41

5.1K 216 11
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 41: Bloody Punishment
Vanessa's Point of View
Narito kaming lahat sa gymanasium, hindi lang ang mga nasa cafeteria kanina kundi ang buong estudyante ng HU at SSG Council except Zein na hindi namin alam kung saan dinala ni Supremo.
Hindi na namin sya hinanap dahil may tiwala kami kay Supremo Ace. Alam kong hindi nya papabayaan ang kaibigan namin.
Narinig ko na naman ang mahinang mura ni Matt habang nakatingin sa sahig. Halos mabaliw na sya kanina nang malaman ang nangyari kay Zein. Maging ako, mahigpit na pagpipigil ang ginagawa ko baka mahambalos ko sa pader ang mukha ng lahat ng estudyante na involved kanina lalong lalo na ang Putang Roxane at Hinayupak na Angel. Tangina nila.
"Kamusta na kaya si Zein?" Dinig kong tanong na naman ni Mia na tulala lang din.
"She will be fine. Supremo is with her."
Hindi ko maiwasang mapangiti na kahit na karibal ni Matt sa puso ni Zein si Ace ay pinagkakatiwalaan nya pa rin 'to. Ni hindi nya naisipang umepal sa dalawa na kadalasang ginagawa ng ibang lalaki. Well, iba naman sa kanila si Matt e. Alam nya kung ano ang mas makakabuti kay Zein.
"Ayoko na!" Sigaw ni Roxane na nakatayo na sa pinaka harap. "Bakit ba tayo natatakot sa lalaking 'yon?!" Dugtong pa nito na ikinatawa ko.
Kahit na anong gawin nyang pagmamatapang, kitang-kita ko pa rin ang takot sa mata nya. Bitch, pay for your debt.
"Watch your words, Roxane." Babala ni Angel na tumayo na rin sa gilid nya.
"Why?! Oh! Ikaw pala ang may kasalanan nito! Gusto mong mamatay na si Zein para masolo mo na si Supremo."
Isang sampal ang inabot ni Roxane kay Angel.
Kaya naman pala, Demonic Angelica. Alam mong wala kang laban kay Zein sa puso ni Ace kaya tinangka mo syang patayin. Nakakaawa ka, hindi ka marunong lumaban ng patas--Oh well, kapag pala lumaban ka ng patas talo ka pa rin kay Zein Shion, wala ka sa kalinkingan nya.
"How dare you?! I am the Queen here!"
Nagsabunutan sila. Sige lang, magsakitan kayo pero huwag muna kayong magpapatayan ah? Gusto ko pa kayong makitang magdusa at paghirapan ang paglapastangan nyo sa kaibigan ko, sa pinakaimportanteng tao ng isa sa pinakamataas sa HU.
Natigilan silang lahat nang pumasok ang mga lalaking nakaitim na mask. Tangina! Ano 'to? Bakit andito ang Black Blood Gang?! Anong ginagawa nila dito?!
Sa pinakahuli ay si Nazzer Lumia na walang maskara. Sandali itong tumigil at lumingon sa amin--- Mukhang kay Matt ata sya nakatingin. Ngumisi ito bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nanahimik si Roxane at Angelica na hindi na nagkikibuan ngayon.
Napakabigat talaga ng presensya ng mga lalaking nakaitim na maskarang ito, lalong-lalo na si Nazzer Lumia na nakangisi sa mga estudtante na hindi makatingin sa kanila ng diretso.
Kung titignan ay simpleng estudyante lang sya, napakainosente pero huwag ka lang titingin sa mata nya dahil makikita mo ang demonyong nakakubli sa inosenteng katawan ng lalaking 'to.
"Anong ginawa nyo?" Natatawang tanong nya sa lahat na may halong pananakot. "Bakit nyo ba kasi sya ginalit? Tsk tsk." Umiling-iling pa ito.
Anong sinasabi nya?
"Naku lang, kung nakita nyo kanina si Supremo? Lagot talaga kayo." Humalakhak ang may pulang buhok na nasa tabi ni Nazzer kaya sinamaan nya ng tingin ito na ikinatahimik nya.
Si Supremo ang nagpapunta sa kanila dito? Pero bakit? Anong pinaplano nya at kailangan pang isama ang BBG?
Napansin ko rin ang isang babaeng mahaba ang buhok na nasa tabi ni Nazzer. Nakamaskara rin ito pero alam kong nakatingin ang kanyang malalim at maitim na mata sa amin.
Nalaglag ang panga ng lahat nang makita ang mga naka pulang maskara na papasok ng gymnasium.
"What the---Devil God Warrior?!" Bulalas ni Mia.
Nanatiling tikom ang bibig ko habang nakatitig sa isang lalaking nasa unahan. Raze.
Tumayo si Roxane at yumakap kay Raze na napahinto.
"Buti dumating ka. Iligtas mo ako." Sambit nito kay Raze na wala man lang reaction.
Lumabas din ang pagpapanggap nya. Takot na takot sya sa maaaring gawin ni Ace sa kanya. Dapat lang, manginig ka.
"Sorry. I can't do anything about this." He answered.
Napangisi ako nang makitang napapadyak na lang sa pakadismaya si Roxane na tumatakbo papalabas ng gymnasium.
Tatayo na sana ako para habulin sya nang makita kung sino ngayon ang nasa harapan na ng gymnasium entrance at nakaharang sa daan. He looks so damn scary as a shit. His tremendous pressence is covering the whole gymnasium.
"S-Supremo."
"Go back." Malamig na utos nito na ginawa naman ni Roxane.
Nagpatuloy si Supremo sa pagpunta sa pinakaharap. Nasa kaliwa nya ang BBG at sa gilid ang DGW.
He is in between the two gangs. Parang sya ngayon ang namumuno sa dalawang gang na ito. Damn! Paano nyo nagagawang pasunudin ang mga ito?
"Supremo. Sorry." Wika ni Angel na naluluha pa.
Sorry your ass bitch.
"I don't need your sorry. I want you to pay for your debt." Malamig na tugon ni Supremo na hindi nakatingin sa kanya.
Humagulgol ito na napaupo sa upuan nya.
Drama pa. Iiyak mo lang lahat, hanggang sa wala ka ng mailuha kundi dugo. Pinadugo nyo si Zein, dugo rin ang kapalit. Buhay nya ang nanganib, buhay nyo ang kapalit.
Ngayon, gusto kong marinig ang parusa mo Supremo. Gaano kabagsik?
"All of the students who are involved on the commotion earlier at the cafeteria. You know who you are, stand up now."
Walang nagawa ang lahat kundi ang tumayo. Hindi kami tumayo ni Mia dahil hindi kami kasama, biktima lang din kami.
Inis na tumayo rin si Roxane. "Sino ka ba para utusan kami?! I am the Queen!" Sigaw ni Roxane.
"Not anymore." Nakangising sagot ni Supremo na ikinabagsak ng panga ni Roxane.
Humalakhak ako na ikinalingon nya. Nagngingitngit ang ngipin nya habang nakatingin sa akin ng masama. Come on, lapitan mo ako. Tangina mo gigil na gigil ako sa'yo.
"I am giving the crown to Zein Shion as the new Queen of Hell University." Sambit nya na ikinalaglag ng panga namin.
Hindi ako makapaniwala. Si Zein Shion, Queen of Hell University? Damn! How far she is now? She is above us now.
"W-What? You can't do this." Hindi makapaniwalang sabi ni Roxane na nanginginig na sa galit.
"Of couse I can. Ako ang nagluklok sa iyo, ako ang mag-aalis sa'yo." Nakangising sagot nya pero mahahalata mo sa ngisi nya na nag-aapoy pa rin sya sa galit.
"I declare the new King of Hell University as Matthew Hart." Wika ni Raze na ikinalaglag pa ng panga namin.
Hindi nagulat si Supremo sa sinabi ni Raze na animo'y inaasahan nya na ito.
Napatingin ako kay Matt na wala man lang reaction.
"I have the new list of the Highest 10 now." Wika ni Supremo habang ipinapakita ang kapiraso ng papel na hawak nya.
Hindi ko alam pero may hindi ako makapaniwalang kutob sa Highest 10 na ito. Ano na naman ito?
"I am now in the highest among the rest." Wika ni Supremo na ikinatigil ng lahat.
Supremo Ace Craige is now leading the entire Hell University. How awesome he is?
"Next to me is Raze Silvenia, the leader of Devil God Warrior."
"The pleasure is mine, Supremo." Yumuko ito ng konti kay Supremo.
Napayuko nya ang leader ng DGW. Tangina naman! Bakit parang sobrang taas ni Supremo? Ganito ba talaga kalakas ang pagiging President ng SSG? Kaya nyang utusan ang kung sino man?
"In the third place is Nazzer Lumia."
Yumuko lang ito ng konti.
"Next to him is the new Queen of Hell University, the Secretary of the Supreme Student Government. From the 9th place, Miss Zein Shion is now on the 4th rank which is the previous place of Mister Rouge Silvenia."
I can't do anything but to curse. She is not just an ordinary student now, Zein Shion is now one of the Highest here and I am proud to say. "Kaibigan namin 'yan! Kahit na anong pagdown na gawin nyo sa kanya, lalo nyo lang syang pinapataas. Thank you ah?" Sigaw ko na ikinalingon nilang lahat.
Proud na tumayo ako sa harapan nila. Bakit ba? Kaibigan ko ang Queen, ang 4th Highest Student, ang SSG Secretary. Sino bang kaibigan nya ang hindi mapaproud? Hmp!
"Umupo ka na nga, nakakaistorbo ka e." Awat sa akin ni Jerome kaya inirapan ko lang sya at bumalik sa pagkaupo.
"5th is still the Supreme Student Government Vice President. Mister Onel Ty." Wika ulit ni Supremo habang nakatingin kay Vice Ty na tumango sa kanya.
"Thank you, Supremo." Wika nito.
"Next is Mister Liam Rivera."
Napanganga ako nang tumayo si Liam sa harapan at yumuko kay Supremo. Kasama pala sya sa Highest 10? How come?
"Pasikat." Bulong ni Jerome.
"In the 7th place is the new King of Hell University, the co-leader of Black Blood Gang. Mister Matthew Hart."
Literal na napanganga na talaga ako. Si Matt? Nasa 7th place na?
About do'n sa pagiging Black Blood Gang co-leader nya, inamin nya nya sa amin 'yon at sinabi na rin nya ang purpose nya. He joined the Gang for the sake of Zein. Nakita ni Nazzer ang potensyal ni Matt, ang literal na lakas at tapang nito kaya hinikayat nya si Matt na umanib sa kanila kapalit ng kaligtasan ni Zein. Habang myembro si Matt ng BBG, protektado ng BBG si Zein. Ang swerte talaga nya.
Tumayo si Matt at pumunta sa harapan. Nakatingin kaming lahat sa kanya. Yumuko ito kay Supremo at nag-usap sila ng konti. Nakita kong sumilay sa labi ni Supremo ang isang ngiti bago bumalik sa amin si Matt na tahimik pa rin.
"Next is Miss Fritzy Saldivar. The former SSG Secretary."
Tumayo mula sa crowd si Fritzy na kumaway-kaway pa sa lahat. "Papaalipin talaga ako kay Zein Shion. Imagine? She is still a newbie pero nagawa nyang mapasali sa pinakamataas, at ang matinde... Queen of Hell University pa!" Sigaw nya habang nakatingin kay Roxane na inirapan lang sya.
Hindi ko mapigilang matawa ng konti. Kahit naman may pagkamaldita ang isang 'to, alam mong totoo sya sa sarili nya at hindi nya kailangang magpanggap na angel gaya ng isa dyan. Hmmp!
"Next is Nicky Colt, the Queen of Black Blood Gang."
Tinanggal ng babaeng katabi ni Nazzer ang maskara nya at nakipagkalikan nay Nazzer.
"Eww." Bulalas ko.
"Boss naman. Pwedeng mamaya na lang kayong maghalikan? Nasa public tayo. Live." Wika ng lalaking may pulang buhok na natatawa.
Tinaasan sya ng kilay ni Nicky at isang masamang titig ang nakuha nya kay Nazzer. Tumikhim ito at lumayo sa dalawa. "Sabi ko nga hindi na ako makikiaalam e." Dugtong pa nito.
"Last but not the least. In the 10th place is Mister Jerome Marquez."
Pagkasabi non ni Supremo ay napayuko na lang ako. Naramdaman kong napatingin sa akin si Jerome pero hindi ko magawang tumingin sa kanya. Alam ko na kung ano ang tinatago nya. Shit!
Ano bang dahilan mo kasi? Sabihin mo naman nang hindi ako nalilito ng ganito.
"Now."
Pagkasabi no'n ni Supremo ay nabalik sa kanya lahat ng aming atensyon. Sumilay sa labi nya ang isang nakakakilabot na ngiti at inilibot sa mga estudyanteng nakatayo ang kanyang tingin, ang mga estudyanteng sangkot sa paglapastangan kay Zein.
"A-Anong gagawin mo sa amin, Supremo?" Nanginginig na tanong ni Angelica.
"Listen, Black Blood Gang and Devil God Warrior." Panimula nya. "Isaulo nyo ang mukha ng lahat ng nakatayong ito. They will be your target for the next 1 week. I don't care if it is a day time, I don't give a shit if it is not a bloody night. Wala kayong ibang gagalawin kundi ang lahat ng nakatayo dito, kung itatanong nyo kung pwede kayong pumatay sa isa sa kanila? Yes, of course."
Napaupo ang ibang estudyante na animo'y hindi makapaniwala sa kapalit ng isang pagkakamaling ginawa nila. I knew it. Dugo kapalit ng dugo, buhay kapalit ng buhay. Pagbabayaran nyo ng higit sa ginawa nyo ang kasalanan nyo. Binalaan ko na kayo na hindi nyo kilala kung sino ang kinakalaban nyo pero hindi nyo ako pinakinggan, ngayon, hindi kayo patatahimikin ng mga gang. Nasa panganib ang mga buhay nyo.
"This is a punishment for all of you and this is an order from the highest Supreme Student Government. Dismiss."
-
-
-
TO BE CONTINUE.....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon