27

921 34 2
                                    

Tahimik akong naglalakad sa hallway upang pumunta sa office ng adviser namin para bawiin ang pagiging volunteer sa pageant..

Hyst, nakakapanginit ng ulo si Janus kanina kaya nasabi ko iyon, pero ngayon ay nagsisi na ako kung bakit pinairal ang init ng ulo ko sakanya..

"Aumbre" nagulat ako sa kinatatayuan ko ng boses ni Janus mula sa likuran ko ang bigla nalamang umalingawngaw..

Ngunit imbis na huminto sa paglalakad ay mas binilisan ko pa ang paglalakad..

Bigla nalamang nito nahuli ang siko ko at malakas na iharap sakanya..

Galit kong inagaw ang siko ko, ngunit laking gulat ko ng makitang malungkot itong nakatingin sakin..

Kaya agad na nag alala ako dito..

"B-bakit? Anong n-nangyari sayo?" Nag aalala kong tanong dito na hindi ko din maitindihan..

Nakatitig lang ito sakin, bago malungkot na ngumiti..

"Can we talk after class?" Andoon ang pagsusumamo sa tinig nito, nakaramdam ako ng kaba at mabilis na umiling, umisang hakbang pa ako paatras dito, dumaan ng sakit sa mga mata ni Janus ng makita ang ginawa ko..

Malungkot na tumango ito..

"Okay.. I understand.. but I just wanna say sorry, sorry for everything" yun lamang at tinalikuran ako nito, bagsak ang magkabilang balikat at naglakad palayo sakin..

Kinukumus sa sakit ang puso ko ng makita itong malungkot..

Ang balak na sanang pagpunta sa adviser namin ay nauwi sa canteen, tutal break naman namin ee, hawak hawak ang burger na binili ay tulala akong nakatanaw sa malayo at iniisip ang sinabi ni Janus kanina, ano ba ang sasabihin nito? Bukod sa humingi ito ng tawad may gusto paba itong sabihin?

"Oy gaga!" Nagulat ako ng sumulpot kung saan si mimik..

Tipid ko itong nginitian at sinimulang kainin ang burger..

"Anong nangyari sa inyo ni fafa Blue?"

Ng mabilaukan ako sa kinakain dahil sa biglang tanong nito..

"*cough a-ano bang pinag sasabi m-mo?" Kinakabahan kong tanong..

Kumunot ang noo nito at tinitigan ako ng maigi bago umiling

"Ang akala mo ba ay hindi ko napapansin ang mga kinikilos niyong dalawa simula nung gabing sinundo kani fafa blue sa bahay, grabe yung gulay ko nun, na tipong nawala talaga amg lasing ko dahil andoon siya, ang akala kopanamang special guest ko ang prinsipe! Yun pala ikaw ang pakay" andoon ang panghihinayang sa boses

Nanginig ang mga tuhod ko ng mabanggit nito ang ginawang pagsundo sakin nung araw na iyon..

Muntik kopang mabitawan ang hawak na burger dahil nagmamadaling tumayo ako, maging ito ay nagulat sa ginawa ko..

"A-ano nakalimutan kong kaylangan ko palang pumunta ng library para mag review sa science exhibit.. paalam mimik mamaya nalang" anya dito..

Rinig na rinig kopa ang malakas na pagtawag nito sa pangalan ko, nagkanda talisod talisod pa ako para lamang makalayo dito..

Nagsimulang pumatak ang luha ko at iniiling ang ulo magbabakasaling mawala ang bangungot na iyon sa utak ko..

Tama natalia! Wag na wag mong kakalimutan ang sinapit mo sa mga kamay ni Janus! Wag kang maawa sa pinapakita niyang lungkot! Wag na wag kang magpapadala!

Tahimik KAMING nagbabasa ni beth sa library ngunit kapansin pansin ang magandang ngiti nito sa mga labi..

Nahahati ang atensyon ko sa binabasa at sa nakangiting si Beth, ng pumasok sa utak ko ang tagpuan nila kuy- Janus kanina sa hallway animo'y nagliligawan sa daan..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon