contenue the chapter 2

11.6K 272 4
                                    

🔱 Hell University🚩 🔱
(Continue the chapter "2"...)
"Zein. Wala ka bang napapansin?" bulong sa akin ni Vanessa na nasa kanan ko. Si Mia naman ang nasa kaliwa ko bale ako ang nasa gitna at kaming tatlo ay nasa likod.
Hindi ako sumagot sa tanong nya at pinakiramdaman lang ang paligid. I knew it! Halos nakatingin lahat sa amin ang mga kaklase namin. Iyong iba ay pasulyap-sulyap lang habang ang iba ay lantaran kung kami ay titigan. May mga nakangisi at may iba namang animo'y nag-aalala.
"Mia?" Sinubukan kong kunin ang atensyon ni Mia na tulala sa labas ngunit hindi man nya ako binigyan pansin.
Nagulat ako ng humagulgol si Mia at yumakap sa akin ng mahigpit. Napatingin ako sa labas kung saan kanina pa sya nakatitig.
Napatili ako ng malakas ng nakita ko ang isang lalaking nakagapos sa silya. Nakatali ang mga kamay niya sa likod habang walang damit at puro saksak sa katawan. Kapansin-pansin din ang nakalawit nitong dila.
Nakarinig ako ng mga bulungan at sigawan din nang makita nila ang kawawang lalaki.
Naglapitan silang lahat doon na pinamumunuan ni Sir Alvarez, ang teacher namin sa Math. Hindi ko naman magawang sumunod dahil nakayakap sa akin si Mia na humahagulgol.
"Shit! Sinong may gawa no'n? Napakawalang puso naman." Komento ni Vanessa na hinahagod ang likod ni Mia para patahanin.
Sinulyapan ko ang labas na nakakumpol na ang mga estudyante na nakikiusyoso. Ang iba ay nanatili sa loob na parang natatakot na lumabas.
"Devil. Only evil persons can do such thing." Sabi ko.
Demonyo sila. Damn! Ngayon ay kinakailangan na talaga naming makaalis sa lugar na ito. Hindi kami safe rito, no one is.
"Ayos lang kayo?!"
"Anong nangyari kay Mia?"
Nagdatingan ang mga boys na humahangos. Halata ang alala sa kanilang mga mata.
"Ayos lang siya. Natakot lang. Mabuti pa at iuwi na natin sya sa dormitoryo nang makapagpahinga na." suhestyon ko na sinang-ayunan nilang lahat.
Binuhat ni Dave si Mia at nakaalalay naman sa kanila si Vanessa at Jerome.
"May nalaman kami tungkol sa school na ito." Seryosong sambit ni Matt.
Magtatanong sana ako nang tumakbo sya sa mga nagkukumpulang tao para makiusyoso. Sumunod ako sa kanya. Tinakpan ko ang aking bibig nang malapitan na makita ang wala ng buhay na lalaki.
Nanlaki ang mata ko at halos masuka nang makita ko ang nakalawit nyang dila na may tatak na pako. Parang tinatakan ito gamit ang nag-aapoy na bakal dahil sa mejo malalim ito.
"They did it again." Bulong ng isang babae na nakasalamin.
Tumingin sya sa akin at ngumisi.
"Zein, right?" Tanong nya. Tumango na lang ako.
"Ako si Meico. 3rd year student." pagpapakilala nya. Tumango na lang ako dahil wala akong interest na makipagkilala sa kahit na sino.
Wala akong mapagkakatiwalaan sa ngayon. Damn! Ang hirap ng sitwasyon namin!
"That nail in his tongue symbolized the Black Blood Gang. Ngayon lang ulit sila nagparamdam matapos ang nangyari last week."
Hindi ko napigilan ang makinig sa sinabi nya at nakakalito talaga. Ano bang sinasabi nya?
"It's just means that another war will happen soon... Alam kong mas matindi ito ngayon dahil pinatay nila ang nag-iisang kapatid ni Raze Silvenia, the leader of the Devil God Warrior."
Napalunok ako matapos marinig ang mga iyon. Shit! Kailangan na naming makaalis sa lalong madaling panahon dahil kung hindi.... madadamay kami sa isang malaking pangyayari.
"Tara na?" Tanong sa akin ni Matt na galing sa kung saan. Sandali kung sinulyapan ang kawawang lalaki bago tumango.
Palayo na kami sa pangyayaring iyon ngunit parang nakatatak na sa aking isip ang replika nito, lalong lalo na ang pakong nasa dila nito. How brutal they are? O baka, patikim pa lamang ito ng kademonyohan nila.
"Rouge Silvenia. Siya ang nag-iisang kapatid ni Raze Silvenia." sabi ni Matt na seryosong nakatingin sa daan.
Nanatili ang mga tainga ko sa kanya, naghihintay ng marami pang detalye.
"Who are they?" Tanong ko kahit na alam ko na kung sino ang tinutukoy niyang Raze, ang leader Devil God Warrior na sinabi ni Meico.
Naramdaman kong inakbayan ako ni Matt na nakangisi na ngayon.
"Enough. Wala kang dapat malaman, Zein, kundi ay hindi ka na talaga makakaalis dito at iyong ang hinding-hindi ko hahayaang mangyari." aniya.
Hindi ko sya maintindihan. Bakit andami nyang alam? May nagsabi ba sa kanya? Paano sya? Marami na syang alam, posible bang hindi na sya makaalis dito?
Nakarating kami sa dormitoryo at naabutan ang natutulog na si Mia. Natakot siguro sya ng husto.
"Kain na kayo. Oo nga pala, anong subject nyo?" Tanong sa amin ni Vanessa na nag-aayos ng lamesa. Nasa kwarto siguro sina Jerome at Dave.
Pinanghila ako ni Matt ng upuan kaya ngumiti na lang ako sa kanya.
"English." sagot ni Matt na pinagsasalin ako ng kanin.
Tumingin naman sa akin si Vanessa na nag-aantay sa aking sagot.
"History." Sagot ko naman. Memorized ko na ang schedule ko.
"Ikaw lang pala ang mahihiwalay." Sambit naman ni Vanessa na ikinatigil ni Matt sa pagsandok.
"English kayong lahat?" Tanong ko. Tumango naman sya.
"Ikaw lang mag-isa Zein. Gusto mo bang bantayan kita?" Suhestyon ni Matt na titig na titig sa akin.
"Hindi, okay lang. Ano ka ba!" Natatawang suway ko.
Inaamin ko na kinilig ako. Inaamin ko rin na matagal ko ng crush itong si Matt, sadyang manhid lang talaga sya.
Pagkatapos naming kumain ay saktong kagigising lang ni Mia na mugto pa ang mata.
Umupo kami sa harap nya at saktong kakalabas lang din nila Jerome at Dave sa kanilang kwarto na halatang kagigising lang din.
"Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Dave na umupo na rin sa tabi ni Mia.
"O-Oo. Salamat." sambit nito.
Kating-kati na ang aking bibig na magtanong pero pinigilan ko ang aking sarili. Baka mabigla sya at hindi nya pa kayang magsalita. Alam kong nakita nya ang mga tao sa likod ng kawalang hiyaang iyon.
"Kaya mo na ba talagang pumasok?" Tanong ko kay Mia na nagsusuot na ng blouse.
Natigilan ito sa pagsuot pero agad ding nakabawi at ngumiti sa akin.
"Ikaw nga ang inaalala ko. Ikaw lang ang mahihiwalay sa atin." sambit niya.
"Ano ka ba! Kaya ko ang sarili ko. Marunong kaya ako mang-karate." biro ko.
Tanghaling tapat, grabe ang init habang naglalakad ako sa dulong building ng mag-isa. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng nakakalat dahil oras ng klase at alam kong late na ako.
Minadali ko ang paglalakad at binalewala ang mga titig ng mga tao. Ano bang problema nila? Hindi pa ba sila nakakamove on na may mga tangang pumasok sa school na ito? Psh.
Naabutan ko ang katahimikan sa room namin. Wala pa ang teacher namin. Yumuko ako sa awkward na nararamdaman dahil nakatingin sa akin ang lahat. Nakayukong umupo ako sa dulo.
"Late? Ang lakas talaga ng loob mo."
Napatingin ako sa katabi ko at laking gulat na ito ang babaeng nasa CR. Iyong pulang-pula nyang labi at itim na mata. Nakakatakot ang titig niya.
"Pasalamat ka na lang at hindi ka nahuli ni Supremo." naiiling na sambit niya bago ibinalik ang tingin sa kanyang kwaderno.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang iginuguhit niya.
Pako?
-
-
-
TO BE CONTINUE

hell universityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon