50

4.9K 189 9
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 50: Zein Shion
Zein's Point of View
What's with me? I mean, hindi pa lumilitaw ang araw pero gising na agad ako. Binalingan ko ng tingin ang wall clock bago sumimsim sa kape ko.
5:30 am...
"Bakit ang bagal ng oras?" Bulong ko sa sarili ko bago mulig sumimsim sa kape ko.
"Babagal talaga ang oras lalo na kung sinusundan mo ang takbo ng kamay nito."
Muntik ko ng maibuga ang kape sa gulat nang biglaang sumulpot si Vanessa na dumiretso sa loob ng cr.
Bakit ko nga ba binabantayan ang oras? Hmmm? Yeah, ngayon na sya babalik. Tapos na ang isang linggong suspensyon nya.
Hindi nila maaalis sa akin ang excitement dahil matagal din naman kaming hindi nagkita at ganon pa rin naman ang pagtingin ko sa kanya. Walang nagbago at walang mangyayaring pagbabago roon. Hindi maaalis sa akin ang pangungulila.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng cr ngunit hindi na ako nag-abalang tapunan ito ng tingin bagkus ay tinitigan ko na lang ang walang lamang tasa sa haparan ko.
Shit! I miss him so damn much as hell! I can't deny it anymore. Alam kong alam nilang lahat 'yon dahil obvious naman pero ano bang pake ko? Totoo naman. Psh.
"Mahal ka pa no'n... huwag kang mag-alala."
Sinamaan ko ng tingin si Vanessa na nagtitimpla ng kape. "What?" Iritang tanong nya.
Ngumuso na lang ako at nilagay sa sink ang tasang ginamit ko bago muling bumalik sa upuan ko kung saan nakasunod ang mata sa akin ni Van.
"Stop staring..."
"Ganito ka pala ma-inlove..."
"What?" Ako na naman ngayon ang nairita.
Nagkibit-balikat ito bago ngumisi. Umangat ang kilay ko at aktong magsasalita na nang may bumukas na naman na pinto.
"Himala~" Jerome said in a chant tone with a wide grin staring at me.
Iniwas ko ang mata ko dahil sa mga nanunukso nyang tingin. Narinig ko ang mahinang tawa ni Vanessa.
"Vanessa ko?"
Napatingin ako kay Jerome dahil sa sinabi nya. Nakatingin ito kay Vanessa na nakangiwi sa kanya.
"Kailan mo pa ako naging pag-aari?"
"Kahapon. Magsimula nung halikan mo ako."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jerome at sa isang iglap ay nagkaroon na naman ng live action sa harap ko.
"Tigilan mo akong aso ka! FYI! Natapilok ako no'n!" Sigaw ni Vanessa habang sinasabunutan si Jerome na ngayon ay nakalupasay na sa sahig.
OH.MY.GHAD!
"Natapilok? Tapos sa labi ko? Utot m--Ouch! It hurts Vanko."
Natawa na lang ako. Kapansin-pansin na habang ginugulpi ni Vanessa si Jerome ay nakangiting aso ito. Oh men! Tell me, what's with them? It's obvious that their feelings is mutual. Ghad! This is love.
Pumunta na muna ako sa kwarto namin at iniwan ang dalawa na naggugulpihan pa rin. Tulog pa rin si Mia na sinakop na ang buong kama.
Napatingin ako sa salamin at hindi sinasadyang bumaba ang mata ko sa labi ko.
Fuck you, Raze.
UGH! Hindi ko pa rin matanggap na ninakawan nya ako ng halik kahapon matapos nyang guluhin ang sistema ko. Hindi ko na alam ngayon kung anong gagawin ko.
Dahil sa mga sinabi nya ay nagduda na tuloy ako at ayokong humantong sa isang pagkakamali na naman 'to.
"Darling... please come back."
Sorry but I can't. Nasaktan na tayo at ayokong mauwi lang sa wala lahat ng sakrispisyo ko. Ipaubaya na lang natin sa tadhana lahat.
May delubyo pang parating kaya mas mabuting ganito na lang tayo. Ayokong maging kahinaan mo.
Halos takbuhin ko na ang daan patungo sa SSG Office. Mabuti na lang lahat ng estudyanteng nasa daan ay iiwas kapag nakita ako kaya wala akong nababangga. Shit!
Hingal na hingal na huminto ako sa pinto ng SSG Office at inayos muna ang sarili ko. I let a heavy sigh as I open the door knob. Bawat paglawak ng espasyo papunta sa loob ay syang talbog ng puso kong parang sasabog na.
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko nang walang Supremo ang tumambad sa akin.
Where the hell is him?
Nagising ako sa realidad nang may narinig akong tumikhim sa likod ko. Nahihiyang binigyan ko ng daan si Vice Ty na nakangising pumasok sa loob.
Dumiretso na lang ako sa table ko at hindi ipinahalata kung gaano ako kawasak. Wala pa ba sya? Asan sya? Bakit nya ginagawa sa akin 'to? Pinaparusahan nya ba ako? Supremo naman e.
"Wala pa ba si Supremo?" Dinig kong tanong ni Vice Ty.
"Obvious ba?"
Hindi ko napigilan ang masungitan sya na ikinatawa nya lang. Napanguso na lang ako at isinandal ang likod ko sa swivel chair.
Binalingan ko ng tingin ang bakanteng lamesa nya.
FUCK YOU TO INFINITY AND BEYOND, SUPREMO.
"Baka naman hindi na sya babalik?"
"No way!"
Napatayo ako sa sinabi ni Vice Ty na ngayon ay natawa na talaga ng malakas. Mejo nakaramdam ako ng hiya na nag-o-over act ako. Damn, Zein. You are too obvious.
Umupo na lang ako ulit at humalukipkip.
"I was just joking. Actually, nagkita na kami kanina."
Nagningning ang mata ko dahil sa sinabi nya na mas nagpalawak ng ngisi nya. OH.MY.GHAD! Nagkita na sila! Ibig sabihin lang no'n na baka maya-maya lang ay andito na sya.
I can't wait any longer!
"Akala ko nga andito na sya e... Well, hintayin na lang natin sya. Baka mamaya lang andito na rin 'yon."
For the first time ay parang gusto ko na lang mag-stay dito sa SSG Office at hintayin ang pagbabalik nya pero sa kasamaang palad ay may pasok pa ako.
"Hindi ka papasok?" Tanong ni Vice Ty nang mapansin na wala akong balak pumasok.
Umiling ako at nanatiling nakahalukipkip.
"Lagot ka kapag hindi ka pumasok."
"As if I care. I am the Queen."
"And he is the Supreme Student Government President."
"Thank you for the info." Inis na wika ko at kinuha na ang bag ko bago nilisan ang lugar na 'yon.
Iritang pumasok ako sa Algebra Class kung saan nadatnan ko ang mga kaibigan ko na naghaharutan. Hindi ko sila pinansin at dumiretso lang ako sa upuan ko sa gitna nina Mia at Vanessa.
"Hulaan ko... Wala sya 'no?" Pang-iinis ni Mia.
Hindi na ako nag-abalang sumagot dahil wala ako sa mood makipag talo. Masyadong sira na ang araw ko at ayokong madagdagan pa ito.
Kung ayaw mong magpakita... edi 'wag! As if naman gusto kitang makita. Psh.
"Kawawa ka naman... Gusto mo na syang makita pero iniisip mo bang gusto ka rin nyang makita?"
Umangat ang kilay ko sa sinabi ni Vanessa. "What do you mean?" Matapang na tanong ko.
"Baka naman kasi may iba na syang pinag-aaksyahan ng oras... You know?"
"Tulad ng?"
Nagkibit balikat lang ito at iniwas na ang tingin. Bubuka pa sana ang bibig ko nang dumating na ang teacher namin.
Hindi ako makapagfocus sa lesson dahil sa sinabi ni Vanessa. Bumabagabag ito sa akin.
Posible kayang may iba syang pinagkakaaabalahan? Ano naman? Or worst, sino?
Ano bang karapatan kong magalit kung meron man syang ibang taong pinagkakaabalahan? O kung may ibang tao syang kasama ngayon? Inaamin kong kung totoo man 'yon ay magseselos ako. Kahit na wala akong karapatan ay magseselos talaga ako.
Inasahan ko na ang mga ganitong posibilidad pero hindi ko pa rin maiwasang matakot. Natatakot akong baka wala na lang ako sa kanya.
Nakakagago pero gusto ko kahit na anong mangyari ay ako pa rin. I wish, I am still your Queen. Sana ako pa rin.
"Hindi ka sasama sa amin?" Tanong ni Matt nang makitang iba ang direksyon na tinatahak ko.
"Busog pa ako."
"Busog ka ba talaga o baka nam-"
"Bye!" Putol ko kay Mia bago naglakad na palayo sa kanila.
Totoo naman na busog pa ako kahit na hindi pa ako nag-almusal. Hindi ko maramdaman ang gutom. Ang gusto ko lang ay makita sya.
Ano naman kung makita ko sya?
Basta! Gusto ko lang syang makita. Gustong makita ng dalawa kong mata na ok lang sya. Baliw na ata ako.
Pagkarating ko sa SSG Office ay wala akong dinatnan. Wala pa rin si Supremo. Si Vice Ty naman ay baka naglunch.
Tumunganga ako sa kawalan habang tumatakbo ang isip ko sa nakaparaming bagay kung saan lagi syang naroon. I couldn't stop thinking even just a second without him crossing my mind. This is insane!
Ilang araw pa lang kaming hindi nagkita pero ganito na agad ako.
Bumukas ang pinto kaya nabuhayan ako ng loob pero--- Hindi sya.
"Oh, bakit andito ka?" Tanong ni Teacher Kath. "Naglunch ka na?" Tanong pa nya.
Umiling na lang ako dahil wala na akong lakas ibuka ang bibig ko. Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil sa inaakto ko.
Ilang oras na akong naghihintay kaya napagpasyahan ko na munang pumunta sa cr dahil naiihi na ako.
Nadatnan ko si Nicky na naghuhugas ng kamay pero dumiretso lang ako sa isa sa mga cubicle. Hindi na muna ako lumabas dahil ayoko na munang makita si Nicky.
Ilang minuto ako roon bago ko napagpasyahang lumabas na. Nagulat ako nang makita sya na nakasandal sa pinto. Nakakapanlambot ang kanyang tingin kaya minabuting iwasan ko na lang 'yon.
"I know what's bothering you..."
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mabilis syang makabasa nang mga tao kaya ayokong makita nya ako. Shit! Sana huwag na lang syang magsalita at ayoko ring marinig ang sasabihin nya.
"I saw him..." Natigilan ako sa paghuhugas ng kamay ngunit hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. "With someone." Dugtong pa nya na umagaw na talaga sa atensyon ko.
Ngumisi ito kung saan mababakas ang pang-iinis. "Hindi ko tinatanong." Sagot ko na mahinang ikinatawa nya.
"Pero hindi 'yan ang nakikita ko sa mata mo." Bumagsak ang tingin ko sa sinabi nya.
Damn!
"You are so fragile... easy to break. Where is the devil?" Tanong nya. "Let it go, Zein. Protect yourself." Ang huling mga katagang iniwan nya bago tuluyan akong iniwan.
Naiwan akong tulala.
Devil?
Pagkabalik ko sa SSG Office ay wala pa rin sya. Hindi ko na maitago ang pait at sakit na nararamdaman ko. Damn!
Ilang oras pa ang lumipas ngunit wala pa ring Supremo ang dumarating. He must be so busy with someone that he forgot his responsibility. Really, Supremo?
May kakaibang pakiramdam na nabubuo sa loob ko. Why am I having this feeling?
Supremo, don't do this. Please.
Natatakot na ako sa bawat lumilipas na minuto na wala pa rin sya. May nararamdaman ako sa loob ko na hindi ko gusto. No. Please. I hate this feeling.
"Are you sure?" Tanong sa akin ni Vice Ty.
Tumango na lang ako bago binalingan ng tingin ang wall clock. It's already 6:00 pm, 1 hour before bloody night. Nagpaiwan ako at inako ko na ang pagsasara ng SSG Office.
Ilang oras na ba akong tulala? Ni hindi na talaga ako pumasok sa mga sumunod ko pang subject para lang makita ko ang pagdating nya pero wala pa rin. Hindi pa ako kumakain pero hindi ko talaga maramdaman ang gutom.
Napakagat ako sa aking labi.
Binalingan ko ng tingin ang bakanteng lamesa sa gilid ko.
Where are you?
6:30pm...
Napagpasyahan ko ng umalis. Hindi ko alam kung ano ang kakaibang pakiramdam sa loob ko. Masama ang kutob ko na hindi ito maganda. Kakaibang pakiramdam.
Pakiramdam ko ay nabalewala ako.
Mejo madilim na dahil 30 minutes na lang ay bloody night na. Natigilan ako sa paglalakad nang maaninag ang isang anino sa madilim.
Shit!
Kumalabog ang puso ko at parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Nakapamulsa ito habang nakatalikod sa akin na animo'y may hinihintay.
Hindi ako maaaring magkamali. Sya 'yon. Kailan pa ba ako nagkamali pagdating sa kanya? I know him so well.
Tatakbo na sana ako palapit sa kanya nang makita ang parating. Sumabog ang puso ko sa mga sumunod na eksena.
Angel and Ace are kissing passionately.
At ang mas nakakatakot ay nakangiti ako. Fuck! I shouldn't be smiling but why the hell am I smiling like a shit?!
This aint good. Swear.
Namalayan ko na lang na nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdamang basa ito. I can't feel my body. Am I numb? I should be hurting but I can't really feel even just a glimpse pain.
Still I am smiling.
I am scared right now. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako para sa sarili ko. Parang hindi ko na makilala ang sarili ko.
Isa lang ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito... May mag-iiba na sa akin matapos ang gabing ito. Natatakot akong harapin ang bukas.
Ngayon lang ako natakot nang ganito... Natatakot ako sa sarili ko. Bakit?
What is happening to you, Zein Shion?
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon