matapang

10.1K 239 10
                                    

💥Hell University 😈💥
▶(Continue the chapter 3...)◀
Shit! Kinakain ako ng takot pero mas nangingibabaw ang kuryosidad.
Masyado akong naging lutang at nawala sa paningin ko ang babae. Lumabas ako sa kinatataguan ko at nagpalinga-linga.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. May nakatutok na sa aking leeg na pako at maling galaw ko lang ay masasaksak na ako nito.
"Handa ka na bang mamatay?"
Nanginginig ako sa takot at ramdam kong nanginginig na ang aking mata. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang tip ng pako na idiniin nya sa gilid ng leeg ko.
Shit! Hanggang dito na lang ba ako?
"Mapangahas ka. Anong akala mo sa akin? Maiisahan mo? Hindi mo pa talaga ako kilala. Marami na akong napatay, gusto mong masama?" Tanong niya.
Nakakakilabot ang tono ng pananalita nya. Tama nga sya. Kaya pala kinakatakutan sya ay skilled din sya. Nagawa nyang mawala sa aking mata sa sandaling segundo.
Sino ba talaga sya?
"Sino ka ba talaga?" Tanong ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang pakawalan na nya ako. Muli nyang itinago sa kanyang bulsa ang pakong gamit nya.
"You wanna know my name?" Tanong niya. "Well, I am Nicky Colt. Mark my name bitch." katulad ng nangyari kanina ay mabilis na nawala siya sa aking paningin.
Napaupo ako sa sahig. Mabilis pa rin ang paghinga ko at animo'y hinabol ako ng asong lobo. So dangerous.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo roon. Nanghihina pa rin ako.
"Wala kang pasok?"
Napagitla ako at napatayo nang may nagsalita sa likod ko. Mabilis na humarap ako sa kanya.
Isa itong lalaking nakasalamin. May hawak itong notebook. Para siyang nerd na lalaki pero bakit ganito? Dumoble ang pangangatog ng tuhod ko.
"Full name please."
"Zein Shion."
Binuklat niya ang notebook na dala niya at hinanap roon ang pangalan ko. Nakakunot ang noo nito habang naghahanap.
Normal na estudyante lang naman sya pero bakit ang bigat ng dating niya.
"Boom!"
Napatili ako ng sumigaw siya. Tumawa siya ng tumawa habang ako ay nakahawak sa aking dibdib. Grabe sya...
"Ba't ka ba nanggugulat?!" Sigaw ko.
Nagseryoso siyang muli at inayos ang eye glass niya.
"May pasok ka ah, bakit andito ka?" Tanong niya.
"Ano bang pakialam mo?!" Aalis na sana ako nang hawakan nya ang braso ko at hawakan ng mahigpit.
Nakangisi pa rin sya. Hindi ko maiwasang mapasigaw sa sakit ng mas higpitan nya pa ang kapit sa braso ko na parang bunabakat na ang kuko niya rito.
"A-Aray..."
Ilang segundo ang nakalipas bago nya ako pakawalan. Muli akong napaupo sa sahig dahil sa panghihina.
Isang kamay lang ang gamit nya pero halos magkalasaw-lasaw na ang buto ko. Halimaw ang lakas niya.
Nagtatakata ngayon ako. Ordinaryong estudyante lang ba talaga siya?
"Tumingin ka sa iyong braso..."
Nanlumo ako ng makita ang bakas ng kamay niya roon. Bakat din ang kuko nya.
"That's the first warning Miss Zein Shion, sa oras na makita pa kitang pakalat-kalat sa oras ng klase, baka tuluyan na kitang alisan ng isang braso.." Ngumisi ito at tumalikod na sa akin.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Ace Craige. I am the Supreme Student President of Hell University. Nice meeting you Ms.Shion..."
Pinagmasdan ko lang hanggang sa mawala na sya sa aking paningin. Patuloy pa rin na nagpa-process ang utak ko.
"P-President? Ace?"
Siya ba? Siya ba ang sinasabi sa akin ni Nicky nung nalate ako. Siya ba ang dahilan kung bakit takot na takot ang mga estudyanteng malate at maging ang mga teacher?
Isa lang siyang nerd kung tignan pero sa loob nito ay nakakubli ang isang demonyo na may pambihirang lakas. No wonder kung bakit siya kinakatakutan.
Damn! Napapaligiran kami ng nga demonyo.
Nakahawak ako sa aking braso habang papunta sa last subject namin. Tinignan lang ako sandali ng teacher namin bago dumapo ang tingin nya sa braso ko at umiling.
Dumiretso ako sa likod kung saan naghihintay ang mga nag-aalala kong kaibigan.
"Saan ka galing?! Shit Zein! Papatayin mo ba kami sa alala?" Bungad sa akin ni Vanessa.
Hindi ko nagawang sumagot dahil sa mga after shocks na nangyari kanina. Nakasagupa ko lang naman ang dalawa sa pinakakinakatakutan sa HU, Si Nicky na muntik na akong patayin at si President Ace na muntik ng durugin ang braso ko. Ang swerte ko.
"Anong nangyari sa braso mo?" Tanong ni Matt. Marahas na inalis nya ang kamay ko na nakatakip dito.
Nakarinig ako ng mga bulungan sa buong klase na nakatingin sa braso ko. Ano bang problema nila? Pati ba naman ito ichichismis nila? Psh.
"What happened?!" Alalang tanong sa akin ni Mia na pinagmamasdan ang braso kong sobrang pula at bakas ang kuko ni Ace.
"That's the Supreme Mark Warning Number 1."
Napatingin kami sa teacher namin na napapailing na lang. Inabutan nya kami ng first aid kit na kinuha ni Jerome upang gamutin ang nasa braso ko.
"What does it mean?" Tanong ni Dave sa akin.
"Si Supremo ang may gawa niyan. Huwag na huwag mo lang hahayaang magkaroon ka pa ng dalawang warning, sa hukay na ang bagsak mo."
Halos matawa ako sa sinabi ng teacher namin. Spell OA? Duh! Maypawarning-warning pa silang nalalaman! Psh.
"Supremo? Sino?" Sunod na tanong ni Dave.
"Ace Craige." Maikling tugon nito.
Nag-umpisa ang klase namin na walang kumikibo na animo'y mga natatakot kumilos kahit na konti. Nakaramdam ako ng awa sa mga estudyante rito.
Ilang araw pa lang kami rito pero hindi na kami gaanong makatulog tuwing gabi, paano pa kaya sila na matagal na rito? Anong kahayupan na kaya ang nasaksihan at naranasan nila?
Sino pa ba ang mga tao sa likod ng HU? Sino-sino ang myembro ng Black Blood Gang at Devil God Warrior, sino ang nasalikod ng mga ito? Shit!
"Your curiosity will kill you Zein but if you really wanna know... find out by yourself, break the only rule." Ito ang muling salitang binitawan ni Nicky na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan.
Gusto nya bang suwayin ko ang nag-iisang alituntunin ng HU? Pero ang rule ng HU ay legal ang pagpatay sa pagsapit ng 7:00pm hanggang 5:00am.
Napalunok ako nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin?
Gusto nya bang lumabas ako ng bahay sa ganong oras? Gusto nya bang lumabas ako kapag sumapit ang Bloody Night?
Shit! Parang.... parang may nagtutulak sa akin na gawin iyon. Masama ito.
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon