41

769 36 8
                                    

Isang linggo ang burol ni inay bago namin pina abo ang katawan nito..

Tahimik akong nagpupunas ng lamesa ng mapansin ang anak na taimtim na nakatitig sa jar ng abo ni inay..

Tahimik akong lumapit dito at umupo sa tabi ni Dalia upan tabihan ito sa upuan..

"Mama" patiuna nitong panimula ng makaupo ako..

"Hm?" Kinuha ang ilang takas na buhok ng anak at inipon iyon sa kamay upang matalian..

"Narinig ko kayo ni tita beth na lilipat tayo" seryosong tanong ng anak ko..

Natigilan ako at hindi agad alam ang sasabihin dahil masyadong seryoso ang anak, kahit pa na ganito talaga ito kung makitungo sa iba ay animo'y matanda na kung kumilos o gumalaw, ngunit pagdating saamin nila nanay, aling maria at beth ay malambing at palangiti ito, kaya naiilang ako kung paano ito sagutin.

Suminghap muna ako at sasagot nasana ng magsalita nanaman ito, at ang sunod nitong sinabi ay hindi ko inaasahang maitatanong nito..

"Sa lilipatan natin ay kung saan kayo pinanganak ni lola, kung saan din nandoon ang ama ko"

Sa mahinang tinig nito ay parang hinalukay ang sikmura ko sa takot at kaba.

"A-anak p-pano... pano mong k-"

"Naty may balita ako"

Dipaman ako natatapos ay bigla nalamang lumitaw sa kung saan ang masayang si beth, may hawak itong brown na envelope ng makalapit sa gawi namin..

"Naty alam mo bang isa ako sa mga napiling ididistino sa manila!?" Tuwang tuwa nitong balita..

Isang simpleng business employer lamang si Beth sa lungsod ng hilongos, malaki kahit paano ang sahod ngunit aminin ko man o hindi alam kung hindi nakapag ipon si beth ng dahil saamin..

Matamis akong ngumiti dito at tumayo upang lapitan ito at yakapin...

"Wow! Congrats beth" diko napipigilang sigaw..

Masayang tumango ito bago muling matamis na ngumiti..

"Mas malaki ang sahod namin sa manila naty, doble pa sa sahod ko dito, naku kapag nangyari iyon wala pang dalawang buwan ay mapapaayos na natin ang bahay sa La Isla Salvation!" Kumikinang na mga mata nitong saad..

Natigilan ako at dimakapaniwala sa sinabi nito.. ng bigla nalamang ako nakaramdam ng lungkot..

"Beth, hindi monaman na kaylangan intindihin kami, siguro oras na para sarili mo naman ang unahin mo.. k-kaya ko naman ng itaguyod ang anak ko beth.. mag ipon kana para sa sarili mo"  nginitian ko ito ng matamis ng makitang unti unting nawala ang mga ngiti nito at napalitan ng sakit..

Malungkot akong ngumiti at kinuha ang dalawang kamay ng pinsan..

"Sobra sobra na ang naitulong mo saamin beth, lalo na sa akin simula pa ng pinagdadalang tao ko si Dalia, sobra na ang naitulong mo... siguro.."

Binalingan ko ang mga mata ni Beth na kumikinang na habang ang akin naman ay nanlalabo na ito sa aking paningin...

"Siguro oras na para unahin mo naman ang sarili mo, hindi kana bumabata hahaha baka makaligtaan mo ang sarili mo at makalimutan mong kaylangan mo ding magkapam-"

Muli nanaman akong natigil sa sasabihin ko ng bigla nalamang akong yakapin ng pinsan at nagsimulang umiyak..

"Naty naman eh!! Bawiin mo iyon! Hindi ko kaylan man kinaligtaan ang sarili! sadyang kayo lang ang una kong priority, nakakapag ipon ako... makakaipon din ako, basta... basta bawiin mong sinabi mo na wag na akong tumulong sayo... k-kayo nanga lang ang meron ako... k-*huk k-k-kayo nalang.. wag monaman sana akong ilayo sa B-buhay nyo, l-lalo nasa maganda kong pamangkin" at bumulahaw nanaman ito ng iyak..

Mabilis kong hinagod ang likod at pinatahan ito..

"Shhh... sorry beth... oo pangako diko na sasabihin pa iyon"

Pag aalo ko, puro tango ang ginawa nito habang ngumangawa. Napatingin ako sa gawi ng anak maging ito ay may luha ng umaagos sa mga mata at muli ay hinalukay nanaman ang puso ko sa sakit at pagsisisi, mabilis kong iginawad sakanya ang isang kamay upang ipahiwatig na lumapit saamin, mabilis itong tumakbo at mabilis na yumakap sa mga bewang namin si Dalia..

"Sabay tayong lalagpasin lahat ng ito naty, walang iwanan" umiiyak na bulong ni beth..








"Oh.. natalia ang mga requirements ba nitong si Dalia para sa pag aaral ay naasikaso muna?" Tanong ni Aling Maria ng umupo ito sa harap namin ni Dalia para sabayan sa hapag..

"Oho" sagot ko dito

"Ang mga bilin ko natalia ha, lalo na pagdating kay Dalia wag mong pababayaan" paalala ni aling maria

Mabilis kong inabot ang ulam sakanya maging ang kanin..
Bago inasikaso ang anak na tahimik na ngumunguya..

"Aling Maria bakit dina lang ho kayo sumama saamin?" Pag aalok ko dito..

Natigilan ito at matamang tumitig saakin, bago umiling..

"Ito ang tahanan ko anak" sabay libot ng tingin sa kabahayan at tipid na ngumiti.. bago muling tumingin sakin..

"At alam kung iyon din ang gusto na nanay mo ang magpahinga sa lugar na kinagisnan mong talaga, kaya tiyak na kung nasan man ang nanay mo ay tiyak na galak na galak ito dahil iuuwi mo ito" Aling Maria

Nakaramdam ako ng sakit saking puso bago tumango.

Kung hindi sana ako nagdalang tao..

Lihim kung sinulyapan ang anak na busy sa paglamon..

At mabilis na umiling.

Hindi! Kung hindi ako nagdalang tao ay tiyak wala sa akin ang anghel na ito..
Mabilis kong hinalikan ang umuumbok na pisngi ng anak na ipinagtaka naman nito ng bumaling sakin..

Matamis ko itong nginisihan at mahinang kinurot ang ilong..

"Oo nga pala, ano ang plano nitong si Beth!" Tanong muli ni aling maria

"Bukas ng hapon po ang rating nito sa manila, siguro po kapag naka isang buwan ito sa trabaho ay, doon na nito paplanuhin ang paguwi sa La Isla Salvation aling Maria, lalo pa at dinaman masyadong kalayuan ang manila sa amin" sagot ko dito..

Tumango ang matanda bago nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain..

"Bukas naho ang alis namin Aling Maria, kaya sana ho pati kayo ay iingatan din ang sarili, pasensya naho kung biglaan ang balak naming pag uwi" anya ko pa dito..

Mabilis itong uminom ng tubig bago umiling at ngumiti ng matamis saakin..

"Nako na bata ka, okay lang ako lalo pa at uuwi ang isa sa mga kapatid ko dito sa sunod na buwan upang dito na manirahan kaya wag niyo na ako intindihin" paninigurado pa nito.

Tanging tango nalamang ang naisagot ko at pagngiti dito..

"Oo nga pala may pera ba kayong naipon?" Biglang tanong nito..

At isang tipid na ngiti lamang ang tanging naisagot ko..

"Meron ho"

Totoong meron pero hindi aabot ng isang buwan iyon lalo pa at malaki ang nagastos namin sa pag cremate kay nanay maging sa burol ay gumastos din kami..

Ang kakarampot nga  naipon ni beth ay nagastos din lalo na at kinaylangan niya ito pa manila..

"May pera panaman ako, pwede ko kayong pahiramin, wag kanang tumanggi dahil alam kong wala kang perang panggastos ng ilang buwan, lalo pa at hindi mo ako pinagbayad sa gastusin sa burol ni Amanda" aling Maria..

Nakakahiya man ngunit mukang kakaylanganin ko talaga ang perang iaalok nito saakin..

Tumango ako dito at nahihiyang ngumiti..

"Salamat ho" ang tangi kong naisagot..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon