Ep.5

1.1K 35 1
                                    

PAG-ASA....

"Nanak pa level din ako ha.." anya ni carlo ang isa sa kaibigan ni Angelo..

Ngumisi lang ako sakanya bago tumango at bumalik ang tuon sa selpon ni Angelo na nag c-clash na...

Seryoso at tuon lamang ang atensyon ko sa selpon ng..

"Angelo my friends Agreed on battle" Blue..

Mabilis lang akong sumulyap sakanya at binalik muli ang atensyon sa laro.

Nanalo muli ang nilaro ko at mvp nanaman..

Napapalatak sa tuwa si Angelo..

"Oo ngayon ba? Kanino ka kakampi? Sa mga kasama mo o samin?" May ngisi pa sa labi ni Angelo..

Inakbayan pa ako ng binata sa balikat..

Tumingala ako kay Blue para malaman kong ano ang sasagutin nito..

"Nanak is good on this, maybe I will be with my friends" sabay tingin sa mga kasamahan nito sa likod at sulyap sakin.

Tumingin din ako.. nakita kong nakatanaw ang mga kaibigang mayayaman ni Blue kay Beth na masyadong mahiyaing nagtatago sa kalabaw..

Ng maalalang may utos si inay..

"Hala ka!! Angelo yare ako kay nanay.. magbubungkal pa ako ng luya.. aist... bad influence ka talagang ugok ka" reklamo ko..

Bumusangot si Angelo..

"Nanak isang beses lang, may pustahan kasi ito.. treat ng baon, buong school year din.. sayang.." Angelo.

Napakamot ako ng ulo..

Nakita kong nilapitan ni Beth si Violet na maarteng nakatitig saamin..

Habang si white ay busy sa kalabaw namin na pinapakain ng damo..

Napangiti ako ng makita ang cute na ngiti ni White..

"Cute" diko napigilang bigkas..

"Huh?" Si Angelo..

Napailing ako at tumingin kay Angelo..

"Isang beses lang ha.." paninigurado ko pa..

Mabilis na tumango si Angelo at sobrang sayang tinawag ang mga kasama...

Napalingon ako sa kina pupwestuhan ni Blue..

At gulat ng makitang nakatitig ito sakin..

"Hi" panimula nito..

Mabilis pumintig ng mabilis ang puso ko..

"H-hello" hindi kopa alam kung saan ko ipipirmi ang mga mata ko sa labis na kabang nadarama...

"Janus Daimon Narcosmo but everyone called me Blue and the guy who feeds on that carabao is Nataniel Daizus Narcosmo but you can call him White for short and Janiez Dell Narcosmo is my little sister's name but you can also call her Violet" sabay abot sa kamay nito sakin...

Napatingin ako doon..

"M-Ma. Natalia Aumbre Saltan naman pede ding Nanak" sabay abot doon...

Matamis itong ngumiti bago tumingin doon sa pinsan ko..

"Can I ask her name?" Tanong nito..

At doon natigil ako...

Sa mga mata palang nitong kumikinang alam na alam ko na..

Na may gusto ito sa pinsan ko..

Tipid akong ngumiti..

"Princess... Princess Leilibeth Saltan"

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon