Ep.9

930 31 0
                                    


NATHANIEL.....


"Ma'am maawa ka naman po" at tulad ng sinabi ko, kukulitin ko si miss Anna tanggalin ako sa pagiging President.

Tignan mo kanina, pina announced na lahat ng class officer sa mga rooms ay kaylangan daw mag meeting after ng class..

Diba napaka sagabal..

Bumuntong hininga mina ito, bago pagod na tumingin sakin...

"Miss Saltan my decision is final, you whether you like it or not, you are our class President.. kung hindi ka papayag ibabagsak agad kita sa unang quarter.." aniya nito..

Napatigil ako sa paglalakad...

Savay kamot ng pisngi..

"Ma'am naman ee" pagrereklamo ko.

Tumaas ang kilay nito at nakakunot na ang noo..

"Why? Are you still want to argued with this?" Tanong pa nito..

Mabilis akong umiling at ngumiti ng pilit..

"Hindi ma'am, may narealize lang ako na swerte ko pala't naging guro ko kayo hehe" pang uuto kupa..

Umiling nalamang ito bago ngumiti..

"Oh sya, go back to your room, I know your next teacher will be there in a few minutes" saad pa nito..

Mabilis akong tumango bilang sagot, habang ito ay naglakad na muli papunta kung saan...

Nakabusangot pa ako kung saan dumaan ang guro kanina..

Nang biglang maaninagan ko si White na nag iisa...

Bakas ang kaba sakanyang muka, at hindi alam kung alin ba ang patutuongan..

Mabilis akong lumapit dito para batiin..

"Nathaniel!" Tawag ko dito..

Bakas ang gulat sa mga mata nito at mabilis na namula ang mga pisngi..

"N-natalia" mahinang boses nito

Mabilis ngumisi ang mga labi ko ng marinig kong muli ang pangalan ko sa maganda nitong boses...

"Anong hinahanap mo?" Tanong ko agad dito..

At ngayon ko lamang napansin ang buhat buhat nitong mga notebook...

Madami iyon ngunit dinaman mukang mabigat ngunit kung maliligaw ito ng matagal na oras, tiyak ngangalayin ka...

"H-hindi ko kasi nakita ang section B, these books are our attendance" sagot niya..

Kumunot ang noo ko..

"Bakit di niya yan ginawa sa room nyo kanina?" Takang tanong ko...

"He was more passionate on discussion, than checking on our attendance" sagot nito..

Nagkatitigan kami saglit bago sabay na bumungisngis..

"Bat dimo ihatid sa faculty niya iyan?" Takang tanong ko..

Umiling lamang ito..

"He said,the President has to obligated to bring this in his next class" at nagkibit balikat pa ito..

At gulat na napatingin ako sakanya..

"Luh! So kaylangan ko ding ihatid yan sa next class niya!?" Taka kong tanong...

Ngumiti lamang ito bago kumibit balikat..

Bumuntong hininga nalang ako, bago kuhain ang kalahati sa dinadala nito..

"W-wait natalia.. kaya ko naman" mabilis na saad nito..

Umiling lamang ako bago ngumiti..

"Ano kaba okay lang, isa pa room ko naman ang pupuntahan mo at paroon din ako.. diko maatim na makita kang nagbubuhat ng ikaw lang nuh.. hahaha" sabay tawa ko..

Mahina din itong tumawa..

"Oo nga pala mamaya, pupunta kaba sa meeting pagkatapos ng klase?" Tanong ko dito habang naglalakad..

"Yes, you?" Tanong nito..

"Kung pwede lang humindi gagawin ko na haha" sagot ko pa..

Ngumiti naman ito sakin...

"Pwede naman" mabilis na sagot nito..

Mabilis akong humarang sa daan niya at parang batang galak na galak sa lollypop na binigay ng nanay kung makatili ako sa tuwa..

"Talaga! Pano!? Uyy nat tulungan mo naman ako please.." sabay pa cute dito..

Napatigil ito saglit bago ngumiti ng matamis..

Nagsimula muli itong naglakad at nilagpasan ako...

"Tell them that you have a  diarrhea" simpleng sagot nito...

Napalapakpak pako sa tuwa at mabilis itong sinundot sa tagiliran..

Mukang nagulat ito sa ginawa ko, dahil muntikan na nitong mabitawan ang mga notebook na bitbit...

"N-natalia.. don't do that again" babala pa nito..

Bigla ay may masamang ideya ang pumasok sa utak ko...


Lumawak ata ang pagkakangisi ko dahil sa naiisip...

At mukang nabasa ata nito ang binabalak..

Agad itong umiling at humakbang papalayo sakin...

"H-hey.. stop!" Utos nito ng makitang humahakbang nadin ako palapit sakanya...

Naka angat pa ang isa kong kamay na ipangkikiliti ko sakanya...

"Natalia!" Babala pa..

Ngunit mukang nabuhay ata ang kapilyahan ko kaya mabilis akong tumakbo para mahabol ito, na siya din namang kabilis  itong takbo...








Medyo malayo na ito sakin at malapit nakami sa room namin ng bigla nalamang ito huminto sa pagtakbo..





Mabilis kong hinawakan ang gilidan nito..

"Huli ka!" Aniya ko pa..

Ngunit gayon nalamang ang gimbal ko sa takot ng makitang halos namumutla na ang labi ni Nathaniel at namumula ang mga pisngi...

Ang hawak na notebook ay nasa sahig nadin dahil ang mga kamay nito ay nasa dibdib na nito at bahagyang hinahampas...

"N-Nathaniel?" Naibagsak ko na din ang hawak na mga libro at takot na hinawakan ang dalawang balikat...

Ngunit ang binata ay nakuha pang ngumiti bago nawalan ng malay...

"NATHANIEL!!!!"

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon