40

802 44 9
                                    


"Naty... k-kain ka muna"

Tahimik kung tinitigan ang namumulang mga mata ni beth habang hawak nito ang pinggan na may lamang kanin at ulam..

Sumulyap ako sa siyam na taong gulang kung anak na mahimbing na natutulog sa kandungan ko, bago sumulyap sa kabaong pinaghihimlayan ni nanay..

May kung anong nagbara sa lalamunan ko ng makitang nakaburol na ang ina ko sa kabaong iyan..

Pigil ang piyok at pilit na nginitian ang pinsan..

"Busog ako beth, ikaw? Kumain kana" alok ko dito

Mabilis itong umiling at sumulyap kay Dalia at mabilis na hinaplos ang mala papel sa kulay ng kamay ng anak..

"Kanina pa ako kumain... nagluluto na si aling Maria ng sopas para sa mga bisita"

Sabay sulyap nito sa mga nagsusugal naming kapit bahay..

Gusto ko mang mainis ay alam kung wala akong magagawa..
Muli kung sinulyapan ang kabaong ni nanay..

"Beth cremate natin ang katawan ni nanay" sabay baling dito, kita ang bahagyang paglaki ng mga mata nito at pagtigil, minuto lang bago ito tumango..

At malungkot na timingin sa kabaong ni nanay..

Biglaan ang lahat, nagulat lamang kami isang gabi ng masaya kaming nagtatanghalian ay bigla nalamang dumaing si nanay sa sakit at nawalan ng malay, ang mas nakakagimbal ay ang pagdating namin sa hospital..

Hindi umabot si nanay sa hospital dahil masyadong malayo ang hilongos kung saan merong nag iisang hospital doon, anya ay inatake ang inay ng highblood at di kinayanan ang init isama ang pulos mamantikang kinakain..

Grabe ang sama ng loob dahil hindi namin matanggap na sa isang iglap lamang ay nawala ang nanay namin..

Napaka hirap isipin na ang nanay mong kasama mulamang kumain ay bigla nalamang babawian ng buhay!

Mabilis kung pinalis ang luhang unti unting bumabagsak nanaman saking mga mata..

"May balak kang umuwi" seryosong tanong nito saakin..

Tumingin ako sa anak kung mahimbing na natutulog at muling tumulo ang mga luha ko ng makitang halos kamukang kamuka ito ng mommy ni Janus, andaya! Bakit dimanlang ako ang kamuka? O dikaya ay si nanay? Si beth!?

Tumango ako bilang sagot at suminghap..

"Hindi habang buhay magtatago tayo dito beth"

Tiyaka sinimulang haplusin ang buhok ni Dalia

"Isa pa sampung taon narin ang nakakaraan at paniguradong may sarili ng pamilya si J-Janus o dikaya ay wala na ito sa La Isla Salvation" dagdag kopa..

Seryoso itong nakatitig sakin at nag aantay pang magsalita..

"At kung nandoon man ito, bahala na siguro civil nalang sa isat isa" sabay kibit balikat ko pa..

Ngunit bigla nalamang kumawala ang masaganang luha ko sa mga mata ng maalala ang mga magagandang ala ala namin nila nanay doon..

"K-kamusta k-kaya ang bahay natin doon? S-sana *huk hindi pa giba giba hahaha" diko napipigilang anya..

Mabilis itong tumayo at lumapit saakin, maingat nitong kinuha ang ulo ko at nilagay sa tiyan nito at siya ring haplos nito sa buhok ko..

"Sshhh.. a-ano kaba *huk d-diba ansabi ni nanay ay h-hindi nito pinag benta ang lupain dahil balanh araw ay lilipat siya d-doon kapag nakapag asawa na ta-"

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon