chapter 2

13.3K 320 7
                                    

⏩Hell University 🔥⏪
Chapter 2: Pako
Zein's Point of View
Pagkagising namin ay agad na tinungo namin ang Headmistress na si Madame Violet.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangising tanong nya. Pinaglaruan nya ang ball pen na hawak nya at paulit-ulit na ipinukpok sa lamesa.
Naka black pa rin itong damit. Maging ang kanyang labi at kuko ay kulay itim. Black lady ata 'to.
"Good Morning Madame Violet. Gusto na po naming umalis dito sa school." Sambit ni Vanessa sa magalang na tono.
Tumaas ang kilay nya at mayamaya'y humagalpak sa kakatawa. Tumayo ito at humalukipkip sa harap namin.
"Bakit? Anong problema? Akala ko ba COOL?" Tanong niya.
"This school is a complete mess! Walang kwenta! How come hindi naipapasara ang school na ito?!" Hindi ko na napigilan ang bibig ko.
"Easy Miss Zein Shion, Hell University is an independent school. Hindi ito saklaw ng gobyerno at hindi nila ito maaring pakialaman."
"How come?! Basta! Lead us the way nang makaalis na kami sa pesteng school na ito!" Sabi ni Dave.
Tumalim ang titig sa amin ni Madame. That pure intimidating black eye was penetrating our souls. Sino ba sya?
"We have a motto here. Once you enter, there's no turning back." Mahina itong tumawa.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi na kami makakaalis? No way! Hindi kami ligtas sa lugar na ito! All students here are evil! Nakakatakot sila at sigurado akong kapag nagtagal kami rito ay maaring mapahamak kami.
"What do you mean?!" Galit na tanong ni Mia.
Pinaglaruan ni Madame Violet ang tip ng buhok nya bago umupo sa swivel chair at pinaikot ito. Napaiwas ako ng tingin dahil nakakahilo ang ginagawa nya. Iniinis nya talaga kami at hindi sineseryoso. Damn.
"We are not joking here! Lead us the way!" Utos ni Matt.
"Nah. Pumasok kayo rito. Walang pumilit sa inyo. All you have to do now is..... panindigan nyo!"
Tumayo si Jerome at hinampas ang desk ni Madame na lumikha nang nakakabinging tunog.
"Bullshit! Aalis kami rito! Makakahanap kami ng daan! Isusuplong namin kayo sa mga pulis!" Nagtatangis ang bagang na sambit ni Jerome.
Lumapit sa kanya si Vanessa para pakalmahin ito.
"Go Mr.Jerome Marquez. Find the way out if there is. Walang pumipigil sa iyo." Natatawang sambit ni Madame.
Naningkit ang mata ko. Pinaglalaruan nya ba kami? Iniinis nya ba talaga kami? Anong pinaplano nya? Seryoso ba sya? UGH!
"Anyway, Here's your uniform. Together with your schedule."
Tinapunan lamang namin ng tingin ang mga inilabas nyang plastic na may pangalan namin.
"Wait. Kailangan pa ba naming mag-aral? May ituturo ba kayo sa amin na lessons? O patayan lang ang alam nyo?" Tanong ni Vanessa sa isang sarkastikong tono.
Sumusumpong na naman ang pagkamaldita nya. Well, hindi ko sya masisisi. This woman is really weird, nakakainis ang ngisi nya.
"Hell University is still a school. We have lots of teachers. Pili lang ang mga guro rito na pumapasa sa amin, kaya I assure you na marami kayong matututunan here over the other school. Magagaling lahat sila." Aniya.
Unti-unting nagsink-in sa akin na ang Hell University ay literal na hell, when it comes on their one and only rule. Mukhang nagsasabi si Madame Violet ng totoo but still I am not convince na mag-aral dito. No way.
"Whoa! May mga teacher na gusto paring magturo rito despite of danger? Amazing!" Sarkastikong tugon ni Matt.
"Ipagpalagay na lang natin na hindi rin normal ang sahod nila. Hindi lang doble o triple ang perang natatanggap nila. Enough for the discussion. Go to your respective classes now and wear your uniform. Baka mahuli kayo ng President. Sigurado akong, hindi nyo magugustuhan ang parusa."
Wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Andito na kami ngayon sa cr at nagbibihis. Iyong mga boys ay nauna na dahil magkaiba kami ng schedule.
"I must say ang cute ng uniform nila." Puri ni Mia sa mini skirt na suot namin.
Nagtali sila ng buhok habang ako ay nakalugay lang.
Natigilan kami sa pagdadaldalan nang pumasok ang isang babaeng matangkad, I mean mas matangkad sa akin ng konti. Ako ang pinakamatangkad sa aming tatlo nila Van at Mia.
Hindi ko maiwasang masulyapan sya sa salamin. Naghugas sya ng kamay. Itim ang buhok nya at itim na itim pa ang mata nya. Ang ganda nya.
"Newbies." Sambit nya nang hindi man lang kami sinusulyapan.
Ibinalin ko sa harap ng salamin ang paningin ko at inayos ang blouse ko. Ramdam ko naman ngayon na sa akin sya nakatingin. Shit! Bakit ba ako natatakot sa kanya?
"Tama pala ang balita na may anim na daga ang pumasok dito. Pathetic."
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi nya kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya nang nakataas ang kilay.
"Don't worry. Aalis din kami." Inis na sambit ni Vanessa.
Mahina itong natawa. Humarap syang muli sa salamin at naglagay ng lipstick sa labi. Pinanuod namin ang galaw nya. May peklat sya na hiwa sa leeg pero hindi halata.
"Aalis kayo? Ituro nyo sa akin ang daan kapag nakita nyo ah?" Natatawang sambit niya.
"Huh?! Hindi mo alam?" Tanong ko.
Ngumisi siya sa akin bago ibinalik sa shoulder bag nya ang lipstick nya.
"Walang may alam. Once you enter, there's no turning back...unless patay ka na or..." pambibitin niya.
Naglakad siya papunta sa pinto pero bago pa man siya lumabas ay binuo na nya ang salita nya.
"Makakaalis kayo kung may tutulong sa inyo na may mataas na ranggo sa HU. Guess who?" Pabagsak nyang isinara ang pinto at iniwan kaming tatlo na lutang.
Ano daw?!
--**--
Hindi nga nagbibiro si Madame Violet tungkol sa sinabi nya na high class ang mga teacher nila. Itong first subject namin na Math ay mas madaling intindihin, it is more like na lahat ng mga long method ay may sarili silang method which makes it easier than I thought.
-
-
-

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon