39

774 44 6
                                    

"Aarrgg"

"Sige anak iduwal mulang.." kasabay ng paghaplos nito sa likudan ko habang pilit na sinusuka ang ano mang gustong lumabas sa bibig..

Ng gabing iyon ay nilisan nga namin ang La Isla Salvation kasabay ng pag iwan ko sa puso kong sawing nagmahal para kay Janus.
Napadpad kami sa Leyte at binaybay namin ang lugar ng hilongos at sa isang tagong lugar kami nila nanay at beth tumira, pagbaba mo sa hilongos ay mag aantay kapa ng habal, at sasakay ka dito papunta sa lugar ng kaibigan ni nanay, na kung abutin ang biyahe ay magdadalawang oras din, lalo pa at lubak lubak at mabato ay kaylangan mo pang maglakad at sasakay muli kapag patag na ang daan..

Nakitira kami sa malapit na kaibigan ni nanay, na si aling Maria, isang matandang dalaga ang kaibigan ni Inay, dahil sa pagluluwas sa ibang bansa uoang makahanap ng magandang pamumuhay ay dito daw siya nauwi, ang tumandang magisa..

Dahil ang mga magulang nito ay maagang pumanaw habang ang dalawang kapatid ay nasa manila may kanya kanyang mga pamilya.

May sariling karinderya si Aling Maria at doon ay tumutulong si nanay, may isang beses kung sinubukan ang tumulong ngunit pinagbawalan ako ng ina maging si aling Maria ay gayun din.

Ng magdalawang araw palang kami ay nagsimula na ang takot ko, nahulaan ni aling Maria na nagdadalang tao ako nuong una at hindi ko matanggap iyon at ito nga, madaling araw palang ay nagtatakbo na ako sa banyo at sumusuka..

Hindi ko na kinaylangan mag PT pa dahil itanggi ko man o hindi alam kong nagdadalang tao nga ako at si Janus ang ama, mariin akong pumikit at suminghap upang makahinga dahil sa labis na pagiyak..

"Naty"

Napaupo ako ng tuwid at mabilis na pinunasan ang muka bago pilit na nginitian si beth na may bitbit ng gatas..

"Inumin mo ito upang guminhawa ang pakiramdam mo, makakasama sa batang dinadala mo kapag masyado kang na depress" ito

Umupo ito sa tabi ko, may sariling kwarto kami ni beth ngunit hindi tulad sa La Isla Salvation ay may tigisa kaming kama dito ay magkatabi kami sa isang kama..

"Patawad beth" patiuna ko at muling umiyak sa harap nito..

Hindi ito nagsalita ngunit pagod itong bumuntong hininga..

"A-Alam kong mahal mo si Janus ngunit minahal ko din ito, at hindi na inisip ang mararamdaman mo" madamdamin kong saad

At sa wakas ay tumingin nadin sakin ang mga mata nito at bigla nalamang nagsipag patakan ang mga luha ng pinsan isa isa..

"Napaka sarili mo Natalia, napaka ramot mo.." aniya nito habang humahagulgol na mataman ko ding sinasabayan at inaantay pang maglabas ng sama ng loob saakin..

"I-iyan ang mga salitang gustong gusto kong sabihin sayo, ngunit ang makitang nagkakaganito, nasasaktan kasama si Inay ay nasasaktan din ako Naty.. hindi lang si nanay ang naapektuhan maging ako ay nasasaktan din.. kung iniisip mong magagalit ako dahil pinili mong mas sundin ang nararamdaman mo para kay Janus kesa saakin ay nagkakamali ka.." nahinto ito saglit sa pagsasalita dahil halos dina makahinga sa pinaghalo halong imusyong nararamdaman nito samahan pa ang luhang mabilis na lumalandas sa mga mata nito..

Gustong gusto kung pawiin iyon ngunit pakiramadam ko ay wala akong karapatan..

"Nagtatampo ako maaari pero maniwala kaman sa hindi, labis ang sayang nararamdaman ko na sa wakas ang isang tulad mo ay marunong ng umibig at marunong nadin piliin ang sarili kesa sa iba.. pero hindi ko lubos na maisip na mahahantong ang ganito sa lahat... naty.. patawad kung hindi ko napansin ang mga nangyayari sayo, dahil ang sariling kasiyahan kulang naman ang inaatupag ko, *huk hahaha ako talaga ang makasarili.. patawad... patawad naty"

At mabilis akong kinabig nito upang yakapin..
Nag iyakan kaming dalawa at wala ni isa saming ang mabilis na kumalma..

Ngunit masasabi kung gumaan ang pakiramdam ko ng magkausap kaming dalawa ni beth..

"Andito lang ako, hinding hindi ko kayo iiwan ni nanay.. andito lang ako naty.. tutulongan kita simula ngayon at kayo lang ang uunahin ko"

Hindi ko na nagawang makapag salita pa dahil hindi ko halos maibuka ang bibig dahil iyak pag iyak, tanging hikbi lamang ang naiigawad..

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan na tumupad si Beth sa pinangako nito..

Ng sumapit ang tiyan ko sa ika limang buwan ay halos wala na atang ginawa si beth kundi ang magtrabaho habang nag aaral, paano nakuha ni inay ang mga requirements namin sa skwelahan ay iyon ang hindi namin alam, pero isa lang ang naging resulta noon..

Hindi na ako nag aral dahil sa pagdadalang tao ko, at dahil nadin hirap nadin makalikom ng pera si nanay para sa pag gastos ng pag aaral ni Beth, gusto mang huminto ng pinsan ay hindi pinayagan ng ina, dahil ito lamang ang tanging magagawa niya para sa amin lalo na kay beth, pumayag ang pinsan ngunit may kapalit at iyon ay ang magtrabaho din..

Saksi ako sa paghihirap nilang dalawa para saakin, para mapaghandaan nila ang araw ng kapanganakan ko..

Hindi naging madali saakin ang pinag daanan ko lalo pa at laman ako ng kwentuhan ng mga kapit bahay, hindi ko masisisi ito dahil bata pa nga ako at ito ay nagdadalang tao na sa mirang edad..

Mabilis kung pinunasan ang pagpatak ng luha ko ng bumukas ang pintuan ng bahay at mabilis umikot para salubingin ang nanay na may ngiti sa labi kasama si beth na nakabihis pa ng uniform..

Hindi ko maiwasang ngumiti ng malungkot dahil sa inggit na naramdaman para sa sarili, ngayon kulang naramdaman na nakakainggit pala kapag hindi ka nakakapag aral, nakakainggit pala kapag may nakikita kang pumapasok habang ikaw ito at pinag papahinga sa bahay, hindi makalabas ni makagala sa lugar ay hindi ko magawa..

Ngunit hindi ako susuko dahil ang mga taong malapit nga saakin ay tinutulungan ako, ay hindi napapagod o sumusuko ako pakaya?

"May dala kaming hipon naty si nanay daw magluluto haha" bungad na bati saakin ni beth, sabay halik sa pisngi ko at pagmano naman kay nanay..

Mabilis gumuhit ang ngiti ko sa labi at naglaway agad..

"Wah.. salamat nay, Beth!" Natutuwa kong pasalamat..

Lihim akong ngumiti sa sarili..

Tama.. simula ngayon ay dito na iikot ang mundo ko ng walang Janus na aaligid..

Na sila lang ang meron ako, makukuntento rin ako kung ano meron ako.. at kung anong nandyan para saakin..

Sa ganitong buhay ako nararapat..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon