43

766 34 6
                                    


Tulala kaming parehas ni Dalia na nakatitig sa animo'y hunted house na nasa harap namin..

Ang bahay namin ay halos hindi na makita dahil sa haba ng mga ligaw na damong tumubo sa bakuran.. maging ang inaanay na at sirang sira ng gate ay hindi mo nadin nakikita dahil sa mga damo..

Tanging bubong lamang ang matatanaw mo mula dito..

Inilibot ko ang mga mata mula sa unahan hanggang sa pinakadulo ng bakuran, at tanging puno at ligaw na damong naglalakihan lamang ang matatanaw mo..

"Ma, mukang mahaba habang trabaho po ang gagawin natin" pilyang tukso ng anak, mabilis kong ginulo ang buhok nito at hindi rin napigilan ang pagngisi..

"Kaya yan, andyan kanaman eh" sagot ko sa anak kong umiiling..

Lumakad ako palapit sa gate at hindi na kayalangang buksan pa ito dahil agnas na talaga ang mga kahoy nuon..

Nilingon ko ang anak at mabilis na binilinan ito..

"Dito kalang muna anak, wag kang lalayo o sasama sa dimo kilala, ako ang unang papasok sa loob at maghahanap ng itak baka kasi may ahas kapag pumasok kadin sa mga damong iyan" mahabang paliwanag ko na tanging pagtango lamang ang ginawa ng anak..

Bumuga ako ng hangin bago tinahak ang magubat na bakuran..

Bahagya akong nahirapang hakbangan o tapakan ang mga damo dahil sa kapal pala nito at talagang mataas, at dahil di ganuon kalayo ang pinto sa gate ay mabilis lamang akong nakarating doon..

May damo narin ang pintuan at ang kandado ay kinalawang na..

Dinukot ko ang susing medyo kalawang nadin bago pinasok iyon sa kandado at pinihit iyon..

Na unlock iyon at mabilis kong tinulak ang pintuan upang bumukas ng mabuksan ay halos  dumikit ang mga paa ko sa talampakan sa sahig..

Ang bahay.. ang bahay kung saan.. saan... lumaki at inalagaan kami ni nanay..

Dahan dahang dumausdos ako paupo at di napigilan ang sariling lumuha at mahinang humikbi..

Inay.. andito na ho tayo.. inay nakauwi naho tayo..

"Mama"

Ganuon nalamang ang gulat ko at mabilisang pagpahid ng luha saking pisngi ng magsalita si Dalia mula sa likuran ko..

Mabilis din akong napatayo at pinagpagan ang sariling pantalon bago ito hinarap..

"A-anong ginagawa mo dito anak!? Ansabi ko ay wag kang susunod baka may ah-"..

"Andito na ho ako mama, pababalikin mo pa poba ako?" Inusenteng tanong ng anak..

Kaya wala na akong nagawa kundi ay mapailing nalamang at hayaan sa gusto nito..

Nangunang pumasok sa loob ang anak, habang ako ay natilulos sa kinatatayuan ko..

"Mama, may bolo dito" aniya ng anak

Kaya wala na akong nagawa kundi ay pumasok sa loob at halos mangilabot ng maramdaman ang awra ng bahay..

Napalibot ako sa kabahayan..

Luma na halos lahat.. ang kahoy na lamesa at upuan ay hindi na pwedeng magamit, ang lababo ay may butas na sa gitna dahil sa anay ang lababong bakal ay kalawang na..

Mabilis akong pumunta sa banyo sa sala at ng makitang okay pa ang inidoro marumi lamang pero kayang madaan sa linis..

"Mama, ang kwarto ang una nating linisan" Dalia na nakatanaw sa hagdanan papunta sa taas..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon