60 finale

9.9K 511 81
                                    

🔥🔥🔥HELL UNIVERSITY🔥🔥🔥
----------(The ending...)----------
*
*
Epilogue...
.
.
.
Mr. Razon's Point of View
Nakakatuwa ang klase ng pag-iibigan ng dalawa. Hindi pangkaraniwan at hindi maikukumpara sa iba. Pero ang mas nakakatuwa ay umusbong ito sa lugar kung saan ang pag-ibig ay isang pagpapakamatay.
Kung buhay lang siguro si Mr. Valdez ay matutuwa 'yon dahil sa kanyang bunso at alam kong hindi nya hahayaang may mangyaring ganito.
Nakatingin ako sa dalawang incubator kung saan nakahimlay silang dalawa. Hindi kakayanin ni Zein pero isinugal nya ang buhay nya.
Napatingin ako sa mga kaibigan nyang tulala. Mga totoong kaibigan na naging sandalan nya sa lugar na ito. Nakakabilib na hanggang sa huli ay magkakasama pa rin sila. All I can say is it is indeed a true friendship.
"Kakayanin ba ni Zein?" Tanong sa akin ni Raze.
Napatingin ako kay Miss Shion na walang malay.
"Hindi ako sigurado."
"Then, stop it." Natigilan ako sa sinabi nya.
Matapang na sinalubong ko ang kanyang mga titig.
"What do you mean?"
"Ayokong maging si Zein ay mapahama-"
"Shut up." Natigilan si Raze nang marinig ang madiing wika ni Matthew.
Napatingin sa kanya si Raze.
"Hindi kakayanin n-"
"Hindi nya magugustuhan ang nais mong mangyari. Kilala ko si Zein..." Tumagos ang titig nito kay Zein. "Kaya nyang ibigay maging ang kanyang buhay para sa isang taong importante sa kanya..." Napangiti ito ng mapait. "Hindi lang importante sa kanya si Supremo... Masasabi kong siya ang buhay nito." Dugtong pa nito.
Kinain kami ng katahimikan matapos nila magsagutan. Hindi na rin nagsalita pa si Raze.
Nilapitan ko si Ace. Taimtim ko itong tinitigan nang may mapansin akong nagpakunot ng noo ko. Muli ko itong pinagmasdan. Napangiti ako bago mabilis na pinindot ang stop button.
"Anong nangyari?!"
Bumukas ang mga incubator at mabilis kong hinawakan ang pulsuan ni Ace. Napangiti ako.
"Humihinga pa si Ace..." Wika ko. "Hindi magiging matagumpay ang operasyon na ito dahil hindi sya namatay. Buhay sya." Masaya kong wika.
Walang kwenta ang formula at dugo ni Zein dahil buhay si Supremo Ace.
Nakakamangha! Akala ko patay na sya kanina dahil hindi ko maramdaman ang pulso nya ngunit ngayon ay naramdaman ko na ito. Lumalaban sya... Lumabanan sya sa kamatayan.
Ace Craige...
"Anong gagawin natin?"
"Kailangan nyang masalinan ng dugo..." Napatingin ako kay Raze na nakangiti. Mabilis na ibinigay nya sa akin ang kanyang braso.
"Kunin mo ang dugo ko... Kalahati lang ah? Gusto ko pang mabuhay at mahanap ang forever ko."
Binalot kami ng tawanan... Malaki ang posibilidad na makaligtas ang dalawa dahil pareho silang lumalaban. Isa lang ang ibig sabihin nito.
Hindi pa natatapos dito ang pag-iibigan nila...
----
After one month...
Allison's Point of View
Tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ng lamesa ko. Isang hindi familiar na numero ang nakaflash sa screen.
I answered the call 'coz I talk to strangers.
"Yes?"
"I didn't ask a question yet. What's with yes?"
Napasandal ako sa swivel chair. Napahawak ako sa table ko nang marinig ang boses nyang tunog daga.
"New number?" I asked.
"Because you've blocked my sim for the 9th time."
Napapoker face na lang ako. He is really a jerk. "What do you want Mr. Red Eye?" I asked.
I am thinking of changing my simcard instead. Pero alam kong gagawa pa rin sya ng paraan. UGH! He is so annoying as fuck!
"Are you going?"
Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kung ano ang ibig nyang sabihin. Napatingin ako sa wall clock.
Psh.
"Ano naman sa'yo?"
"Pupunta ako kung naro'n ka pero kung wala baka dyan sa office nyo na lang ang bagsak ko."
"Fuck you."
Mabilis na kinuha ko ang susi sa aking bulsa at inayos ang mga gamit kong nakakalat sa lamesa.
"The pleasure is mine."
"I have to g-"
"I have a question."
Mabilis na naglakad ako palabas ng building ignoring my boss. Dinig kong tinatawag nya ako pero hindi ako nag-abalang lingunin ito. Well, kailan pa ba ako nakinig sa kanya?
"Wala akong panahon sa tanong mo."
"Wouldn't it be a sin if I stole your heart?"
Napangiwi ako sa tanong nya. This jerk is really something I can't explain. I hate annoying people but I don't know what's with this jerk that I can still talk to him over a minute.
Ngumisi ako na parang makikita nya ako. "Not really... Just a perfect crime, baby." I ended the call.
That Raze Silvenia is a total jerk.
Sumakay na ako sa motor ko mabilis itong pinaharurot.
----
Matthew's Point of View
Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin. Ngumiti ako nang mapagtanto ko kung gaano ako kagwapo.
"Matt!"
Mabilis na bumaba ako nang marinig ang boses ni Daddy sa baba. Halos takbuhin ko na ang hagdan pero napahinto ako nang madatnan kong may kasamang babae si Daddy. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko makita ang itsura ng babae.
Wala na akong mommy kaya sino ang babaeng ito?
"Dad... Kailan pa?" Naiiyak kong wika. "Akala ko si Mommy lang? Pero bakit? Bakit mo-" Nalaglag ang panga ko nang humarap sila sa akin.
"A-Angel?"
"Anong pinagsasabi mong bata ka?" Nakakunot noong tanong ni Daddy sa akin. "May naghahanap sa'yo." Wika pa nito.
"Tawagin mo na lang ako 'pag tapos na kayo... Dalian nyong mag-usap ah? Baka malate tayo."
Iniwan kaming dalawa ni Daddy kaya inaya ko na munang maupo si Angel na nakangiti.
"Drink?"
"No.. I'm okey."
Tumango na lang ako at ang awkward hindi ko alam kung bakit. Ano ba kasing kailangan nya?
"Ang gwapo mo talaga..."
Napaiwas ako ng tingin... Ano daw? Tsk.
"S-Salamat..."
"Papunta na ba kayo?" Tanong nito.
Ngayon ko lang napansin na nakaayos din pala sya gaya ko.
"Oo... Ikaw lang ba?"
"Hindi... Nauna na si Mommy don."
Gusto kong magtanong kung anong ginagawa nya rito at kung anong kailangan nya pero sa tingin ko ay hindi magandang itanong ang mga 'yon.
"G-Gusto ko lang sabihin na... Matt... May crush kasi ako sa'yo."
Napalunok ako.
"Ah? Talaga? Hehe..." Napakamot ako sa batok ko at hindi alam kung ano ba ang dapat isagot doon. "Salamat.." Tangina! Anonh sabi ko? Salamat? Wew.
"Ang cute mo... Tara na, baka malate pa tayo."
Tumango na lang ako at tinawag na si Daddy. Sumabay na sa amin si Angel. Ang awkward talaga pero parang wala lang sa kanya.
Nagkwentuhan pa sila ni Daddy tungkol sa naging buhay nya sa loob ng Hell University. Tuwang-tuwa naman si Daddy at bilib na bilib sa kanya.
Psh. Ako nga nasapak pa ni Daddy e.
---
Dave's Point of View
Huminga ako ng malalim bago pinindot ang door bell. Inayos ko ang damit ko at ang bulaklak na dala ko.
Bumungad sa akin ang kasambahay nila Mia.
"Ikaw pala, Dave."
"Si Mia ho?"
"Nasa kwarto, nag-aayos pa ng sarili... Halika pumasok ka."
Iginaya nya ako sa salas nila. Inalok nya ako ng inumin pero umiling ako. Umupo muna ako sa sofa habang hinihintay ang pagbaba nya.
Pinagmasdan ko ang itsura ko sa katabi kong salamin.
"Gwapo naman ako... Sabi nya." Parang baliw na wika ko sa sarili ko.
"Dave?"
Napatayo ako sa gulat na nasa harap ko na pala si Mia. Namilog ang mata ko sa istura nito. Namula ako sa hiya nang bumagsak ang mata nya sa hawak kong bulaklak.
"Para kanino 'yan?"
Nataranta ako. Shit! Kahit na anong gawin kong paghahanda ay natatameme ako kapag nasa harap na nya ako.
"Dave?!"
"Ah? Ito?" Kumamot ako sa ulo ko. "Sayo na lang, gusto mo?" Alok ko.
Wala na! Nasira na ang pinaghirapan ko. Ibibigay ko sana sa kanya ang bulaklak na ito at hihingi ako ng permiso para manligaw. Di bale... sa susunod na lang siguro.
"Wow! Salamat Mr. Detective."
Natawa ako sa sinabi nya. Tinawag nya akong detective dahil ako ang kauna-unahan sa aming nakatuklas na myembro ng BBG si Matt at si Jerome naman ay sa DGW.
Tuwing gabi ay lumalabas din ako para subaybayan sila. Binabantayan ko ang bawat kilos nila ng tahimik dahil alam kong alam nila kung ano pinasok nila. Nag-ala detective ako.
"Tara na?" Aya nya.
Tumango naman ako. Ipinatong nya sa lamesa ang bulaklak na ibinigay ko.
Sayang...
"Sila Zein? Papunta na ba?"
"Ewan... Baka."
Tumango na lang ako at sabay kaming pumunta sa lugar kung saan nag-umpisa ang lahat.
---
Zein's Point of View
Maraming nangyari sa loob ng ilang buwan pero walang-wala ito sa mga nangyari sa loob ng isang taon sa loob ng Hell University.
"Baby Z? Papunta na rin daw ang mga kaibigan mo."
Tumango na lang ako kay Mommy dahil wala akong gana. Hindi ko alam pero hindi ako excited na grumaduate.
"Zein? Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Daddy.
Tumango na lang ako at ibinalin sa labas ang tingin. Napatingin ako sa malayo kung saan tanaw na tanaw ko na ang pangalan ng Hell University na parang nakasulat gamit ang dugo.
Napangiti ako nang maalala ang lahat. Lahat na nag-umpisa dahil sa katangahan namin. Nanginig ang labi ko kaya minabuting ibalin ko na lang kina Mommy at Daddy ang tingin ko.
"Si Ate? Makakapunta ba?"
"Sabi nya oo raw." Sagot ni Daddy.
Huminto kami at naunang lumabas sina Mommy at Daddy ng kotse. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas.
Napapikit ako nang manumbalik lahat ng alaalal sa lugar na ito. Hindi ko inakalang makakabalik pa ako rito.
It's good to be back here... Hell University.
"Zein!"
Napalingon ako kay Vanessa na kumakaway sa akin. Nagmano sya kina mommy at daddy bago nagpaalam ang parents ko na mauuna na sa gymnasium.
"Hindi mo kasama si Jerome?"
"Andon... Kasama nila Matt."
Tumango na lang ako at iniwasan ang mga mapanuring mata nya. Alam ko kung bakit ganito sya makatingin.
"Everything will be alright..." Bulong nya.
Ngumiti na lang ako kahit na halatang pilit.
Sana nga...
Pagkarating namin sa Gymnasium ay nakasalubong namin sina Jerome, Dave at Mia.
Nakakatuwa na napakaraming pagsubok na dumaan sa amin na sinubok ang katapatan namin sa isa't-isa pero sa huli ay sama-sama pa rin kami. Walang bumitaw.
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob.
Nginitian ko si Vice Ty nang makasalubong namin sya.
"Kamusta?" Bati nya.
"She's ok."
Kumunot ang noo ko at sinamaan ng tingin si Maty dahil sya ang sumagot. Ramdam ko rin ang galit sa tono ni Matt.
Napatikhim naman si Vice Ty.
"M-Mabuti naman kung ganon."
"Maaari na ba kaming magpatuloy o baka gusto mong paluhirin kitang muli sa harap ni Zein."
Hinila na ako ni Matt palayo roon. Mabilis na pinalo ko sya sa braso nang maintindihan ang ibig nyang sabihin.
"Ikaw ang nanakot sa kanya kaya sya lumuhod sa harap ko no'n?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Siya pala ang nanakot kay Vice Ty kaya bigla na lang itong lumuhod sa harap ko at humingi ng tawad.
"Buti nga 'yon lang pinagawa ko sa kanya dahil sa pananakit nya sa'yo." Humalakhak ito ng malakas.
Napailing na lang ako.
"Nagkakasiyahan yata kayo?"
Hindi namin nalamayan na nasa harap na pala namin sina Nicky at Nazzer. Bumagsak ang mata ko sa magkahawak nilang kamay.
Napangiti ako.
Namula si Nicky nang makita nyang nakatingin kaming dalawa ni Matt sa magkahawak nilang kamay.
Pinilit bawiin ni Nicky ang kamay nya ngunit mas hinigpitan ito ni Nazzer na nakangiti sa amin.
"Nice to see you again... We have to go, excuse us." Nagmamadaling wika nito.
Mabilis na nawala sila sa harap namin. Nagkatitigan kami ni Matt at nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko.
"Just a friendly holding hands... Walang malisya. Promise!" Itinaas pa nito ang kanang kamay nya na ikinatawa ko.
Hinayaan ko na lang syang hawakan ang kamay ko. Wala namang malisya at walang awkward na pakiramdam.
Nakakailang hakbang pa lang kami nang harangin kami nila Angel at Roxane.
Mabilis na pumagitna sa amin si Angel at hinila naman ako ni Roxane. Ipinulupot nya ang braso nya sa braso ko at pinagdikit kami.
"Bff... I miss you so much."
"Eww..."
Pinilit kong bawiin ang braso ko ngunit mas hinigpitan nya pa ito. Ayoko sa way ng pagiging friendly ni Roxane. Nakakasakal at nakakasuka.
Nagulat ako nang harangin kami ni Ate Allison.
"Maari ko bang hiramin ang kapatid ko?"
Napalunok si Roxane. "Share na lang tayo." Sagot naman nito ngunit mabilis na hinila ako ni Ate.
Bakit ba kanina pa ako hinihila? Baka bago matapos ang araw na ito pilay na ako.
"I don't share, sorry." Hinila na akong muli ni Ate palayo roon. "Kayo na ba ni Matt?" Tanong nito.
Nagulat ako sa tanong sa akin ni Ate. Ilang beses ko ng sinabing kaibigan lang ang turing ko kay Matt at hanggang doon lang iyon. Tanggap na ni Matt ngunit hindi pa ni Ate. Botong-boto sya kay Matt lalo na't alam nyang crush ko ito pero iba na ngayon... marami ng nagbago.
"Ate..."
"Mas gusto ko si Matt kesa kay... Ano ngang pangalan no'n?"
Napailing na lang ako dahil alam kong naaalala nya pa ang pangalan ng lalaking patuloy kong minamahal pero nagkukunwari lang syang nakalimutan ito.
"Ace..."
Saktong pagkabigkas ko no'n ay naaninag ko si Ace kasama si Raze.
Parang tumalon ang puso ko at gustuhin ko mang tumakbo para yakapin sya ay alam kong hindi pwede. Hindi nya gustong lumalapit ako sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero matapos ang lahat ng nangyari ay iniwasan nya ako.
Nasaktan ako dahil bigla na lang syang umiwas ng hindi man lang nagsasabi ng dahilan.
Iniwasan nya ako ng walang dahilan...
Nanginig ang labi ko kaya aktong aalis na ako nang hilain ako ni Ate papunta sa kanila. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit binalewala nya lang 'yon.
"You!" Duro nya kay Ace na poker face lang. Wala itong salamin at mukhang wala na syang balak suotin 'yon. "Ginayuma mo ba ang kapatid ko?!" Sigaw pa nito.
"Ate..."
"I didn't..." Halos manlambot ako sa lamig ng boses nito.
Hindi ko marinig ang lalaking minahal ko na mas nagpasakit sa nararamdaman ko.
Ano bang nangyari sa atin? Ayos pa naman tayo sa pagkakaalam ko ah.
"Baby..."
Napatingin ako kay Raze na nakangiti kay Ate. Natuwa ako ng makita si Hoy na nasa balikat nya pero napangiwi ako nang snobin ako nito.
Ganon?! Matapos kitang kupkupin at alagaan ngayong nakita mo na ang amo mo bigla na ka lang aalis?! Pare-pareho lang kayo! Bigla na lang iiwas!
"Andyan ka pala... Hindi ko napansin."
"Kanina pa...Ahmm, baby? I want you to meet my cat... Dark."
Humalakhak si Raze.
So, Dark pala ang pangalan ni Hoy? Uhm!
Napatingin ako kay Ace na nahuli kong nakatingin sa akin. Mabilis na nag-iwas ito ng tingin.
Napangiti ako nang magbanta na ang mga luha ko. Tumalikod na ako at pumunta kina Mommy.
Bakit Ace? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo naman para hindi ako nagmumukhang tangang nag-iisip ng mga dahilan.
Nag-umpisa na ang program ngunit nasa malayo ang diwa ko. Hanggang ngayon patuloy mo pa ring ginugulo ang isip ko.
"The new set of Highest 10..."
Napatingin ako sa stage kung nasan naroon si Teacher Kath na may hawak na papel. Siya ang emcee.
"On the first place and definitely the highest among the rest..." Tumigil ang tingin nito kay Raze. "Raze Silvenia." Wika nito.
Pumalakpak kami. Pumunta ito sa harap at kinindatan si Ate na nagtaas lang ng kilay.
"May gusto kabang sabihin?" Tanong sa kanya ni Teacher Kath.
Inabot naman ni Raze ang mic.
"Congratulations!" Wika nito sa amin.
Graduate na sina Ace at Raze ng high school at dahil walang college na available dito ay nahinto sila ng pag-aaral pero siguro magpapatuloy sila ng college ngayong malaya na silang muli.
"And... Baby, I will do everything to stole your heart and if it's a crime... arrest me now."
Nagsigawan ang lahat. Napangiti ako nang biglang magwalk out si Ate Allison. I smell something... uhmm bad? Geez.
"On the second rank is the Supreme Student Government President... Ace Craige."
Pinanuod ko syang umakyat sa stage. Wala ka pa ring makikitang emosyon sa kanyang mukha.
I miss him so bad. Shit!
"Congratulations to all of you... Alam kong hindi naging madali para sa inyo ang mga nagdaang taon kaya hinahangaan ko kayo... Job well done... You survived... You did it..." Napatingin sya sa akin. "Mahal ko kayo..." Wika nito.
Nagpalakpakan ang lahat.
"On the third rank is Matthew Hart. The King of Hell University."
Kumunot ang noo ko nang umakyat si Matt na nakakapit sa kanyang braso si Angel. Eh?
Nagtawanan ang crowds... Tumanggi itong magbigay ng salita kaya tinawag na ang susunod.
"On the 4th rank is the Queen of Hell University and the Supreme Student Government Secretary."
Tumayo na ako at nagmartsa papunta sa stage. Nginitian ako ni Teacher Kath.
"Congratulation..." Wika niya sa akin.
Ngumiti na lang ako at inabot ang mic.
Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng mga estudyante at ng kanilang mga kasama.
"Hell University... Pangalan pa lang ng paaralan nakakacurious na agad." Panimula ko. "Curiousity? Nakakatuwa na ito ang nagdala sa amin sa lugar na ito. We love adventure but I must say... Ito ang pinaka nagustuhan at minahal ko." Wika ko pa.
Napangiti ako nang magbalik lahat ng alala ng nakaraan. Nakaraan na dahilan kung ano at sino kami ngayon.
"Hell University is literally a hell and... Out of this world?" Natatawa kong wika." Seriously? Anong matinong school ba naman ang may bloody night kung kailan legal ang pagpatay? Nakakabaliw..." Dugtong ko pa.
"Pero dahil sa lugar na ito, mas naging mahigpit ang pagkakaibigan namin, ang tiwala namin sa isa't-isa." Isa-isa kong tinitigan ang mga kaibigan kong nakangiti sa akin. "Natutunan ko sa lugar na ito na ang tiwala ay hindi basta-basta ibinibigay at hindi napupulot sa kung saan lang. Hindi masamang magtiwala, ang masama... sa maling tao." Napapikit ako nang maalala ang taong iyon.
Pero hindi ko naman siya masisisi. Isa siyang ama, gagawin nya ang lahat para sa anak nya, nakakalungkot lang na sa ganong paraan pa.
"Napakaraming masamang karansanan ang naranasan ko sa loob nito. Naranasan kung masampal at mabugbog na halos ikamatay ko."
Napatingin ako kina Roxane at Angel na nag-iwas ng tingin.
"Pero may mabuti naman at ang pinaka pinasasalamatan ko sa lugar na ito ay siya... Ang taong nagturo at nagparamdam sa akin kung gaano kasarap ang magmahal. Siya ang dahilan kung bakit kaya kong pumatay nang hindi nag-aalinlangan. Siya ang dahilan kung bakit maging ang sarili ko ay handa kong saktan at dayain. Maraming naging hadlang at humantong sa pagsuko... Yes, sumuko ako pero sa huli... Sa kanya pa rin ang bagsak ko. Kung sino ka man... mahal na mahal kita."
Nangilid na ang luha ko kaya minabuting ibigay ko na kay Teacher Kath ang mic. Bumaba na ako at nilagpasan ng tingin si Ace.
Hindi ko na naintindihan ang lahat basta nasa pang-anim si Jerome.
Natapos ang graduation ng gabi na. Wala ng Hell University dahil ipinasara na ang lugar na ito.
"Saan?" Tanong ko kay Matt nang yayain nya ako.
"Heaven."
Pinalo ko sya sa braso na ikinatawa nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila.
Namalayan ko na lang na nakatayo na kami sa hindi kalayuan ay matatanaw ang isang lalaking nakasandal sa kotse.
Kumalabog ang puso ko...
"Enjoy..." Bulong sa akin ni Matt bago ako iniwan.
Halos mawalan ako ng hininga ng magkatitigan kami ni Supremo.
----
Supremo Ace's Point of View
Hindi ko maalis sa kanya ang titig ko. I want to hug her.
Nanatili syang nakatayo at hindi gumalaw. Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil madilim na.
Nag-umpisa na akong maglakad palapit sa kanya pero nang malapit na ako ay tumalikod ito at naglakad palayo.
Shit!
Mabilis na hinabol ko ito at hinawakan sa braso. Hindi ako nag-aksaya ng segundo para yakapin sya. Narinig ko ang mahinang paghikbi nya at pagpalo sa likod.
"I hate you..."
Napangiti ako. "I thought you love me?" Tanong ko.
"I do but... I hate you now."
Natawa ako at kumawala sa pagkakayakap. Hinawakan ko ang pisngi nyang basa ng luha at pinunasan 'yon gamit ang kamay ko.
"I am sorry..."
"Bakit?"
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Natakot ako..." Panimula ko na ikinatawa nya.
"Ikaw? Matatakot? Sa pagkakaalam ko sa pusa ka lang takot."
Natawa ako kahit na nainsulto ako. Eh sa takot ako sa mabalahibo eh! Hindi ko naman kasalanan na takot ako sa pusa.
"Takot ako sa pusa pero mas takot akong mawala ka..." Sinimangutan nya ako na ikinatawa ko. "Iniwasan kita kasi natakot ako... natakot ako sa ginawa mo." Wika ko.
Kumunot ang noo nito.
"Hindi mo kailangang ilagay sa panganib ang buhay mo mailigtas lang ako."
Totoong natakot sa ginawa ni Zein. Ayokong dahil sa akin ay mapamahak sya.
"So, ganon? Ikaw lang ang may karapatang magsakripisyo?" Natigilan ako nang hawakan nya ang mukha ko. "Handa akong mamatay para sa'yo." Wika nito.
Natigilan ako at pinilit na hindi ngumiti kahit na sobrang kilig na ang nararamdaman ko. Ganito naman ako eh, konting kilos nya lang kinikilig na ako.
"Come with me..." Hinawakan ko ang kamay nya ngunit tinabig nya ito.
"May kasalanan ka pa sa akin... Why did you kissed Angel?"
Kumunot ang noo ko bago naaalala ang nangyari nong isang gabi. Masyado akong wasak, hindi ko alam kung buhay pa ako o patay na. Lasing ako at saktong nakita ko si Angel. Nagulat ako nang halikan nya ako pero hindi ko alam na nakita pala 'yon ni Zein.
"Zei-"
"Ok lang. Alam ko naman na ako lang ang mahal mo e at saka uhmm... pantay lang tayo." Wika nya.
Magtatanong pa sana ako pero nauna na syang pumasok sa kotse.
Anong ibig sabihin nyang pantay lang kami?
"Kaninong kotse 'to?" Tanong nya pagkapasok ko sa loob.
"Sa boyfriend mo."
Sandali itong natigilan na ikinatawa ko. Kahit na kailan may pagkaslow talaga sya.
Binuksan ko na langa ng radio at saktong ang kanta ay Passenger Seat.
Pinagmasdan ko sya sa tabi ko. Napangiti ako sa sobrang saya na kasama ko pa rin sya hanggang ngayon.
"I love you..."
Napatingin siya sa akin.
"I know." Sagot nito na ikinatawa ko.
"It should be I love you too."
"Yes, I know."
Napanguso na lang ako. Kahit kailan napakapilosopo talaga nito.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.
"Mahal na mahal din kita."
Tangina! Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig.
"Isa pa nga..."
"Mahal na mahal kita Ace Craige! Supremo ng buhay ko."
Nagulat ako nang halikan nya ako sa pisngi. Napangiti ako dahil mamaya ay hindi na sa pisngi ang halik mo.
Pinark ko ang kotse ko at sabay kaming bumaba.
"Dagat?"
Hinawakan ko ang kamay nya at iginaya syang maupo sa mapinong lupa. Mas romantic sana kung masasaksihan namin ang paglubog ng araw pero gabi na. Di bale, basta kasama ko sya.
Iniharap ko sya sa akin at tinitigan ang kanyang mukha. Kahit na habang buhay ko syang titigan ay hindi ako magsasawa.
"Mula ngayon, hindi ka na lalayo sa akin. Wala na tayo sa Hell University, nasa labas na tayo. Mas maraming lalaki dito."
Tumawa ito pero seryoso ako.
"Tandaan mo, Supremo. Walang bloody night dito. Makukulong ka."
"I don't care. Makakapatay ako kapag may lumapit sa'yong lalaki. Hindi ako nagbibiro." Seryosong wika ko.
Ngumiti ito. "Oo na. Kahit naman lumapit sila ikaw lang naman eh. Ikaw at ikaw pa rin... maliban na lang kung ikaw na mismo ang magtaboy sa akin." Sagot niya.
"That would never happen." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Ako lang ang maaaring mahalin mo... Ako lang Zein. You are not allowed to love another man. It's only me or no one." Hinawakan ko ang pisngi nya. "And this is an order from the highest Supreme Student Government..." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Darling, you can't do anything about it." Wika ko bago ipinaglapat ang aming mga labi.
Napapikit ako sa sobrang saya.
Hindi ko inakalang magmamahal ako ng ganito. Hindi ko inakalang sa lugar na 'yon ko matatagpuan ang babaeng pag-aalayan ko ng buhay ko. Hindi ko inakalang magtatagpo kami sa lugar na 'yon. Sa lugar na kung tawagin ay.... Hell University.
The end...

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon