15

999 37 0
                                    

'WHAT IF'

"Oh... gising kana pala.. medyo mataas pa ang lagnat mo ngunit tamang tama, may pagkain dito kumain kana para makainom kana ng gamot"

Bungad ng isang magandang nurse..

Nagtatakang nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto..

"Pano po ako napunta dito?" Takang tanong ko dito..

Natigil sa pagsasalin ng lugaw ang nurse sa plato..

"Hindi mo naalala?" Gulat na tanong nito..

Kaya yun ang ginawa ko.. kanina ng magpaalam si Sebastian ay bigla nalamang ako nakaramdam ng hilo kaya napag desisyunan kong pumunta ng clinic para maka hingi ng gamot..

Ngunit ng pumunta ako ay nakaligtaan kong masyado pa pala maaga para mag bukas ito..

At dahil sa panghihina ay napag desisyunan kong umidlip malapit sa pinto..

Paismid akong ngumiti ako dito..

"S-salamat ho, at pasensya na... anong oras naho pala?" Tanong ko dito..

Napatingin ito sa pang bisig nitong orasan..

"Anim na pung minuto simula ng mag alas dose, naku nakalimutan kong tawagin ang kamag anak mo.. sagl-"

Tatayo nasana ito ng mabilis ko itong inawat..

"Hindi ho! Salamat po at tinulungan nyo ako.. okay naho ang pakiramdam ko, siguro ho ay papasok nadin ako"

Mabilis itong umiling at sumeryoso ang mga mata..

"Iha recommend kong magpahinga ka muna.. umuwi kamuna sa inyo at hayaang bumaba ang lagnat mo... baka lalo pang lumala ang sakit mo makakahawa kapa sige ka" pananakot pa nito..

Bwisiyt na sakit ito.. kaylan kapa kasi aalis sa katawan ko..

Malungkot akong tumango dito..

Inabot nito ang lugaw sakin kasama ng gamot..

Ng matapos akong uminom ng gamot ay nagpaalam na ako sa nurse na uuwi na.. nung una ay pinilit pa ako nitong magpahinga muna..

Ngunit nakakahiya na masyado kong tatanggapin ko pa ang alok nito hindi ba?

Mabilis akong hingalin kahit pa di naman masyado malayo ang nilakad ko mula clinic..

May nakita akong isang kiosk malapit sa may puno, may dalawang babaeng nakaupo doon pero may space panaman para saakin kaya pumunta ako doon..

"Sarah nabalitaan mo ba? Na may pa party daw si Blue sa mansion nila mamaya at imbitado ang buong kaklase nya.. napaka swerte ng mga ito nuu?" Ana ng maikling buhok..

"Hyst.. pati banaman ikaw Mae! ay ipapaalala mopa sakin? Alam mobang nasasaktan ako kapag naiisip kong di ako makakasama sa party nayan!?" Bakas sa boses ang hinagpis nung sarah

"Hhuuu!! Lord sana naman ay may milagro! Gusto kong makapuntaaaaa!!" Dinaman masyadong malakas ang pagkakabigkas nito na tama lang samin na malapit sakanya para marinig...

Napaisip ako sa ginawa ni kuya Blue nung huli, ano kaya ang nangyari nung araw nayun? Si Angelo kasi ay parang nabunutan ng tinik ng may sinabi si kuya blue sakanya..

"Anyway nabalitaan mo bang may bagong transfer student? Nakoo napaka ganda" yung mae

"Oo.. Peace Avilla daw ang pangalan.. nako inggit facelak ko tii, pero alam mo ang masakit!? Nung makitang close sila ng mga Narcosmo! Lalo na kay blue" sarah

"Teka! Speaking of the devil si Blueeee" piping tili ni sarah..

"Luh ka! Kasama niya si Peace! Ng silang dalawa lang! Huhuhu look at blue's smile! How I wish na ako ang dahilan ng mga ngiting iyan!?" Mae..

Napatingin din ako sa mga tinitignan nito..

Dinaman kalayuan samin ang dalawa at waring may sariling mundo dahil masayang nag uusap..

At ito nanaman nakakaramdam nanaman ako ng sakit sa puso..

"Nanak!! Ikaw ba iyan?" Nagulat ako ng may tumawag ng pangalan ko kung saan..

At kita ang pawisang si Razel..

Ngayon ko lang napagtanto.. puro lalaki nga ang mga kaibigan ko..

Hyst..

Kunot ang noo nito at bakas sa mga mata ang pag aalala..

"Pumasok ka nga! Hindi mo ba alam na kanina kapa hinahanap ni Beth!? Hindi kanya natagpuan sa classroom mo.." umupo sa tabi ko si Razel..

"H-hi Razel" nagulat kami ng biglang bumati si Mae..

Hindi pinansin ng supladong Razel ang mga ito..

"May lagnat kapa daw aa" aniya pa ni Razel sabay kapa sa leeg at noo ko..

Nanlalaki ang mga mata nitong napatingin sakin..

"Nanak medyo mataas pa ang lagnat mo aa!!" Ito..

Umiling lamang ako at mabilis na pinikit ang mga mata..

Kung siguro may lakas ako ay sasabayan ko ito sa kadaldalan nito ngayon..

"Tutulog lang ako Razel.. nga pala ikamusta mo ako kay lenlen at tito Randolph at tita jelyn" ako..

"Si kuya Raul di mo kakamustahin?" Halata ang panunukso sa boses nito ng banggitin nito ang pangalan ng kuya..

Minulat ko ang mga mata at pinanlisikan ito..

"Ikaw talaga, ayaw ko nga sa kuya mo at ayaw din sakin ng kuya mo!"  Pumikit muli ako,

Narinig kong bumuntong hininga ito..

"Kayo talaga ni ku-"

Hinayaan ko ito magsalita ng magsalita habang ako ay nilamon nanaman ng antok..

Bahagya akong umunat at inamoy pa ang masarap na simoy ng hangin...

Dahan dahang binuksan ang mga mata at ganun nalamang ang gulat ng makita ang muka ni kuya Blue na nakatitig sakin ang unang bumungad sa mga mata ko.

Mabilis akong napabangon sa kinahihigaan..

"Kuya blue!"

Kita ang pagbusangot nito ng umalis ako sa pagkakahiga.. nasa kandungan ako nito nakatulog ngunit paano nangyari iyon..

Razel!!

Mabilis kong nilibot ang tingin para hanapin si Razel

"Razel" bulong kong tawag sa pangalan nito...

"I send you home" ito..

Napatingin muli ako dito ng tumayo ito..

"H-huh? Hindi na.. sasabay ako kay Raz- ay kabayo!" Nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang magkabila kong balikat..

"Stop mentioning him" bakas sa boses nito ang irita habang galit naman ang mga mata nitong nakatingin sa mata ko..

"Haha.. ikaw kuya blue ha.. iisipin kong may g-gusto kasakin bala ka hahha" nakuha kopang mag biro kahit pa na sasabog na ang puso ko sa kaba..

Natigilan ito sa sinabi ko at sumeryoso ang mga mata..

Ganun nalamang ang pagpigil ko ng hininga ng bahagyang lumapit ang muka nito sakin..

"What if I am?" Tanong nito..

Mabilis akong tumayo at natatarantang lumayo dito..

Ewan ko may bahagi saakin na umaasa ngunit lamang ang bilin ni nanay..

"Syempre joke mo lang din yun kuya, hindi ba? Oo nga pala hapon na at uwian nanamin, kayo ay hindi pa diba?.. mauuna na ako"

Nagmamadaling kong kinuha ang dalang bag at mabilis na tumakbo. 

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon