21

1K 42 0
                                    


Tulala akong naghuhugas ng mga plato at pilit na iniitindi ang mga nangyari kanina..

Hindi naman sa pagiging tsesmosa ngunit, sila kuya Raul ay parang alalang alala kay lady margareth.

Habang si Razel naman ay napaka seryoso at malalim din ang iniisip?

Imposibleng kamag anak nito si lady margareth ee..

Mas lalong hindi nila kapatid si lady margareth..

Disila magkamuka..

May relasyon kung ganun?

Nakuuuu kawawa naman si Peace..

"Nanak mababasag na ang mga pinggan kung dimo tatapusin ang pagsasabon sa platong iyan"

Nakita ko panaman ang sakit sa mga mata ni Peace..

Lalo na ng dumating sila kuya Blue, para sunduin sila kuya Raul para sa party..

May isang minuto atang tinitigan ni kuya Raul si lady Margareth..

At biglang tumakbo palabas para sundan si lady Margareth sa labas..

Nahinto ako sa pagsabon sa plato at napabuntong hininga..

"Nanak kaylan muba tatapusin ang pinggang iyan? At tiyak na kumikinang na iyan"

Pero speaking of kuya Blue..

Nitong mga nakaraan ay kapansin pansin na ang mga ikinikilos ni kuya Blue..

Lalo na kan-

Pak!

Muntik ng tumilapon ang hawak na pinggan..

"Nay?" Gulat at nagtataka kong tawag dito..

Kunot ang noo at nakapameywang itong nakatingin sakin..

Hinihimas ang likudang ulong nabatukan nito.

"Nay naman" anya ko pa dito..

"Kanina pakita kinakausap at heto ako parang tangang nagtatanong sayo, dimonaman ako pinapansin" kung totoo lang ang umuusok na ilong, tiyak matatakot ka..

Mabilis ko itong nginitian..

"Sorry nay, may iniisip lang ako" mabilis kong paliwanag dito..

Umiling lamang ito..

"O sya, si Inday ba ay anong oras ba uuwi? At alas otso na ata ay wala padin?"

Sasagutin ko nasana ng insaktong may bumusina sa labas ng bahay..

Nagkatinginan kami ni nanay bago ito nagtatakbo palabas ng bahay..

At ito ako dahan dahang lumakad palapit sa bintana..

Nakita ko ang pag baba ni Beth kasabay ng pagbaba ni kuya blue..

Parang nahugot ko ata ang hininga ko ng magsalubong ang mga mata namin..

Bakit ganito? Oo nagka feelings ako sakanya, pero dapat kikiligin o matutuwa ako kapag makikita ito..

Pero bakit iniiwasan ko ito? Sa anong paraan?

Ahh.. tama simula ng pinagbawalan ako nito kay nathan na bantayan ang kapatid..

Pero napaka babaw mo naman ata nanak kung dahil doon ay iiwasan mo..

Oh.. baka naman..

Tulalang pinagmamasdan ang mga ngiti nila sa isat isa..

Inalalayan ni kuya blue na bumaba sa sasakyan si beth..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon