25

1K 44 1
                                    

Isang linggo, isang linggo akong hindi nakapasok na halos ikinakaba ni nanay..
Kaya para lamang hindi na ito magtaka pa at mag alala ay pagdating ng lunes pumasok na ako.

Magisa at aligaga akong naglalakad sa tabi ng daan, kinakabahang kung baka may sinong portio pilato ang mang hahatak nalang bigla sakin..
Malaking ginhawa ko ng makarating ako sa school na ligtas, papasok na ako sa room ng biglang kumulo ang tiyan ko marahil sa gutom.

Dahil sa gusto ko lang mapaaga at hindi ako maabutan ni Janus ay pati ang pang umagahan ko ay nakalimutan ko na din kainin..
Napapalaylay ang mga balikat ko ng magtalo ang utak at tiyan ko..
Ang sabi ng tiyan ko ay pumanhik kami sa canteen upang bumili ng makakain ngunit ang isipan ko naman ay sinasabing wag at baka andoon ang lalaking iyon..
Ngunit sa huli ay ang tiyan ko ang nag wagi..
Gutom na talaga ako..

Ibinaba ko muna ang bag sa upuan at dahil maaga panaman... malakas ang loob kong wala ito doon..

Marami ang mga matang nakatitig saakin ng patungo ako sa canteen, halos halo halo ang kaba at takot ko dahil sa mga titig ng mga ito..

Alam ba nila? Alam ba ng mga ito ang ginawang kahayupan ni Kuy- janus sakin?
Mabilis kong pinalig ang mga ulo bago napabuntong hininga..

Natatanaw ko na ang canteen ng makitang parang busy ang mga tao sa kakatitig sa iisang lugar lang..

At ganun nalamang ang panginginig ko ng makita si kuy- Janus na naglalakad may hawak na..

Bulaklak.

Walang kangitingiti sa labi, ngunit ng magtama ang mga mata namin ay bigla nalamang ngumisi ito ng nakakaloko..
Napa atras ako ng isang paa at halos takot na ang lumalamon sakin..
Tatakbo nasana ako ng..

"Janus"

Gulat ako ng may babaeng tumakbo palagpas sakin para salubungin si Janus..

Beth!?

Andoon padin ang nakakalokong ngiti ni Janus..

Ang hawak na bulaklak ay inabot nito kay beth

"Good morning my lady" ng aakit na boses ni kuya Janus sabay tingin sakin ng nakakaloko..

Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ni beth na waring kinikilig..
Napansin ko pa ang bahagyang pagtabing nito sa buhok papunta sa likodan ng teynga nito..

Mabilis akong umiling at handa ng umatras ng

"Nanak!!!" Nagulat ako ng kung saan ay may lalaking sumisigaw ng pangalan ko..

Pagtingin ko sa likuran ni Janus, nakita ko si Dave ang moreno at running for valedictorian daw panigurado ngayong taon ang tumatakbo palapit sakin..

Bigla nalamang ako sinubggaban ng yakap nito..
Isang buwan nawala si Dave dahil meron daw emergency sa pamilya nila at kaylangan buong angkan ay makapunta.. akobat si Sebastian ang matalik na kaibigan nito,ngunit ang hindi alam ng lahat na..

Bakla itong si Dave..

Hindi ko alam pero sa sobrang saya ay nagtitinalon kaming dalawa at parang mga tangang nagtitinalon.. na akala mo ay hindi nagkita ng ilang taon..

"Baklaa I miss you" mahinang bulong ko dito.

Mabilis nitong kinurot ang ilong ko na akala mo ay parte pa ng kamustahan namin pero ang totoo ay nanggigil na si Dave

"Gaguu ka bee wag kang maingay at baka marinig kanila hmm~" bulong nito

"Ah. Ah... hahaha" nababaliw ko ng sagot..

Mabilis na binitawan nito ang ilong ko at agad akong inakbayan tiyaka ginaya papunta sa classroom ko, mukang ihahatid ako ng bakla.. hyst.. nawala narin naman ang gutom ko..

"Pero, maiba tayo.. nagulat talaga ako sa nangyari kay Sebastian be, pano kasi nung araw na napahamak ito ay ang araw na nakaalis nakami" ito

Bumuntong hininga ako at malungkot na tumingin sa kawalan..

"Kung alam mo lang Davy ng mawala ka halos madami na ang nangyari na hindi kanais nais ang nagaganap"

Kasama na ang nangyari saakin, malungkot akong ngumiti..
Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakaakbay nito sakin.

Kaya sakanya nabaling ang atensyon ko..

"May nangyari rin ba sayo?"
Natigil ako sa paglalakad at ramdam ang takot, kaba at tense dahil sa tanong nito..
Mabuti nalamang hindi nakaharap o nakatingin sakin ang mga mata nito kundi mahahalata nito ang pagsisinungaling ko..

"Wala naman, ang totoo ay nalulungkot lang ako na iniwan tayo ni s-sebastian"
Hindi naman ito pagsisinungaling, hindi ko lang sinasabi ang tunay na nararamdaman at nangyayari..

Malalim ang pagkakabuntong hininga nito, at matunog na ngumisi..

"Oo nga sayang ang akala ko magagapangan ko na si fafa Sebastian ee, kaso diko panga nasisimulan nakalayas na"
Bulong nito sa huling sinabi..

Hindi ko man gusto ngunit hindi ko na napigilan ang matawa..

At naiisip kung gaano ako kaswerte na kaibigan si David, hindi man kami nagkakasama nito ng madalas noong last year dahil sa pagiging uliraning matalinong mag aaral ay kahit paao mabilis namin napupunan ang pagkukulang at pag kamiss sa isat isa..

Tulad nga ng sinabi ko masyado akong absenera habang ang dalawa ay aktibo sa eskwelahan, nagkakilala lang kaming tatlo dahil kay Sebastian,

Kinompronta kasi ako nito about kay beth noon ee, na hanggang sa ipakilala ako nito kay David na animo'y napaka sungit dahil tahimik at ayaw mamansin, ngunit ng nagtagal na pagsama nito ni David kay Sebastian kapag napupunta sakin ay unti unting nagiging showy na ang binata,

O mas sabihing dalaga..

Ang matamis kong ngiti ay napalitan nalamang ng mapakla dahil sa mga ala alang iniwan ni Sebastian sakin..
Lalo na ang pagtatapat nito sakin..

Lihim na tinignan ang baklang madaldal at busy parin sa pagsasalita ng kung ano ano ng maisip kung alam kaya nito ang nararamdaman para sakin..

At napapalunok bigla ng maisip na kung alam ba nito o malalaman, sasabunutan kaya ako nito?

Naalala ko kasi ng una kong nalaman na bakla ito ay halos umusok ang ilong nito kapag nakikita si beth, kung dipa nalaman na pinsan ko iyon hindi pa kakalma ang dugo dahil dito..

Gustong gusto daw niyang sabunutan pakaladkad ang pinsan dahil siya daw ang napupusuan ng taong mahal niya na si Sebastian..

Naiiling nanaman ako sa mga imaheng nagpapakita sa utak ko, magagawa kaya ako saktan ng baklang ito?

"Oh? Tahimik mo diyan ate? Oks kalang?" Tanong nito ng mapansin ata ang pananahimik ko..

Mabilis akong umiling at napipilitang ngumiti, ipinakita ko panga ang kumpleto kong ngipin para lamang hindi maisip o mahalata nito ang malalim na iniisip at dina itanong..

Halata panaman ako magsinungaling

"Wala lang, iniisip ko lang nasana hindi mo din ako iiwan"

Mabilis na gumihit sa mga mata nito ang lungkot..

Huminto ito sa paglalakad at humarap sakin..
Tipid na ngumiti si David at bigla nalamang akong kinabig palapit sakanya at niyakap..

"I can't say na lagi tayo magsasama sa school, cause you know how I'm busy, but I promise.. I promise that I will never, never leave your side my bessy"

Bulong nito, nakarinig ako ng mga tilian kung saan ngunit hindi ko inalintana ang mga iyon dahil sa oras na ito tanging si David at ang sinabi nito ang dinaramdam ko..

Mabilis kong niyakap ito at binaon ng mas madiin ang pisngi sa dibdib nito..

Ang swerte ko naman sa bessy ko..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon