Ep. 12

1K 35 0
                                    



Katatapos ko pa lang ligpitin ang mga gamit ko sa mesa ng may kung sino nalamang ang nagtitili sa kung saan..

At dahil may lahi akong pagka chismosa, mabilis kong sinuot sa balikat ko ang bag at nagtatakbo palabas papunta sa may field...

Madaming tao at hindi ko makita ang nangyayari sa harap pero isa lang ang ikinatigil ko...

Ang bulungan na si Sebastian daw ang nakahandusay sa gitna ng field..


"TABI!!! SABING TABI!!!" sigaw ko...


Wala na akong pake kung natatapakan o natutulak ko na ang kapwa estudyante basta ang alam ko lang ay ang makita si Sebastian sa harap..

Nagtagumpay ako sa balak at nakita doon ang walang malay at bugbog saradong muka ni Sebastian..

"TOL!!!" Tawag ko dito..

Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin.. andoon pala sila Angelo nanonood kasama ang mga barkada..

Bakas din ang takot at gulat sa mga mata nito..

Wala ni isang lumapit kay Sebastian..

Asan ang mga teammates nito!!?

Natigil ako sa pagtakbo palapit sakanya ng mabasa ang karatulang nakalagay kay Sebastian...



'Gumagamit ako ng Droga! "

Nagsimulang tumulo ang luha ko..

Kaya ba? Kaya ba walang lumalapit sakanya!?

Tinakbo ko muli ang pagitan namin ni Sebastian at mabilis sinalo ang ulo nito sa mga palad ko tiyaka pinatong sa kandungan ko...

"Nanak!! Antayin mo ang mga gurong dumating dito! At baka mapahamak kapa niyan!" Sigaw ni Angelo..

Mabilis akong umiling...

At di mapigilan ang paghagulgol sa sobrang takot na nararamdaman...

"Hindi adik ang utol ko Angelo! Bat dinyo sya nilalapitan!!" Umiiyak kong tanong..

Nahinto ito saglit bago umiling at malungkot na tumitig sakin..


"Tumawag na kayo ng ambulansya!!" Sigaw ko sa mga ito..

Hindi umimik ang mga tao sa kapaligiran..

Mabilis kong pinunasan ang mga luha at tumitig kay Angelo na may pagmamakaawa..


"Angelo pakiusap tumawag kana ng ambulansya" matagal itong nakatitig at mukang tinitimbang ang nangyayari, hanggang sa tumango ito at mabilis na nilabas ang  telepono..


Umubo si Sebastian at mabilis akong nagpanic..


"Tol! Anong nangyari!?" Umiiyak kong tanong dito..

Umuungol lang ito sa sakit... tumulo muli ang mga luha ko...

"Kingina tol kasasagot ko palang sayo aa" nakuha kupa kunwari mag biro, rinig ko ang nahihirapan nitong tawa bago umiling..

Umangat ang kanang kamay nito na mabilis kong inabot iyon...


May sinasabi ito ngunit hindi ko marinig...


Kaya ibinaba ko ang ulo para ilapit ang teynga sa kanya...


"T-thank you" bulong nito..

Mabilis akong umiling at nahihirapang ngumiti..

"Kaibigan kita tol, pero hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari dito, napano kaba kasi!?" Umiiyak kong tanong..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon