c-8

7.7K 216 5
                                    

⚠▶ Hell University ◀ ⚠
Chapter 8: Danger
Vanessa's Point of View
Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan para sundan si Matt sa pagpunta kay Zein ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay buhat-buhat na ito ni Matt.
Banayad lamang itong naglalakad habang buhat-buhat si Zein ngunit kapag tumingin ka sa kanyang mata ay alam mong kahit na anong oras ay sasabog ito sa galit. Ngayon ko lang syang nakitang ganon.
"Isugod nyo na sa clinic!" Dinig kong sigaw ni Mia mula sa aking likod.
Buhat-buhat na ng guard si Dave na wala ring malay. Kapansin-pansin ang panunuyo ng balat nito.
Shit! Masama ito!
"Everyone na hindi involved sa pangyayari. Maiwan kayo." Sigaw ni Madame Violet na malawak ang ngisi.
Naikuyom ko ang aking kamao. Anong klaseng namumuno sya? Nagawa nya pang magsaya kahit na nag-aagaw buhay ang dalawang estudyante. Shit!
"I must say.... umpisa na ang pagdanak ng dugo." Bulong ng katabi ko na may dalang wine.
Ito ang babaeng nagsabi na drugs iyon. Ang natatanging babae na kasapi ng Black Blood Gang.
"Shut up, bitch."
Iniwan ko na sya roon sa table namin at tumakbo papunta sa clinic. Habang tumatakbo ako ay maraming katanungan ang tumatakbo rin sa aking isip.
Sino ang may gawa non? Anong pinaplano nya? Bakit nya ginawa iyon? Kami ba ang puntirya nya?
Shit!
Naabutan kong humahagulgol si Mia sa labas ng clinic habang pinapatahan ni Jerome. Si Matt naman ay nakatulala at malalim ang iniisip.
"Sino sa tingin nyo ang may kagagawan nito?" Tanong ko.
Tumingin sa akin si Matt ng nakangisi habang umiiling. Anong problema nya?
"Sino sa tingin mo, Vanessa?" Balik na tanong nya.
"Hindi ko alam. Wala akong ideya." sambit ko.
Muling binalot kami ng katahimikan. Mejo tumahan na rin si Mia sa pag-iyak.
"Maari na kayong pumasok..." bungad sa amin ng school nurse na si Nurse Cha.
Pumasok kami sa loob at naabutan ang walang malay na si Zein at Dave. Nawala na ang panunuyo ng balat ni Dave subalit ang kay Zein ay meron pa at parang mas lumalala pa.
"Isang klase ng pinagbabawal na droga ang naihalo sa alak, hindi biro ang dossage nito kaya ganon na lang ang nangyari. Maya-maya lang ay gising na si Dave, habang si Zein ay kailangan pang obserbahan." Sambit nito sa amin.
Nanlumo ako dahil sa sinapit nila. At the same time ay galit na galit sa kung sino mang hayop na gumawa sa kanila nito. Demonyo sila.
"Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ganoon ang epekto kay Ms. Shion. Malala masyado." Nakakunot na dugtong nito.
"Paanong nangyari 'yon? Pareho lang naman silang uminom non?" Tanong ni Mia.
Oo nga. Bakit naging malala ang kay Zein? Bakit parang may mali na naman?
"Hindi ko rin alam, but maybe kumporme iyon sa dami ng nainom nila."
"Nakadalawang baso lang si Zein! Marami na ang nainom ni Dave! Bakit parang baliktad?" Tanong ni Jerome.
"Hindi ko pa masasagot 'yan ngayon but we will conduct an investigation about this. Don't worry, once na nalaman na namin ang sagot. We will inform you. Excuse me." Lumabas ito ng clinic.
Umupo sa sofa si Matt habang nakayuko habang kami ni Mia ay pinagmasdan ang kalagayan ng dalawa.
"Kung sino man ang may gawa nito. I swear, hinding-hindi ko sya mapapatawad." Gigil na sambit ni Mia.
Sa malapitan ay maging ang labi ni Zein ay nangitim na. Ang balat nya ay parang wala ng dugo. Sana walang mangyaring masama sa kanya.
"Damn that nurse." Bulong na sambit ni Matt na sinasabunutan ang kanyang buhok.
Kumunot ang noo ko. Bakit naging kasalanan ng nurse?
"Matt, walang kasalanan ang nurse." Pagtatama ni Jerome.
Tumawa ito ng malakas. Nakakakilabot ang tawa nito. Parang hindi na sya si Matt. Parang sinapian ng kung ano. Anong nangyayari sa kanya?
"Sa tingin nyo, tutulungan nila tayo?" Tanong nito sa amin. "Hindi. Kahit mamatay tayo, wala silang gagawin." Nakangising sambit nito.
Tumayo ito at lumapit kay Zein. Hinaplos nito ang kanyang buhok. Lumulot ang mukha nito at paunti-unting kumuyom ang kamao.
"W-what do you mean?" Tanong ni Mia na halatang gulong-gulo.
Maging ako ay naguguluhan. Bakit nya sinisisi ang nurse? Wala naman itong kasalanan.
"Wala siyang ginawa. Hindi nya ginamot o pinakialaman man lang sina Zein at Dave." Sagot nito.
Ngayon ko nga lang napansin na dapat ay may mga aparatong nakalagay kina Zein. Dapat ay may oxygen na nagsusupply dahil halatang nahihirapan silang huminga, lalo na si Zein. Pero wala.
"Bitch."
Gigil na sambit ko at aktong lalabas nang pigilan ako ni Jerome.
"Gusto nilang ipainom ito kina Zein at Dave." Sambit ni Matt.
Inalis nya ang tingin sa bote at ibinalin sa amin ang tingin nya.
"Sino? Teka! Hindi natin kilala kung sino ang nagbigay nyan! Baka kung anong mangyari kina Zein!" Awat ko.
Baka mas lumala pa ang lahat. Hindi namin kilala kung kanino ito galing.
"We need to trust them. Kailangan nating magtiwala. Nasa panganib na ang buhay nila Zein at Dave. Kung hindi sila agad malulunasan, maaring...maaring mas lumala ang lahat." Nagsusumamong paliwanag nito na humihingi ng pagsang-ayon.
"Tama si Matt. Maaring ito ang lunas." Pagsang-ayon ni Jerome.
Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag pinainom nila ang likidong asul na ito kina Zein at Dave pero kapag hindi kami kumilos, baka maaring manganib na talaga ang buhay nila.
Tumango na lang ako. Ngumiti sa akin si Matt at hinawakan ang aking balikat. "Trust me." Sambit nito bago tumalikod at tumungo kina Zein at Dave.
Unang pinainom ni Matt si Dave bago si Zein. Lumipas ang ilang minuto at nanatili kaming nakatingin sa dalawang mahimbing na natutulog. Lumakas ang pangamba sa amin nang walang nangyari.
"B-Bakit parang walang nangyayari?" Tanong ni Mia.
Walang sumagot sa amin. Ayoko ng ganito. Ayokong mag-isip ng kung ano pero hindi maalis sa isip ko ang mga pangamba at takot.
Kailangan naming maging matatag. Nag-uumpisa pa lang.
Nabuhayan kami ng loob ng dumilat ang mata ni Dave. Hingal na hingal ito kaya inabutan namin sya ng tubig. Nakatatlong baso sya na animo'y ilang araw na hindi nakainom ng tubig.
"Dave, gising
"Hindi nya dapat malaman na nagdududa tayo. Baka may gawin syang masama sa atin lalo na kina Zein at Dave." Sambit nito na hindi maipagkakailang may punto.
Walang nagawa si Mia kundi ang umupo sa sofa at lukutin ang unan doon.
Demonyo sila. Sinusubukan talaga nila kami. Humanda talaga sila kapag may nangyaring masama kina Zein at Dave. Humanda sila.
"We need to do something! Nanganganib ang buhay nila Zein at Dave!" Sigaw ko.
Napayuko kami nang biglang mabasag ang bintana sa gilid namin. Mabilis na tumakbo si Jerome palabas para tignan kung sino ang gumawa non habang kami ni Mia ay walang nagawa kundi ang umupo sa isang gilid.
"Ayoko na! Gusto ko ng makaalis dito!" Sigaw ni Mia.
Niyakap ko sya dahil ramdam kong takot na takot sya. Nanginginig ang katawa niya.
Parang isang panaginip ang lahat ng ito. Isang bangungot. Para rin kaming nasa isang laro na maraming palaisipan, isang laro na hindi namin alam kung sino ang kalaban.
"Wala naman." Ani Jerome na kakapasok lang.
Ngayon ko lang napansin na may hawak si Matt na isang kulay asul na likido, nakalagay ito sa isang maliit na bote. Para itong umiilaw.
"Ano 'yan?" Tanong ko.
Iniwan ko na muna si Mia para lumapit kay Matt na nakatitig parin sa bote.
"Yan ba ang pinambato nila? Pero, para saan 'yan?" Tanong ni Jerome na hindi rin maalis ang tingin sa bote.
"Gusto nilang ipainom ito kina Zein at Dave." Sambit ni Matt.
Inalis nya ang tingin sa bote at ibinalin sa amin ang tingin nya.
"Sino? Teka! Hindi natin kilala kung sino ang nagbigay nyan! Baka kung anong mangyari kina Zein!" Awat ko.
Baka mas lumala pa ang lahat. Hindi namin kilala kung kanino ito galing.
"We need to trust them. Kailangan nating magtiwala. Nasa panganib na ang buhay nila Zein at Dave. Kung hindi sila agad malulunasan, maaring...maaring mas lumala ang lahat." Nagsusumamong paliwanag nito na humihingi ng pagsang-ayon.
"Tama si Matt. Maaring ito ang lunas." Pagsang-ayon ni Jerome.
Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag pinainom nila ang likidong asul na ito kina Zein at Dave pero kapag hindi kami kumilos, baka maaring manganib na talaga ang buhay nila.
Tumango na lang ako. Ngumiti sa akin si Matt at hinawakan ang aking balikat. "Trust me." Sambit nito bago tumalikod at tumungo kina Zein at Dave.
Unang pinainom ni Matt si Dave bago si Zein. Lumipas ang ilang minuto at nanatili kaming nakatingin sa dalawang mahimbing na natutulog. Lumakas ang pangamba sa amin nang walang nangyari.
"B-Bakit parang walang nangyayari?" Tanong ni Mia.
Walang sumagot sa amin. Ayoko ng ganito. Ayokong mag-isip ng kung ano pero hindi maalis sa isip ko ang mga pangamba at takot.
Kailangan naming maging matatag. Nag-uumpisa pa lang.
Nabuhayan kami ng loob ng dumilat ang mata ni Dave. Hingal na hingal ito kaya inabutan namin sya ng tubig. Nakatatlong baso sya na animo'y ilang araw na hindi nakainom ng tubig.
"Dave, gising ka na." Maluha-luhang sambit ni Mia na ngayon ay nakayakap na kay Dave.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Alam namin ang pagtingin ni Mia kay Dave. Kaya alam kong gayon na lang ang takot nya nang mangyari ito.
"A-asan si Zein?" Tanong ni Dave.
Napalingon sya sa tabi nya kung saan naroon si Zein na wala pa ring malay. Bakit ganon? Bakit hindi pa rin sya nagigising.
Narinig namin ang pagkabasag ng base sa tabi ni Matt na ngayon ay nakayuko na lang.
"Hindi. Gigising si Zein! Bakit ba ganyan ang inaakto nyo?! Imumulat ni Zein ang mata nya! Susungitan nya pa tayo!" Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Niyugyog ko sya ngunit walang nangyari. Nagbadya na ang luha sa aking mga mata. This can't be! Hindi mamamatay si Zein!
"Bakit ganon?! Umepekto kay Dave bakit kay Zein hindi?!" Hindi na rin mapakali si Jerome.
Nanaig ang katahimikan sa amin hanggang sa narinig namin ang pagbukas ng pinto. Iniluwal nito ang isang babae na mejo bata sa amin siguro.
"Anong ginagawa mo rito? Sino ka?" Tanong sa kanya ni Mia.
"Hindi ako kaaway. Andito ako para tulungan kayo." Sabi nito.
Dumiretso ito sa gilid ni Zein. Nakatingin kaming lahat sa kanya at naghihintay kung anong gagawin nya.
Nanlaki ang mata namin nang makitang naglabas ito ng kutsilyo. Hindi kami nakakilos at pinanuod lang namin kung paano nya itinaas ang damit ni Zein at hiniwa ng maliit ang gitna ng dibdib nito.
"Anong ginawa mo?!" Hinablot ni Jerome ang damit ng babae pero wala man lang itong naging reaksyon.
"Ahh..." Napatayo si Matt nang marinig ang mahinang pagdaing ni Zein.
Nabuhayan kaming lahat ng loob.
"Ngayon. Ipainom nyo sa kanya ang gamot na ibinigay nila." Sambit ng babae na ngayon ay pinakawalan na ni Jerome.
Mabilis na lumapit si Matt at pinainom kay Zein at natitirang likido sa bote.
"That is the Blue Elixir. Isang uri ng gamot na kayang linisin ang daluyan ng dugo sa puso. Hindi ito umubra kanina dahil tulog siya kaya hiniwa ko ang tyan nya para magising sya." Pagpapaliwanag ito.
Napatalon ako sa tuwa nang iminulat na ni Zein ang kanyang mata. Katulad ni Dave ay uhaw na uhaw rin ito.
Tumulo ang luha sa aking mata dahil sa saya. Lumuwag na rin ang aking paghinga. Lumingon ako sa likod para sana magpasalamat sa babae pero wala na sya.
"Asan na sya?" Tanong ko.
Nagkibit-balikat na lang sila at muling ngumiti. Sa wakas ay ligtas na sina Zein at Dave. Maraming salamat sa mga tumulong sa amin pero may isa akong ipinagtataka.
Ayon sa pagkakaexplain nya. Ang blue elixir ay uubra lang kung gising ang iinom nito. Hindi umubra kay Zein dahil tulog sya pero bakit kay Dave umubra?
Posible kayang gising si Dave at hindi talaga hinimatay?
Paano?
-
-
-
TO BE CONTINUE...

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon