31

835 31 3
                                    

Mariin kong pinikit ang mga mata at inaantay na matapos ang pagupit ng mga ito sa buhok ko, patuloy ang tawanan habang ako ay tahimik na umiiyak..

"Rina pantayin monaman!! Hahaha" tawa ng babaeng nakatayo malapit sakin.

"Tsk.. caila papantay lang ito kung kakalbuhin! Hahaha"

"Hhmm!!" Pagwawala ko..

Wag naman nilang kalbuhin, apat na taon kong iningatan ang buhok ko! At isa pa matagal panaman humaba ang buhok ko!

"Isunod mo na yung anit banda sa teynga!" Sigaw naman nung lalaki na kasama ni Rina..

Mahinang natawa si Rina at yun nga ang ginawa..

Mabilis akong pumalag sa pagkakahawak nito sa buhok ko ngunit ganun nalamang ang daing ko sa sakit ng hatakin nito ang buhok sa mas pinaangat pa at yung Jerson naman ay gigil na pinisil ang magkabilang pisngi para pumirmi ito..

"Wag kanang pumalag... maganda kaparin naman eh.." bulong ni Jerson..

Kinilabutan ako sa paraan ng boses nito..

Naramdaman kuna ang lamig ng metal sa aking anit at ano mang oras ay gugupitin na nito ang buhok ko..

Mariin muli akong pumikit upang hindi makita ang mangyayari..

"Ahhh!"

Ng bigla nalamang sumigaw ang mga babae, maging si Rina ay napatayo sa kinauupuan sa likod ko, at si Jerson na nakahawak sa pisngi ko ay nawala na..

Dahan dahang binuksan ang mga mata at isang matikas na likod ng lalaki ang nakita ko, nakatalikod ito sakin at kaharap iyong dalawang lalaking pinaligiran siya agad..

Dahan dahang akong bumangon at nanghihinang tumayo..

Biglang humarap sakin ang lalaki at ganun nalang ata ang panghihinayang...

Ng si Kuya Raul iyon..

"Anong ginagawa mo dito!?" Inis na sigaw at tanong ni Jerson, dumura pa at pumunta nadin kay kuya Raul para palibutan..

Tumingin sakin ang nag aalalang mga mata ni kuya Raul..

"Okay kalang?" Tanong nito..

Hindi ko napigilan ang pumiyok at muling pagtulo ng mga luha bago tumango..

Habag at awa ang namutangi sa mga mata nito bago galit na binalingan ng mga tingin ang taong nasa paligid niya..

"What the fuck! Rina! Nasa katinuan paba kayo? Pinaaral kayo pero ganito ang mga asal niyo!! Mas masahol pa ata sa ahas!! Dina ako magtataka kung anak nga talaga kayo ng  satan!" Gigil, galit na sigaw nito..

Bumakas ang takot sa mga mata ni Rina maging sa mga babaeng kaibigan nito, habang ang tatlong lalaki ay mayayabang na ngumisi..

"Pakeelam mo ba? Ikaw ba nag papaaral?" Anang ng isang lalaki..

"Wala kayong mga modo!" Kuya Raul..

"Tsk" anya panung isa..

Nanlaki ang mga mata ko ng may nilabas mula sa tagiliran si Jerson ng isang sumpak!

Isang mahaba at matulis na metal sa dulo..
At dahil nasa likod ni kuya Raul kami nila Jerson ay di nito nakikita ang ginagawang dahan dahang paglapit ni Jerson..

Nanginginig ang mga bibig ko hindi magawang  makasigaw ni ang kumilos ay parang naparalisa na..

"K-ku.... RAULLLLLLLL!!" sigaw ko ng insaktong pagharap nito ay nakalapit nasakanya si Jerson..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon