56

4.8K 210 6
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 56: Alas
Jerome's Point of View
I never thought I would become a part of this battle. Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap ay napakaraming impormasyon ang sumabog sa isipan ko.
"B-Bakit parang tumahimik?"
Maging ako ay kinabahan nang mawala sa aking pandinig ang mga pagsabog at putukan. Hindi maganda ang kutob ko pero kailangan naming maghintay.
Bakit ang tagal nila?!
Iginala ko ang mata ko sa mga kapwa kong estudyante na gaya ko ay naghihintay na lang ng hudyat para lumusob. Napangiti ako dahil nagising na sila sa pagiging tahimik.
"I have a bad feeling about this," Nagulat ako nang kwelyuhan na naman ako ni Vanessa. "Sino ba talaga ang hinihintay natin?! Sabihin mo kung meron o wala!" Gigil na wika nya.
Nakakatakot talaga ang babaeng 'to. Kawawa ako sa kanya pero anong magagawa ko? Mahal ko e.
Ngumiti ako bago kumamot sa aking batok. Letche! Naubusan na ako ng rason na sasabihin. Maging ako ay naiinip na rin pero ayoko namang bigla na lang kaming lumusob dahil makakasira lang kami.
"Hey!"
Hinarang ko ang dalawa kong braso sa harap ni Vanessa dahil sa pagtangka nyang pag-alis. Nakakainis naman oh! Hindi ko sya kayang pigilan dahil baka ako pa ang unang mamatay!
Bakit ba kasi napakamainipin at mainitin ng ulo ang babaeng 'to?
"Aalis ka sa daan ko o---" Napalunok ako nang tutukan nya ako ng baril sa ulo. "Papasabugin ko ang walang lamang utak mo." Dugtong pa nito.
Awts. Ang sakit talaga nyang magsalita.
"Kaya mo b-" Namutla ako nang marinig ang pagkasa ng baril at muling pagtutok nya nito sa aking noo.
Damn! Hindi talaga sya nagbibiro. Ayoko pang mamatay kaya umalis na ako sa harap nya.
Napakamot ako sa ulo pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa nya palayo sa amin nang tumigil ito.
Napangisi ako nang makita na sila.
Finally, they are here.
----
Zein's Point of View
Yes, Supremo Ace and Raze Silvenia has the same aura and pressence but I just know Supremo so well. Hindi ko kailanman pinaghinalaan si Raze to be Ace dahil magkaiba ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa.
Even when Raze kissed me. Hindi ako naapektuhan nang ganon ngunit kung si Supremo ang humalik ay siguradong manlalambot ang tuhod ko at sisikip ang dibdib ko, ganon ang epekto nya sa akin.
"Isuko mo na sya..." Nakangising wika nito. "O pareho kayong mamamatay. That would be romantic, right?" Nakakalokong wika pa nito.
"A new version of Romeo and Juliet? Oh, that would be nice."
Napangiwi si Madame Violet sa sinabi ni Supremo. Napangisi na lang ako kahit na nanghihina na ako. Alam kong ganon din si Supremo na may tama ng baril sa binti.
Bigla kong naalala ang mga panaginip na bumabagabag sa akin. Una, ang mga taong pilit na kumukuha sa akin sa panaginip ko. Napagtanto kong ako ang target nila dahil ako ang kukumpleto sa formula. Nakakatawa na sa akin din pala babagsak ang lahat.
Mabilis na kinain ako ng pangamba at takot nang tumama ang mata ko sa magkahawak na kamay namin ni Supremo. Ako pala... ako pala ang babaeng kasama nya sa panaginip ko. Kaya naman pala ganon ang epekto no'n sa akin dahil kaming dalawa ang nasa panganib.
Sinenyasan ni Madame Violet ang mga tauhan nya na igapos kami. Hindi na kami nakapalag dahil na rin sa panghihina na nararamdaman namin.
Nakagapos kami ni Supremo, magkatalikod kami at pareho naming sinasandalan ang mga likod namin. Nararamdaman ko ang pagbigat ng paghinga nya-- Lumalalim ito at halatang hinihingal.
"Z-Zein?"
Hindi ako nakasagot dahil parang wala na akong lakas. Patuloy pa rin ang pagdurugo ng braso ko. Habang tumatagal ay nawawalan na ito ng pakiramdam na parang namamanhid na.
Napatingin ako sa kalangitan kung saan makikita ang bilog na buwan. Habang lumalalim ang gabi ay mas nagiging madugo ang lahat.
Bigla kong naisip ang mga kaibigan ko. Alam kong nasa mabuti silang kalagayan kaya kahit papaano ay hindi na ako nag-aalala. Wala na rin akong naririnig na pagsabog at mga putok ng baril.
"H-Hindi ka ba nagsisisi?"
Nabalik ako sa realidad sa tanong ni Supremo. "Kung hindi sana kayo pumasok sa lugar na ito... Hindi sana kayo nasa ganitong kalagayan. Hindi nyo sana dinaranas ang ganito. Hi-"
"Hindi sana kita nakilala..." Natigilan sya sa sinabi ko. Niyuko ko ang ulo ko at napangiti na lang. "Wala... Wala akong pagsisisi." Sagot ko.
Kahit na hindi ko nakikita ang mukha nya ay alam kong nakangiti sya ngayon.
"I-Ikaw? Hindi ka ba nagsisisi na nakilala mo ako?"
Natawa ako sa tanong ko dahil napakaraming dapat ipagsisisi sa pagku-krus ng landas namin ni Supremo. Nakakatawa na sa isang iglap ay naparaming nangyari ang naganap, mga pangyayari na hindi man lang sumagi sa isipan kong mararanasan ko.
"Nagsisisi..."
Natigilan ako sa sagot nya kahit na inaasahan ko naman na maaring 'yon ang isagot nya.
"Sinisisi ko ang tadhana kung bakit ngayon ka lang nya ibinigay sa akin." Hindi ako nakapagsalita matapos marinig 'yon sa kanya. Oo, kahit papaano ay inasahan ko ang sagot na ito sa kanya pero hindi ko pa rin maiwasang matuwa. "Kung napaaga lang sana kayo... Sana dati pa kita nakilala." Dugtong nito.
Matapos no'n ay muli kaming binalot ng katahimikan. Iginala ko ang mata ko sa mga tauhan ni Madame Violet na nakabantay sa amin.
Napakarami nila na parang hindi man lang nabawasan. Mukhang pinaghandaan talaga nila ito.
"T-Tungkol nga pala sa sinabi ni Madame Violet... Totoo ba?" Lumunok ako. "I-Ikaw si Raze?" Tanong ko.
Naramdaman ko ang paggalaw ng likod nya kaya alam kong mahina syang natatawa ngayon.
"Ikaw? Ano ba sa tingin mo?"
Napangiti ako bago isa-isang inisip ang mga pagkakataon na nakasama ko si Raze at Ace.
"Hindi... Hindi ikaw si Raze. You are Ace Craige. The Supreme Student Government President of this awesome School of Hell."
Umalingawngaw ang halakhak sa bibig ni Supremo. Napapatingin sa amin ang mga armadong lalaki pero bale wala ito sa amin.
Hindi ako maaring magkamali. Hindi si Supremo ang leader ng Devil God Warrior. Oo, napakarami nilang similarities at kung hindi mo talaga sila lubusang kilala, malamang na paghihinalaan mo talaga silang iisa lang BUT I know him so well. Kilalalang-kilala ko si Ace.
Pareho silang demonyo pero minahal ko ang isa sa kanila kaya alam kong magkaibang demonyo sila.
Hindi ko kayang patunayan ito pero alam kong tama ako. Bigla kong naisip ang halik at yakap nilang dalawa.
Hindi kaya--- Shit! Dapat ay naunawaan ko agad ang ibig nyang sabihin. Maaring kaya ako niyakap at hinalikan ni Raze ay para malinawagan ako sa nangyayari. Iba ang halik ni Supremo sa kanya... sobrang layo ng pakiramdam kahit na parang si Supremo rin 'yon.
"Darling..."
Sumikip ang dibdib ko nang marinig 'yon sa kanyang bibig. Wala sa sariling napangiti ako.
Iba ang pakiramdam kapag sa mismong bibig ni Supremo lumabas ang mga katagang 'yon.
Confirmed.
"Tapos na ba kayong mag-usap?"
Nakatayo na pala si Madame Violet sa harap namin, hindi man lang namin sya napansin.
"Nagpaalam na ba kayo sa isa't-isa?"
Hindi kami kumibo na mahina nyang ikinatawa. Ano ba ang pinaplano nya at bakit nya pa kami iginapos dito?
"Konting hintay na lang at darating na ang sundo natin... Parating na rin si Francisco dala ang helicopter na sasakyan natin."
Kaya naman pala hindi ko makita si Francisco dahil may pinagkakaabalahan siyang iba.
"If I were you... Ngayon pa lang ay ilayo nyo na kami." Wika ni Supremo.
Hindi ko man sya nakikita ay alam kong nakangisi sya ngayon. Ramdam ko ang madilim nyang aura na nagdudulot ng panlalambot sa akin.
"Huwag kang mainip... Malapit na siya."
Umalis muli si Madame Violet pero bago sya umalis ay mas pinaghigpit nya ang mga nagbabantay sa amin na parang natakot sa sinabi ni Supremo.
"Hold on... Darling, I'll get you out of this place." Pagpapalakas nya sa akin. "Huwag kang bibitaw... Itutuloy pa natin ang love story natin sa labas ng impyernong ito." Wika pa nya.
Sumikip ang dibdib ko dahil hindi na ako sigurado kung kaya ko pa. Bumigay na ang kalahati ng katawan ko. Pakiramdam ko ay kahit na anong segundo ay babalutin na ako ng walang hanggang kadiliman.
Zein... Hold on. Hindi pa rito natatapos ang lahat.
"S-Supremo... Paano kun-"
"Ssshhh... You are better than this. Kilala kita, matapang ka. You don't easily give up. 'Yon ang labis kong hinangaan sa'yo... ang katangian mong nagpahulog sa loob ko." Wika nya. Alam kong pinapalakas nya lang ang loob ko kaya naiiyak ako. Ganon ba talaga ang tingin sa akin ni Supremo?
"Zein, I can no longer fight for us alone... I want your cooperation. Can you do it? Please, just for me."
"Y-Yes." Wala sa sariling sagot ko.
Hindi ko alam kung kaya ko itong panindigan pero susubukan ko sa abot ng makakaya ko.
Ilang beses ko ng nilabanan si Kamatayan... siguro, kahit hindi ko na sya ngayon kayang labanan... sana madaya ko sya.
Ayoko pang mawala. Gusto ko pang makasama ang lalaking ito.
Habang lumalalim ang gabi ay mas lumalaki ang pangamba sa loob ko. Damn!
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap namin. Malungkot itong nakatingin sa amin.
"L-Liam..."
"A-Ayos lang ba kayo?"
"Stupid question." Pabalang na sagot ni Supremo.
Napangiti ito ng mapait bago naglabas ng patalim. Lumuhod ito sa harap namin kasabay ng pagbagsak ng luha nya.
"Sorry... Patawarin nyo ako." Sumilay sa labi nito ang isang ngiti bago inumpisahang putulin ang lubid na nakatali sa amin. "K-Kahit man lang ngayon, makagawa ako ng tama." Mapait na wika nito.
Naiiyak ako para sa kalagayan nya ngunit hindi ko na nagawang magsalita para pakalmahin sya.
Mabuti na lang at hindi kami napapansin ng mga nakabantay sa amin.
Kinain ako ng takot nang marinig ang isang tunog sa itaas. Damn! Narito na ang helicopter!
Pagkakalag nya sa amin ay mabilis akong inalalayan ni Supremo.
"T-Thank you..." Bulong ko kay Liam na ngumiti lang sa akin.
"G-Go... Umalis na kayo! Baka maabuta-"
"Liam!"
"Shit!"
Kahit na iika-ika si Supremo ay nagawa nya akong alalayan. Hindi namin magawang makakilos ng mabuti pero nagawa naming makalayo roon.
Bago pa man kami makalayo ay binalikan ko ng tingin si Liam. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagkalabit ni Madame Violet sa kanyang baril at ang pagbagsak ni Liam sa lupa.
Damn!
Nilamon na talaga sya ng kanyang ambisyon at maging ang kanyang anak ay nagawa nyang paslangin.
Sorry... I am sorry, Liam.
"Ahh..."
"Ayos ka lang?" Alalang tanong ko kay Supremo nang marinig ang kanyang pagdaing.
Ngumiti lang sya sa akin. Napatingin ako sa kanyang binti kung saan walang tigil ang pag-agos ng dugo. Hindi katulad sa akin na tumigil na kahit papaano.
"Ok lang ako." Wika nya nang mapansin na nakatingin ako sa kanyang binti.
No, he's not ok.
Wala kaming tigil sa pagtakbo. Hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng mga paa namin pero kailangan naming makalayo. Hindi ko alam kung nasundan ba nila kami pero sana hindi dahil wala na kaming lakas manlaban.
Napatingin ako kay Supremo nang marinig ang pagtawa nya. Kumunot ang noo ko. "Anong nakakatawa?" Tanong ko.
"Kinikilig kasi ako..."
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak habang ang kaliwang braso nya ay nakakapit sa aking bewang para alalayan ako.
Hindi ko alam pero natawa rin ako. "Baliw ka talaga..." Natatawa kong wika.
Natigilan kami nang muli kaming harangan kami ng mga armadong lalaki. Nakangiwi sa amin si Madame Violet at Francisco.
"Pinapahirapan nyo talaga kami?" Inis na wika ni Madame Violet. Nakaramdam ako ng sobrang galit sa kanya nang maalala ang ginawa nya kay Liam.
Paano nya nagawa ang ganon sa sarili nyang anak?
Wala na kaming takas ni Supremo na ikinatawa ko. Sabay kaming humalakhak ni Supremo. Kabaliwan pero nakakatawa lahat ng nangyayari.
"Dakpin nyo sila!"
"Meow."
Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Hoy sa harap ko. Natigilan din ang mga nagtangkang lumapit sa amin at halata ang gulat sa mata nila Madame Violet at Francisco habang nakatingin sa likod namin.
Nanigas sila sa kinatatayuan nila na parang hindi makapaniwala. Nararamdaman ko ang panginginig ng mga tuhod nila sa takot.
Binalingan ko ng tingin ang likod namin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon sa nakikita ko.
Wala akong maintindihan pero naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng luha sa mata ko habang nakatingin sa kanila.
Nasa likod namin si Raze Silvenia na nakapulang maskara. Sa gilid nya ay si Nazzer Lumia at nasa likod nila ang lahat ng etudyante ng HU, Devil God Warriors, Black Blood Gangs, kasama ang mga kaibigan ko.
Pero ang labis na gumulat sa akin ay ang mga pulis... Nakapalibot sa amin ang special task force. Paano?
Naramdaman kong muli ang paghawak ni Supremo sa aking kamay. Inakbayan nya ako na may ngisi sa labi at inalalayang makalakad papunta sa gitna nila Raze at Nazzer. Ang dalawang pinuno ng gangs.
"Surprised?" Nakangising wika ni Supremo.
I am completely lost. What the hell is really happening?
"I am not named Ace without one."
Ito ba ang tinutukoy nyang alas?
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon