chapter 1

43.1K 741 77
                                    

Hell University 🔥
Isang tagong paaralan na hindi saklaw ng gobyerno.
Kung saan legal ang pagpatay.
Maraming sikreto ang nakakubli.
Palaging may mali sa bawat kwento.
"ONCE YOU ENTER, THERE'S NO TURNING BACK"
Never let your curiosity to drive your own body.
- Welcome to Hell -
Chapter 1
Warning: May mga maseselang pangyayari ang maaring makita nyo sa kwentong ito. Huminga ng malalim at sabay-sabay nating pasukin ang Hell School.
CHAPTER 1 : Welcome to Hell
Zein's Point of View
Hindi ako mapakali sa pagkamot sa aking binti. Naka maikli akong short na laging nadadaplisan ng mga damo sa paligid. Maputik na rin ang rubber shoes ko.
"Sigurado ba kayong dito ang daan? Sabihin nyo lang kung naliligaw na tayo ah? Para naman hindi ako mabigla." Inis na sambit ko.
"Pwede ba, Zein? Tumahimik ka? Kanina ka pa angal ng angal eh wala ka namang naitutulong."
Inirapan ko na lang si Mia na busy sa pagturo sa direksyon. Siya kasi ang may hawak ng mapa na napulot nya sa kung saan.
"Masyadong matalahib. Mag-ingat na lang kayo baka may ahas sa paligid." Sambit ni Dave.
"Salamat sa pananakot, Dave." Sambit ni Vanessa na may hawak na stick.
"Sshh. Mas mapapagod lang kayo kung magdadada kayo." Suway ni Jerome na nauuna sa aming maglakad.
"Malapit na tayo. Konting tiis na lang." Pagpapainahon sa amin ni Matt.
Halos mapamura ako ng may putik na dumikit sa aking hita. Sinamaan ko si Vanessa dahil sa hawak nyang stick.
Natawa na lang sya bago tumabi kay Mia. Hindi man lang humingi ng sorry.
Papunta kami ngayon sa Hell University sa gitna ng kagubatan. Isn't it amazing? Haha. May napulot kasi si Mia na mapa at syempre, barkada kami na mahilig sa adventure, heto kami ngayon, papunta na roon.
"Aray!"
Nasubsob ako sa likod ni Matt nang bigla siyang huminto. Ngayon ko lang napansin na huminto pala silang lahat.
Nalaglag ang panga ko nang makita kung ano ang tinitignan nila. Isang lumang gate na sobrang laki at kinakalawang na. Sa gitna ay may nakalagay na Hell University na nakasulat sa parang dugo. Creepy.
"Heto na ba 'yon?" Tanong ni Jerome. Halos umikot ang mata ko. Isn't it obvious, Jerome?
"I think ito na nga." Sambit ni Mia.
"Anong ginagawa nyo rito?!"
Humawak ako sa damit ni Matt dahil sa takot sa biglaang pagsulpot ng isang mama na may dalang itak. Gosh!
"Eto na po ba ang Hell University? We want to enroll." Ani Mia.
Sumilay sa tuyong labi ng mama ang isang ngisi. Shit! Parang ayoko na.
"Sundan nyo ako." Nauna na syang naglakad sa amin.
Humawak ako sa braso ni Vanessa na excited na. Bakas sa mukha nila ang excitement habang ako ay natatakot. Psh.
"I think. It's a bad idea, Van." Bulong ko kay Vanessa.
"You think so? But I don't think so."
Hindi ako makapaniwala pagpasok namin. Bumungad sa amin ang mga estudyanteng tahimik na nag-uusap. Iyong iba ay umiiyak.
"You must be registered first." Sambit ng mama.
Hindi ko matanggal ang tingin sa mga estudyante. Iyong iba ay matalim na titig ang ipinupukol sa amin. Tapos 'yong iba ay nakangisi. Shet! Creepy.
"It will be exciting." Bulong ni Jerome na kinikindatan ang mga babae.
Parang napakasikip ng lugar na ito gayong napakalawak nito. Hell University. Napatakip ako sa aking bibig nang biglaang magtakbuhan ang mga estudyante.
"Anong meron?" Tanong ni Vanessa.
"Riot. Huwag nyo na lang pansinin." Pag-epal ng mama.
"Riot? Eh bakit parang walang pumipigil sa kanila? Ikaw? Bakit andito ka pa rin?" Tanong ni Dave.
Huminto kami sa isang pintuan. Humarap sa amin ang mama na hindi na natanggal ang ngisi sa labi.
"Lahat ng tanong nyo ay masasagot din. Hali kayo."
Pumasok kami sa loob ng kwarto at sinalubong kami ng isang babaeng naka upo sa swivel chair. Sinenyasan nya kami na maupo na syang ginawa namin.
Ang maputik na sahig ay lalong pumutik dahil sa mga sapatos naming nababalot ng putik. Hindi ba sila marunong maglinis? Tsk.
"So, Good Morning newbies. I am Madame Violet, HU's Headmistress. Please, fill up the forms." Inabutan kami ng mama ng mga forms.
Habang pumi-fill up ako ay sinusulyapan ko rin si Madame at iyong mama na nakangisi sa amin. Nanuyo ang lalamunan ko kaya ibinalik ko na lang sa form ang aking atensyon.
"Welcome to Hell University!" Sabay na humalakhak si Madame at ang mama.
"Thanks. Uhmm. How much is the tuition fee?" Tanong ni Mia.
"I am a scholar of the Governor, I brought all my documents." Sambit ni Vanessa.
Nagkatitigan si Madame at Mama sabay natawa. Gosh! Bakit parang ang weird nila?
"It's free. Lahat ay libre."
Natuwa naman si Vanessa at Mia na nag-apir pa habang sina Matt, Jerome at Dave ay nakangisi lang.
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon