45

5.4K 191 1
                                    

🔥Hell University🔱🔥
Chapter 45: If you are not the one
Zein's Point of View
Sapat ba na ikatwiran kong mahal ko sya kaya hanggang ngayon ay nakayakap pa rin ako sa kanya? Dapat bang ipaglaban ko ang isang pag-ibig kung saan lahat ng nakapaligid sa amin ay hindi sang-ayon? Is love really conquers all?
Isang tanong ang ngayon ay hindi ko pa rin masagot. Saan ba kami dadalhin ng pagmamahal na ito?
Narito kami ngayon ni Supremo sa library dahil gusto nya raw ako masolo. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil nakangiting titig sya sa akin. Awkward.
"Come on... darling, look at me."
That darling is killing me. I used to hate endearment and I find it gross and oa but now--- I can't exactly define what am I feeling whenever I am hearing that one word from him. Yeah, that one word.
Nanatiling nakatungo ako dahil nahihiya talaga ako. Ano ba kasing gusto nya? Magtitigan kami hanggang mamaya?
"Zein?"
"Supremo naman e."
I heard him chuckled. Hindi ko maiwasang mamula at gustuhin ko mang takbuhan na lang sya ay parang hindi na kaya ng tuhod ko.... at ng aking puso.
"If you're not the one then why does my soul feel glad today?"
Nanindig ang balahibo ko kasabay ng pag-angat ng tingin ko. Napakalamig... sobrang lamig ng boses nya. OH MY GHAD!
Supremo is singing.
Ngumisi sya nang makitang naagaw nya ang atensyon ko. "If you're not the one then why does my hand fit yours this way?" Agad na ginapangan ako ng malakas na boltahe ng kuryente nang maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko--- Pinagsalikop nya ang mga ito nang nakatingin sa aking mata.
OH MY GHAD!
"If you are not mine then why does your heart return my call"
Akala ko nahulog na ako pero sa mga sandaling ito, napagtanto ko na--- Patuloy pa rin pala akong nahuhulog. Malalim, sobrang lalim. Kaya ko pa bang makaahon kung sakali? Why are you making this so hard for me, Ace? Why?
"If you are not mine would I have the strength to stand at all"
Hindi ko alam na marunong palang kumanta si Supremo, hindi lang sya basta-basta kumakanta. Pinapasok nya rin ang bawat liriko ng kanta sa aking isipan, pababa sa aking puso.
Napasinghap ako nang hilain nya ang mono block na inuupuan ko at iniharap sa kanya.
"I'll never know what the future brings"
Mas lumamig ang boses nya na animo'y pinapahinto nya ang oras... unti-unting naglalaho sa aking pandinig ang tibok ng puso ko.
"We'll make it through, And I hope you are the one I share my life with"
Hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang luhang kanina pa pala tumutulo. Ang lamig ng kamay nya na nanginginig pa.
Inilapit nya ang kanyang mukha at pinaglapat ang aming noo. Ngayon, ramdam ko na ang init nya... ang paghinga nya. Malinaw na nakikita ko ang mga mata nyang nagsusumamo...lumalaban.
"I don't want to run away but I can't take it, I don't understand"
Muling nanindig ang balahibo ko nang kantahin nya ang linyang 'yon. Ang malamig na boses nya na parang ibinubulong na lang nya sa akin.
"If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?"
Hindi ko napigilang yumakap sa kanya. Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat nya at hinampas ang kanyang braso. Naiinis ako, naiinis akong bawat minuto ay mas minamahal ko pa sya. Hindi ko alam ba't nagkaganito, dapat ay kinamumuhian kita pero bakit ngayon, sobrang minamahal pa kita?
Humigpit ang yakap nya sa akin. Hinaplos nya ang buhok ko. "Darling, I want to scream... Please stop me." Bulong nya sa tainga ko.
Napangiti ako ng mapait. "Don't." Bulong ko.
Kahit na malabo ang pagkasabi nya no'n ay malinaw na malinaw sa akin 'yon. Alam ko kung ano ang tinutukoy nya at handa akong pigilan sya. Ayokong matapos agad ito. Natatakot ako, sobra.
"Sana mapigilan mo ako dahil hindi ko kaya ang sarili ko. Baka maisigaw ko ngayon ang pangalan mo... kung ano ang nararamdaman ko. Zein, baliw na ako sa'yo at handa ko pa itong itodo."
Ace, paano tayo? Nalilito na ako. Tama bang ikaw ang piliin ko? Paano lahat ng pinaghirapan mo? Hindi mo man sabihin sa akin ay alam kong napamahal ka na rin sa kanila, sa kung anong meron ka. Supremo, sana kaya kitang ipaglaban... sana.
"What a scene."
Mabilis na kumalas ako sa pagkakayakap kay Supremo kahit na mas hinigpitan nya pa ang kapit nya.
Kinain ako ng takot nang makita ang nakahalukipkip at nakangising si Roxane. Mejo nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang ibang tao ngayon sa library kundi kaming tatlo lang at ang librarian na nakangiti habang nag-aayos ng mga papeles sa kanyang table, malayo sa amin.
Natutop ako sa kinauupuan ko at walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.
"Just be thankful you're still alive." Walang ganang wika ni Supremo na nakatuon ang atensyon sa kamay naming nakasalikop pa rin.
Hindi talaga sya natatakot. Parang wala lang sa kanya.
"Oh well, Supremo. That was maybe the biggest mistake of your life. Dapat ay tinuluyan mo na ako." Nakangising sagot ni Roxane.
Nanlamig ang katawan ni Roxane at parang nanigas sa kinatatayuan nya sa hindi malamang dahilan. Kumunot ang noo ko. Namumutla rin ito habang nakatingin kay Supremo.
Napatingin ako kay Supremo at halos mapamura ako nang makitang pinaglalaruan nya ang isang kutsilyo. Parang laruan lang itong pinapaikot nya sa kanyang daliri. Hindi ako maaaring magkamali... katulad na katulad ito ng kutsilyong ibinigay nya sa akin. Nakita ko rin ang dragon symbol na kulay itim sa hawakan ng kutsilyo... at ang mata ng dragon ay kulay pula.
"T-That's the symbol of---"
Muling naistatwa si Roxane nang ibinalin sa kanya ni Supremo ang nanlilisik na mata nito. Maging ako ay natakot at kinilabutan.
"I will count..."
Napaatras ng isang hakbang si Roxane na nanginginig.
"One,"
Muling napaatras ng isang hakbang pa si Roxane at nasagi ang isang vase sa gilid nito na lumikha ng nakakabinging ingay.
"Two,"
Napaupo sa sahig si Roxane at nagmadaling gumapang palabas ng library habang ako ay tulala pa rin. I just can't believe.
"Darling, lets eat?"
Binalingan ko ng tingin si Supremo na ngayon ay nakangiti na sa akin at wala na ang kutsilyong hawak nya. Paano nya nagawang ilabas ang kasindaksindak na katauhan na 'yon? Paano nya nagawang muling ngumiti sa ganong kabilis na panahon?
Supremo, kilala na ba talaga kita? O may kailangan pa akong malaman tungkol sa'yo?
Pagkatapos naming kumain ay may pasok na ako kaya magkakahiwalan na naman kami ni Supremo. Sigh.
"Zein, bukas ah?"
Kunwaring kumunot ang noo ko at nagpanggap hindi alam kung ano ang tinutukoy nya.
"Ano bang meron bukas?"
"Oh come on. You can't fool me, Zein."
Natawa na lang ako na hindi ko pala kayang lokohin ang lalaking 'to.
"Alright pero, wala akong regalo." Mejo nahiya ako sa katotohanang iyon.
Wala naman kasing mall dito na maaaring pagbilhan ng regalo at wala rin naman na akong pera at umaaasa lang sa libre sa unibersidad na ito. Sad life.
"I want you, only you."
Tumalikod ako sa kanya para itago ang namumula kong mukha. Hindi talaga sya aware na nakakamatay ang mga salita nya. How innocent, my Supremo.
"P-Papasok na ako,"
"I am dead serious. Walang kwenta ang lahat kung wala ka. Zein, darling? Gusto kitang isayaw sa harap ng maraming tao.... one of my dream. Come on, sana matupad ang pangarap ko."
Naglakad na ako palayo roon at hindi na muling binalingan ng tingin si Supremo baka bumalik na naman ako sa kanya at hindi ako makapasok. Ito ang hirap sa akin, nahihirapan na ako kapag magkakalayo kami ni Supremo.
Hay.
Nakangiting tinahak ko ang next subject ko nang hinalin ako ni Nicky. Mabilis na kinain akong muli ng takot.
Ano na naman 'to?
"Let me go!" Nagpumiglas ako kaya mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sa braso ko.
Hindi ko maiwasang masaktan lalo na't naramdaman ko ang pagbaon ng kuko nya roon.
Ramdam ko ang galit nya, pero bakit? Ano na naman ito?
Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang mga kasama ni Nicky.
Dinala nila ako sa liblib na lugar at pabagsak na binitawan ako ni Nicky. Bumagsak ako sa lupa kung saan maraming nakakalat na tuyong dahon.
Muli kong ibinalin ang aking tingin sa tatlong taong nasa harap ko.
"Anong gagawin nyo sa kanya?" Tanong ng nakapulang maskara.
Raze? No. The fake Raze.
"Hindi sya maaaring makadalo sa kaarawan ni Supremo." Malamig na wika ni Nazzer.
Gusto kong magmura at sumigaw sa pagkadismaya sa isang bagay na hindi ko maintindihan. FUCK! Ayoko ng ganito! Hindi nila ako maaring pigilan. Ayokong biguin si Supreno. No. Hindi pwede.
"Bakit nyo ba ito ginagawa?!" Sigaw ko.
Ngumisi si Nicky. "Love has no place in this hell. Love is just a poison." Wika nito.
"Poison?" Mejo natawa ako sa sinabi ni Nicky. "Kung totoong lason man 'to, kailan kaya kayo mamamatay?" Tanong ko sa kanilang dalawa ni Nazzer.
Naramdaman kong naapektuhan si Nazzer ngunit nanatiling nakangisi si Nicky.
I know there's something between the two, bagay na maihahalintulad sa aming dalawa ni Supremo.
"Well, sad to say. It is not love, my dear."
Napatingin ako kay Nazzer na nakatingin kay Nicky. Wala sa sariling napangisi ako nang makita ang mata ni Nazzer... hurt.
Wala nga ba?
"Kailangan natin syang itago," wika ni Nazzer na nakatingin sa akin. "Itago sa hindi kayang makita ni Supremo." Dugtong pa nito.
Muli akong kinain ng takot.
"No, please." Pagmamakaawa ko.
Kailangan kong tuparin ang pangarap ni Supremo. Ayoko syang biguin.
"Hindi, hindi nyo maaaring gawin 'to." Wika ni Raze.
Mabilis na tinutukan ng pako ni Nicky si Raze na namutla. Walang duda, hindi talaga sya si Raze. Hindi nasisindak ang totoong Raze.
"Hindi namin hinihingi ang opinion mo." Bulong ni Nicky sa kanya.
Wala ng nagawa si Raze kundi ang kagatin ang kanyang dila.
"Bakit ba ayaw nyo akong papuntahin sa kaarawan ni Supremo?"
"Hindi pwede... may pinaplano si Supremo na hahadlangan namin."
Mabilis na kumunot ang aking noo at sumabog ang isang katutak na katanungan. Ano?
"W-What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
Ngumisi lamang sila at pwersahang itinali ang mga kamay ko sa likod. Maging ang paa ko. Nagpumiglas ako ngunit hindi ito naging sapat. Tumingin ako kay Raze ngunit umiwas sya ng tingin. Coward.
Hindi ko na napigilang banggitin ang isang pangalan. "Matt, tulungan mo naman ako." Wika ko.
Sinundan ko ng tingin ang isang lalaking lumabas sa likod ng isang puno. Napangisi ako. I knew it. Kanina ko pa nararamdaman ang presensya nya.
Lumapit sya sa amin. Akala ko tutulungan nya ako ngunit nanatili lang syang nakatayo.
"Bakit nyo pa kasi hahadlangan si Supremo? I mean, kaya nyo ba syang kalabanin?" Natatawang tanong ni Matt.
Nanlaki ang mata ko nang pabulusukin ni Nicky ang isang pako sa direksyon ni Matt. Inilihis lang ni Matt ang kanyang leeg at lumagpas na ang pako sa kanya.
Napanganga ako sa ginawa nya. Sobrang bilis, hindi ko alam na ganito pala kabilis si Matt. Hindi nya kailangang maging demonyo dahil kayang-kaya nyang lumaban na hindi man lang nagseseryoso.
"Shut up." Matigad ni wika ni Nazzer na mukhang natamaan sa sinabi ni Matt.
Tumingin sa akin si Matt at tinaasan ako ng kilay. Parang sinesenyasan nya akong lumaban pero hindi ko kaya. Masyado silang malakas.
Napailing ito na animo'y disappointed sa naging sagot ko.
"Hindi ko kayo pipigilan, but make sure na hindi nyo sya sasaktan." May halong pagbabanta ni Matt.
Nawalan na ako ng pag-asa nang buhatin ako ni Nazzer at ilagay sa kanyang balikat.
"H-Hindi mo ba ako tutulungan?" Tanong ko kay Matt.
Ngumiti ito sa akin. "Hindi." Matabang na sagot nito.
Tumalikod ito sa amin. "Hindi ka na makakapunta sa kaarawan ng isang taong importante sa'yo. Sisirain mo lahat ng pangarap nya. Masasaktan mo ang isang taong lubos na nagmamahal sa'yo. Maghihintay sya sa wala. Ganyan ka ba, Zein?"
Nakalayo na kami nila Nazzer ngunit hindi maalis lahat ng sinabi sa akin ni Matt. Sumikip ang dibdib ko. Hindi, pupunta ako kailangan ako ni Supremo.
Naramdaman kong may itinurok sa akin si Nicky dahilan ng pagkahilo ko pero bago ako mawalan ng malay ay napangiti ako.
Salamat, Matt.
-
-
-
TO BE CONTINUE....

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon