35

823 37 3
                                    

"Congratulations for winning a 3rd place ms. Saltan" salubong sakin ng isa sa mga representative judge sa event na ito..

Mabilis kong inabot ang kamay nito at masayang tumango..

"Thank you po"

Lumipat ang tingin nito sa gilidan ko para batiin ang kasama ko ngunit ganun nalamang ang gulat ko ng makitang wala na si beth sa tabi ko.

"Where is your partner?" Tanong nito..

"S-sorry po baka may inasikaso ho saglit" nahihirapan kong sagot dahil ako mismo ay di alam kung nasan ang pinsan..

"Okay, congrats again ms. Saltan and to your partner" ang ginang..

Tumango ako bilang sagot at muling matamis na ngumiti.. nilagpasan na ako nito para batiin siguro ang ibang mga nanalo..

Ng makaalis ito ay doon ko naibuga ang malalim na hininga.

Asan ang isang iyon?

Malungkot kong pinagtuonan ng pansin ang mga gamit namin na paunti unti kong nililigpit..

Pasulyap sulyap sa paligid kung pabalik naba ang pinsan, ngunit patapos nalamang ako ng wala paring beth ang nagpapakita..

Asan na kaya ito? Nauna na ba ito makauwi para lamang hindi ako masabayan?

Ang isiping iyon nga ang ginawa ni beth ay siyang kirot na nararamdaman ng aking puso..
Nagsimulang lumabo ang aking mga mata bago ko iniling ang ulo at mabilis na tinampal tampal ang magkabilang mga pisngi..

Binuhat ang dalang gamit at nagsimulang maglakad palabas ng court kung saan ginanap ang exhibit.

Medyo matao pa ang lugar kung kayat hirap akong makaraan upang makalabas..
Ng makarating sa labas ay animo'y hinabol ng sampong toro dahil habol ko ang sariling hininga, napahawak pa ako sa dibdib habang ang isa ay pinapaypayan sa sarili..

"Aumbre"

"Ay kalabaw!" Gulat akong napabaling sa likudan ko ng may bigla nalamang nagsalita..

Mariin ang mga matang nakapapikit kong hinarap ito.. At mabilis na pinanlisikan ito..

"Janus!" Inis na tawag ko dito..

Mabilis rumihestro sa mga mata nito ang pag aalala at mabilis na nakalapit sakin..

"I-Im sorry.. are you okay?" Pag aalalang tanong nito..

Natahimik ako at tinitigan ito..
Habang ang mga mata naman nito ay pumungay..

Hinawakan nito ang magkabilang mga balikat ko at kinabig palapit sakanya, hanggang sa mayakap na ako nito ng tuluyan..

At ito ako hinahayaan ang sarili na gawin ni Janus ang lahat ng ito..

Na miss mo kasi..

"Congratulations" bulong nito saakin..

At doon parang bumalik ako sa reyalidad kaya mabilis kong itinukod ang magkabilang mga kamay sa dibdib ng binata at bahagyang lumayo dito..

Pinangkunutan ko ito ng mga mata bago nagtanong..

"Nanuod ka?"  Kuryosidad kong tanong..

Tipid na ngumiti ito bago dahan dahang tumango at napabaling sa iba ang mga mata..

Bigla nalamang ako nakaramdam ng awa sa itsura ni Janus ng animo'y nahuli ng ina na nangunguha ng cookies sa lamesa..

At hindi ko alam.. sa totoo lang hindi ko alam pero..

Pero may kung ano sa aking na gustong gusto kong gawin ni Janus..

Humugot Humuako ng malalim na hangin at bahagyang yumuko..

"Kiss me"  mahinang bulong ko, ni hindi ko sigurado kung rinig ba nito ang sinabi ko..

Hindi ko rin naman makita ang mga mata nito dahil nakayuko ako at hinihintay ang gagawin nito, ngunit lumipas ata ang limang minuto ng walang ginagawa si Janus kaya ko na mismo ang nag angat ng mga mata para makita ang itsura nito..

Ganun nalamang ang gulat ko ng sumalubong sakin ang pababang muka ng binata at ang mabilis na pagsakop nito sa aking labi..

Gulat na gulat at hindi agad naproseso ang ginawa ni Janus hanggang sa unti unting naikalma ang sariling puso,at dinamdam ang malambot at ang matamis na labi ni Janus..











"Mom wants both of you later in our house" panimula ni Janus habang naglalakad kami papunta sa paradahan ng mga tricycle, nag alok ito ng sasakyan na mabilis kong tinanggihan..

"Bakit?" Takang tanong ko dito..

Sumulyap ito sakin saglit bago muling tumingin sa harap..

"For celebration maybe?" Kibit balikat pa nitong anya..

Nahinto ako sa paglalakad at bahagyang hinarap ito.. bumaling nadin ito sakin ng tuluyan at nag aantay ng sagot ko..

Matamis kong nginitian ito na siya ding ginawa ng binata..

"Sorry pero hindi ako pupunta" sagot ko dito, mabilis nawala ang matamis na mga ngiti nito at napalitan ng kabiguan..

"O-okay" tanging sagot nito bago hinarap ang tingin sa unahan at naglakad muli..

"Pero pwede mong ayain ang pinsan ko" pahabol kong saad..

Nahinto ito at hindi na gumalaw sa kintatayuan ni makatingin ay di nito ginawa, nagsimula akong maglakad at ako naman ang lumagpas dito upang maiwan ito doon, ngunit mukang pinaglalaruan ata ako ng tadhana ng magsalita ang binata at ako naman ang natigil sa kinatatayuan..


"Why you sound like a jealous girlfriend Aumbre?"

Nanlalaki ang mga mata kong nilingon ito na siya naman ang laki ng pagkakangisi ng binata..

"A-anong pinag sasabi mo!? Eh.. hindi naman kita nobyo! At i-isa pa bagay kayo ng pinsa ko"

Mabilis kong natakpan ang bibig gamit ang dalawang kamay dahil sa huling sinabi, seryoso nadin ang mga mata ni Janus, dina nababakasan ng kahit na anong kapilyuhan..

Napaatras ako ng unting unti itong lumapit saakin.. ngunit mabilis lamang ito akong naabutan dahil malalaking ang bawat hakbang na ginagawad nito..


Takot kong sinalubong ang mga blankong mga mata ng binata at ang umiigting na mga panga nito..

Pilit kong nilabanan ang takot at kinausap ito..

"B-bakit!?" Tanong ko dito..

Tinignan ako nito mula sa mga mata ko hanggang sa labi ko.

"I love you" seryosong amin nito..

Napahawak ako sa aking dibdib kung saan mabilis na tumitibok ang puso ko..

Gusto ko biglang umiyak dahil sa ginawang pag amin nito..

"And please stop pushing me" walang kagana gana niyang sagot at lumagpas na ang tingin sakin mula sa likuran ko, bago bahagyang nilapit ang bibig sa  teynga ko..

"Because it's not going to happen"

At nilagpasan na ako ng tuluyan na naninigas sa kinatatayuan..
Unti unting hinarap ang likod upang tanawin ang magandang likod ng binata.


Unti nalang Janus... unti nalang at kakalimutan ko na ang lahat ng taong masasagasaan ko, hindi ko na iisipin kug may masasaktan ba ako o wala.

Dahil sa mga bawat araw at oras na dumaraan.. ang puso ko ay unti unti ng sinisigaw ang pangalan niya..


Napahugot ako ng malalim na hangin at binuga iyon..

Ano bang ginagawa mo saakin Janus? At unti unting binabaliw mo ako.. unti unting...

Unti unting kinakain na ng sistema ko ang kaanyuan mo..

Ikaw lang Janus...

Ikaw lamang..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon