28

922 40 5
                                    


Napabuga ako ng hangin bago dahan dahang binaba ang mga librong kinuha ko sa shelves ng library sa table ko..

Makita palang ang ganitong tambak na mga basahin ay nahihilo na ako..

Isang linggo nadin ng sabihan ako ng Dean na nanay din ni Janus na kasali ako sa Quiz bee sa science..

Hyst..

Naalala ko muli nung huli naming ikwentro nila Janus..






Flashback....

"Naku! Napaka bait naman ni Dean!" Natutuwa at galak na galak na sigaw ni Beth, habang nasa loob kami ng tricycle at inaantay na makarating sa bahay ni Dean..

Napakamot ako sa pisngi ng hindi ako makapag focus sa librong binabasa ko, kaylangan kong mag advance reading dahil next week na ang Quiz bee, nauna pa sa exhibit.. sumabay pa ang practice sa pageant!
Sa basketball ay dina ako sumasama sa practice, dinaman siguro magagaling mga kalaban..

Tsk, sana lang!

"Beth, mamaya muna ako kausapin, medyo busy kasi ako" anya dito, at natahimik din sa huli..

Alam ko at ramdam kong bahagyang nagtampo ito, hindi dahil sa sinabing tumahimik ito kundi sa nalamang ako ang napili, gusto ko man tumanggi ngunit may nakakakilabot na presensya sa dean na hindi mo pwedeng tanggihan..


"Bakit ikaw lang ang napili, wag mong mamasamain naty ang akin lang mataas naman ako lagi sa science, nangunguna sa academics pasok din sa dean li-"
N

"Beth"

Kalmadong tawag ko dito, at sa pangalawang pagkakataon.. tumahimik nanaman ito..

Hindi na ito nagsalita pang muli hanggang sa makarating nakami sa bahay ni Dean..

Ngunit mukang kinain ko ata ang salitang bahay ng makita ang malaki at malaki atm-malaking..

Mansion nila Janus..

Takot, gulat kong nilingon ang gawi ng pinsan na kumikinang ang mga mata sa tuwa..

"Tara na!!" Nangigil at tuwang tuwa ni beth na yaya saakin..

Ngunit mabilis kong hinuli ang braso nito na ipinagtaka ni beth..

"B-bakit nasa bahay tayo nila Janus? H-hindi ba sa bahay dapat nila Dean tayo?" Kabang tanong ko dito..

Nanlalaki ang mga mata nito na napalitan ng pagtataka..

"Hindi mo ba alam na mommy ni Blue ang Dean?"

At doon parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa dimakapaniwalang pahayag lamang..


End of flashback...


Napabuntong hininga ako at napatakpan ang mga palad sa muka..

Ng araw na iyon ay halos pag pawisan ako ng malapot sa kaba, ngunit hindi naman nagpakita si Janus sa amin na ikinabusangot ni Beth noon..

At nagpaparamdam sakin ng kung anong lungkot na di rin ito makita, dahil sa school ay hindi ko na din ito nakikita, minsan kapag nag papractise ako sa pageant ay makikita ko ito kasama si beth na masayang naguusap..

Ano ang meron sakanila?

Hyst.. ano namang pakielam ko!

"Malalim ata ang iniisip mo?"

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon