18

1K 32 2
                                    

CHEESE DOG..



"Oy.. beth... sabihin mo naman kay mrs. Bulawin kaya mong umattend ng wala ako sa science exhibition"

Para kaming tangang naghahabulan sa pasilyo papuntang canteen..

Ng matapos ang klase namin kay kuya Blue na ikinagulat ko..

Wala kasi si sir. Kagubatan ang Araling Panlipunan namin na siyang pinalitan ni kuya Blue..

Isang linggo daw ito mawawala at nung last Thursday papala ito nagtuturo..

Halos himatayin ako sa kinauupuan ko kanina dahil sa presensya nito, kahit dinaman sakin ang atensyon nito ay feel ko lagi nitong binabantayan ang bawat galaw ko..

Ng matapos ay dikona niligpit ang mga gamit ko at mabilis na tumakbo palabas ng room..

At ito na nga, nukang binalita nadin sakanya ni mrs. Bulawin ang balak nito dahil bakas sa muka ang tuwa sa muka ng lumabas ito sa room..

Ngunit ng makita ako nito ay mabilis itong umiwas at nagtatakbo..

"Beth naman!! Uyy.. yuhooo pinsan yuhooo" tawag ko dito..

Ngunit para itog teyngang kawali..

"Beth!!" Sigaw ko sa pangalan nito.

Anak ng venus hinihingal na ako kakatakbo dito ha..

Lumiko ito sa isang eskinita at mabilis kong hinabol ito, ngunit ganun nalang ang tili ko sa gulat ng may matigas na braso ang bigla nalang humawak sa bewang ko..

Nakita ko ang likodan ni beth na unti unti ng nawawala..

"Beth!!" Tawag ko dito..

Inis na binalingan ko ang taong nag mamay ari ng matigas na brasong iyon..

"K-kuya blue!?" Gulat kong tawag dito..

Parang lahat ata ng kasuluksulukan ay siya lagi ang makikita at masusulubong ko ah..

Mabilis akong lumayo dito at inayos ang nagusot na uniform..

Humugot ako ng maraming hangin tiyaka binuga..

"Sige kuya blue" paalam ko dito, ngunit mabilis nitong nahuli ang braso ko..

"Why are you running Aumbre?" Takang tanong nito..

Lihim kong kinuha ang kamay dito..

Tumingin lamang siya doon ng makuha ko iyon..

Umiling lamang ako dito at umisang hakbang paatras..

"May kaylangan kasi ako kay beth ee.. sige ya" paalam ko dito sabay takbo papalayo dito..

Ang babaeng iyon talagang tinakasan ako..

Inilibot ko ang mga mata ko at nagbabakasakaling makita ito, hindi kuna pwedeng komprontahin si beth sa bahay dahil tiyak kakampihan ito ni nanay..

Nakita kong lalabas sa kabilang daanan si beth kaya mabilis din akong gumalaw para habulin ito ng..

"A-ano a-ahm.. Saltan"

Natigil ako sa balak na pagtakbo..

"Avilla?" Tawag ko din sa apelyido niya..

Mabilis itong ngumiti..

"Ahm.. k-kanina pakita hinahanap" aniya nito..

Naagaw nito ang buo kong atensyon..

"Bakit?" Koryuso kong tanong...

"I want to say thank you, doon kay mrs. Bulawin" ito..

Mabilis lamang akong umiling...

Sana pala dinalang ako nagmalasakit ng di ako mauuwi sa sitwasyon ko ngayon..

"W-wala iyon.. magkabigan naman tayo ee" aniya dito..

Nanlaki ang mga mata nito at waring di makapaniwala sa sinabi..

At doon lang pumasok sa utak ko ang nasabi..

Mabilis akong umiling at naghahanap ng ikakatwiran..

"A-ano.. s-sorry nasa sa iyo naman kung ayaw mo o hindi mo gu-"

Mabilis nitong hinuli ang mga kamay ko..

"N-no! I'm happy to be your friends... a-ano kasi sikat ka sa karamihan at ang maging kaibigan mo ay parang hindi ganun kadali"

Nahugot ko ang hininga dahil sa ka cutan nito..

"Baliw hahaha hindi nu.. katunayan nga ikaw ang kauna unahan kong kaibigan na babae bukod kay mimik.. hahah" aniya pa dito..

Nakagat nito ang ibabang labi at parang ano mang oras ay magtitinalon na ito sa tuwa...

"Pwede nakitang tawaging nanak?" Tuwang tanong niya..

Tumango ako dito bago ito nginitian..

"Oo naman.. Peace nadin ang itatawag ko sayo"

Paulit ulit itong tumango..

"Nanak, lilibre kita ano gusto mo?" Galak na tanong nito..

Natigilan ako at napatitig sa kumikinang mga mata nito..

Ayaw ko mawala ang tuwa sa mga mata nito, pagbibigyan ko ito ngayon sa susunod ay di na..



"Cheese dog"







"Natutuwa ako at sa wakas ay mukang pag aaral nadin ang inaatupag mo nanak" nanay

Nilalagyan pa nito ang plato ko ng kanin at ulam..

"Naman nanay ako paba hahah" peke kong aniya at lihim na sinamaan ng tingin si beth na tahimik at may munting ngiti sa labi..

"Dahil diyan ay may ireregalo ako sa iyo sa birthday mo" nanay..

Naagaw na ng tuluyan ang atensyon ko nito..

"Talaga nay? Ano ho klaseng regalo!?" Tuwang tuwa at excited kong tanong...

Ngumiti ang nanay bago naiiling..

"Syempre secret lamang hahaha" ito..

Lumaki na ang ngisi ko sa tuwa..

"Nakuuu.. excited nako nanay" at masayang kumain..

"Nga pala beth masaya ako para din sayo kaya parehas ko kayong reregaluhan" nanay..

Mabilis na lumawak ang pagkakangiti ni beth..

"Salamat po"

At ng gabing iyon ay masaya kaming kumain..

Hyst.. sa huli ay wala nanaman akong nagawa kundi ang sumunod sa agos ng nangyayari..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon