19

967 38 0
                                    

POOL PARTY





"Nay.. aalis naho kami ni beth" paalam ko dito..

"Paalam nanay" si beth..

"Sige.. mag iingat kayo mga anak" bungad ni nanay na nakapang bihis bukid na..

Mukang maaga mag kukubra ang nanay..

Naglalakad nakami palabas sa bakod ng walang nag sasalita o wala man isa saming umiimik..

Sampung minuto atang ganun kami ng..

"Hala!" Bigla itong tumili at huminto

Natataranta akong humarap dito..

"Bakit??!" Nag aalala kong tanong..

Nakagat nito ang ibabang labi bago tumingin sa dinaanan namin..

"Nakalimutan kong mag paalam kay nanay na baka gagabihin na ako ng uwi mamaya.." natataranta niyang sagot..

Napa ikot ang mga mata ko dahil sa sinabi nito..

"Ang akala ko naman kung ano na.." ako sabay lakad muli..

Mabilis na sumunod ang dilag..

"Ay... tama.. ipaalam mo nalang ako mamaya pag kauwi mo nanak ha.. nawala talaga sa utak ko ee.." ito..

Tamad ko ito tinanguan..

At dina muli ito umimik..

Natatanaw kuna ang gate ng school ng..

"Naty?" Tawag ni beth sakin..

Huminto ako at tamad na tumingin dito..

Nakita ko ang malungkot nitong mga mata na ikinagulat ko..

Mabilis akong huminto at nilapitan ito..

"May masakit ba sa iyo beth?" Natataranta kong tanong...

Tumitig ito sa mga mata ko bago umiling..

"Hindi kaba magtatanong kung ano ang dahilan kung bakit hindi ako makakauwi ng maaga mamaya?" Malungkot na tanong nito..

Ang kaninang pag aalala ay napalitan agad ng pagkabigla at pagtataka..

"Hindi naman ako mag aalala kung gagabihin ka ng uwi tiyak na may maghahatid sa iyo pag uwi, at isa pa.. dina bago samin ang ganito beth, hindi ba ay nung huling taon mo sa klase ay ganun kadin.. uuwi na ng alas otso ng gabi dahil sa mga school project at pag tutor sa isang kaklase" aniya dito..

Bumuntong hininga ito na waring nabunutan ng ano mang barado sa dibdib nito..

"Hindi lang kasi ako sanay na tahimik ka naty, ang akala ko'y galit kapa din sakin dahil sa pagsabi kay nanay about sa exhibit.. pero di mo ako masisisi.." si beth sabay labas ng dila at nagmamadaling naglakad palagpas sakin..

Huli na para mapagtanto ang ginawa ni beth..

Mabilis napunit ang labi ko sa pagkakangiti.

At naiiling na muling lumakad papunta sa school..

Ng makita ang nagbabantay na gwardya ay tumango ito sabay ngiti,

"Good morning iha, napakaganda naman ng ngiti mong iyan para sa pang umagang ito" anang gwardya..

"Magandang umaga din ho, hahaha salamat po medyo masaya lang ata ang umagang ito para sakin" at pinakita pa ang kumpleto kong mga ngipin..

Napabungisngis ang gwardya bago sumenyas na pumasok na sa loob ng gate..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon