go?" Tanong ni violet kay blue...

Nagkakamot ako sa ulong napatingin sa likuran...

What a wonderful color names huh...

Nakita ko muli ang nagpapahinto ng mundo ko..

So sya si Blue? Kay kisig na binata..

Napatingin din sakin yung Blue at bakas sa muka nito ang pagtataka..

"I was with Angelo and his friends, I'm sorry wait? Do you know her?" Tanong ng binata sa dalawa

Mabilis na umiling si Violet sabay tingin kay White...

Nilakihan pa ni Violet ang mga mata niyang tumingin kay White..

Hindi alam ng binata tuloy ang sasabihin..

Nhihiyang ngumiti ako dito, at ako na mismo ang umiling .

"Sorry feeling close lang talaga ako... sige bye!!" Paalam ko sa mga ito at tiyaka mabilis na tumakbo...





















"Mga anak bukas na tayo bibili ng mga gamit nyo.. doon tayo sa ibang baraks masyadong mahal ang mga kuwaderno dito satin.."

Habang nasa hapag kainan..

Si beth lamang ang tumango habang ako ay busy sa pagkain...

Ng may naalala ako...

"Nay, uso na ang mga di touch screen na selpon, kaylan mupo kami bibilhan?"

Naalala ko si Angelo nung isang araw... naiinggit ako dahil nakakapag laro ito ng mobile legends..

Nakakaadik... pinanood kasi ako nito nung gabing iyon at pinasubukan pa..

Nakakamangha..

"Ang galing mo talaga sa lahat ng bagay nanak ano ba ang hindi mo kaya?"

Yan payung sinabi ng binata sakanya..

Kaya mas nakaka inganyo talaga...

"Anong selpon!? Selpon! Selpon kapang nalalaman eh.. sa mga gamit nyo pa nga lang ay hirap na ako makahabap ng pera sa ganyan pakaya!?" Nanay..

Bumusangot ako dito...

"Nay kaylangan din namin iyon nuh.. lalo na kung may research research kami.. doon pwede nakami makapag search diba beth?" Pag aakay kopa sa tahimik na kumakain na si beth...

"H-ha? O-oho... pero okay lang naman sakin kahit wala.. i-ikaw nalang naty" sagot ni beth..

Napa buntong hininga nalamang ako..

"Oh.. kita muna... ito ngang si inday hindi nag hahangad niyan... batang ito" nanay..

Hyst.. kahit kaylan talaga napaka kj ng dalawa..


Nakatulala akong nakatingin sa ceiling ng kwarto namin ni beth..

May dalawang kama naman at dalawang mesa din para sa pag aaral..

Mas puno ng libro ang kay beth kesa sakin..

Pero madalas ay ako ang nagbabasa...

"Beth, alam mo ba ang tungkol sa anak ng mga Narcosmo?" Tanong ko..

Narinig ko ang ingay ng nilikha ng upuan nito..

"Hmm.. oo usap usapan sila nung nakaraan pang buwan.. bakit nakita mo na ba sila?" Tanong ni beth..

Napatingin ako kay beth.. at saakin napala ito nakatuon..

Mabilis akong umupo bago tumango...

"Oo nakita ko sila nung huling enrollment.. napaka sungit nung kapatid nilang babae, lantakan mo banamang pahiyan ako sa harap nila white at ni Blue" anya kopa..

Biglang namula ang mga pisngi ni beth..

Naningkit ang mga mata mo...

"Blue.." nanlalaki ang mga mata ni beth na tumingin muli sakin at mas lalong namula ang magkabilang pisngi...

"H-huh?" Di mapakaling anya nito..

Nginisihan ko ito..

Alam na alam ko ang ganyang reaction mo betchay...

"Pano si Angelo?" Makahulugang tanong ko dito..

Mabilis na nataranta ang dilag..

"A-ano kaba naman natalia... hindi ko maitindihan ang mga itinutukoy mo? Mabuti pang matulog kanalang"

Mabilis na humiga sa kanyang kama si beth at tinakluban ng kumot ang buong katawan isama pa ang muka...

Mahina akong natawa at nailing...

Puppy love nga naman..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon