Ep. 4

1.2K 38 8
                                    

ASTIGIN...

"Ayan! Ayan!! Tas iyan din dapat pag uwi ko mamaya ay tapos mo na ang mga gawain mo dahil pagbalik ko ng hapon ay tutulong kanamang mag bungkal ng luya para sakin!"

Galit si nanay..

Dahil hindi ako pumasok sa unang araw ng klase...

Wala naman kasing gagawin sa unang klase ee..

Kaya para saan pa ang pagpasok..

"Eh? Nay diba kakakupras nyo palang ng luya nung huli?" Nagtataka kong tanong..

Nakatikim ako ng kotong de gulat mula sa nanay kong mabait..

"Wag kang reklamador, edi ba gusto mo ang gawaing bukid o sya iyan isasama kita sa bukid" sagot ni nanay..

"Opo.." tamad kong sagot..

Pinag laba at nilinis ko ang buong bahay pinakain ang mga alagang hayop..

At kung ano pa...

At tulad nga ng sinabi ni nanay pagdating ng tanghali ay tutulong ako sakanya sa pagbungkal ng mga pulang luya..

Paalis nakami ng dumating na si beth galing skwelahan...

"Ang aga mo anak ah?" Tanong ni nanay..

Nagmano si beth bago tipid na ngumiti..

"Oho, wala naman pong ginawa sa room nay.. sinabi lang ang rules and regulations pati na ang mga pwesto sa upuan" beth sabay tingin sakin...

"Sabi ko sayo nay ee" anya kopa..

"Manahimik kang tamad ka!" Nanay..

Bumusangot akong muli.. bago inayos ang dalang piko..

"Nay aalis ho kayo?" Beth..

Mabilis na tumango si nanay..

"Oo.. isasama ko si nanak sa bukid.. papatulungin ko sa pagbungkal.." nanay

"Naku sasama naho ako.." inday..

Mabilis na umiling si nanay..

"Pahinga kana dito anak.." nanay

Tsk buti pasi beth...

Mabilis na umiling din si inday..

"Hindi na nay.. sasama ho ako.. tutulong nadin uuwi nalang ho ako pag malapit na ang gabihan para makapag handa ng pagkain"

Matamis na ngumiti si nanay..

"O sya sige magbihis kana doon at kumain kana muna... paantayin kita kay nanak para magsabay nakayo.. ikaw na nanak magdala sa kalabaw natin ha.. kaylangan nadin kasi natin ng mga kahoy.. paubos na ang pang gatong" nanay..

"Oho.." labas sa ilong kong sagot...

"Amanda!? Andyan naba si nanak?" Tanong ni ate bibi..

Agad bumusangot ang ina..

"Nako bibi.. dinaman pumasok iyang batang iyan.. pero bakit?" Tanong ni nanay..

Nakapasok nadin sa loob si beth para siguro makapag palit ng damit..

"Ito kasing binata ko nag text na dumeretso sa tambayan malapit sa payag namin nagpapadala ng damit pati pagkain.. kasama ang mga barkda ee alam mo na, papahatid ko sana kay nanak dahil hinahanap din ni Angelo may sasabihin daw..ewan koba sa mga iyan .." ate bibi

Masama agad ang ipinukol na tingin ni nanay..

Mabilis akong nagtaas ng kamay at umiwas ng tingin...

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon